Chapter Twelve

1 0 0
                                    

C12;  Officially couple

GABI na ng dumating sila ni Creill sa kanyang tinutuluyang apartment. Nagulat pa siya ng malaman nito kung saan sya tumutuloy at pinaalala naman nitong naging stalker nga pala niya ito. Nakasimangot na bumaba siya ng montero. After hearing those confession from him, isa lang ang narealize niya. She's totally stupid! A lot of years has been done yet she just waste it for nothing. She was hurting by the fact na kahit hindi naging sila ng binata ay feeling niya broken hearted siya tapos malalaman niya lang, Creill is secretly admiring her!

Masyadong malalim ang iniisip niya kaya napaigtad pa siya ng maramdaman ang braso ni Creill na bigla na lang lumapat sa bewang niya. Napatingala tuloy sya dito. Nakangiting tumingin ito sa kanya kaya napayuko siya ng wala sa oras.

Ang awkward eh.

Ngayon pa siya na-awkward-an ng ganito. Hindi naman niya naranasan makitang ganito ito ka-sweet noong Boss niya pa ito. Itinaas nito ang baba niya gamit ang hintuturo nito.

"Did I make you feel awkward?"

Kiming tumango siya. Mahiyahin nga kasi siya ano ba!

"What do you want me to do?"

Umiling siya. Wala naman itong dapat gawin. Hindi lang kasi siya sanay. Isa pa,  ngayon ang unang gabi na ano...

"Nef! Sino yang lalaking yan?!"

Nagulat siya sa boses ni Sky na siyang pagtingin nila dito. Hindi niya namalayan nasa harapan na pala sila ng pinto ng apartment at saktong nasa pintuan si Sky! Patay!
Bago pa siya makasagot kay Sky ay agad na hinila siya ni Sky sa pulso at pinasadahan ng tingin si Creill na biglang sumeryoso ang mukha. Ohh she miss seeing him with that kind of looks!

"Magsalita ka Lalaki, sino ka?! Bakit ka nakahawak sa be-bewang ng kaibigan ko?!"

"Do i need to answer your question?"

"Malamang! Huwag mo 'kong iniinglish. Nasa Pilipinas tayo."

Napapailing si Creill kay Sky kaya napapangiti siya sa dalawa. Bumaling ang tingin ni Sky sa kanya at sinamaan siya ng tingin bago binalik sa binata. Creill heavily sighed before stared at her. Sa kanya ito tumitig with a smile and twinkles eyes.

"I'm her boyfriend."

Halos naman pamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Okay, wala naman silang usapan na sila na nga. Pero nagconfessed na din naman ito sa kanya na mahal siya nito at matagal na din naman siyang may gusto dito kaya walang kaso sa kanya kung sinabi nitong boyfriend nya ito. Ang sarap nga sa feeling eh. Kahit pa walang courtship na eksena.

"A-Ano?! B-Boyfriend ka niya? Anong pangalan mo ba?"

Ang maldita talaga ng Sky na'to. Kung alam lang nito na ito 'yung lalaking kinukwento niya. Nasabi na din kasi niya 'yun kaya todo iyak si Sky para sa kanya noong nabanggit niya dito na nagpropose si Creill kay Cindy na ang totoo ay wala palang nangyari.

"Tss. I'm Creill Hedth."

Biglang natahimik si Sky sa tabi niya. Ang paghawak nito sa pulsuhan niya ay biglang lumuwang. Nag aalalang tinignan niya ito at halata sa mukha nito na parang may naalala.

"K-kaano ano mo si T-Thren Hedth?"

Mahinang tanong nito pero dinig nila ni Creill ang tanong nito. Napakunot noo naman si Creill sa narinig.

"He's my youngest brother."

Tuluyan na ngang natumba  sa pagkakatayo si Sky. Mabuti na lang agad na naalalayan niya ito. Bigla itong pinanlamigan kaya balak na sana niyang sabihan si Creill na buhatin ang kaibigan niya ay naunahan na nga sya nito. Binuhat ni Creill si Sky at pinaupo sa maliit nilang sala. Mabilis naman na kumuha siya ng tubig para ipainom sa kaibigan. Hinawakan niya sa kamay ang kaibigan na tahimik lang. Bigla nalang kasi nabura ang kamalditahan nito. Napaka weak nitong tignan. Nagkatinginan sila ni Creill.

Heartless Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon