"Aris...Aris...ARIS!!" kanina ko pa tinatawag si Aris sa kwarto n'ya pero wala namang sumasagot
Hanggang kailan ba magiging ganito si Aris?
Magkasama kami ni Aris sa iisang Maze if you don't mind asking, s'ya lang ka isa isang lalaki.
Dumiretso nalang ako sa cafeteria, baka wala pa talagang gana si Aris kumain kaya di ko nalang s'ya pipilitin.
Pagpasok ko ng cafeteria as usual marami pa ring tao pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Aris sa cafeteria at nakikipag usap sa ibang tao
???
Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila pero mukha silang seryoso. Nakatayo lang ako hanggang sa makita ako ni Aris at nilapitan wala s'yang sinabi at basta nalang ako hinila sa table kung nasaan yung mga kausap n'ya
Sila rin yung mga bagong dating dito kahapon
"Si Julia" tumingin sa'kin si Aris at sinisenyasan na magpakilala
"Kahit Juls nalang" ngumiti ako sakanila
Pansin kong tumingin silang lahat don sa chinito, 'di ko alam bakit
Teresa
Winston
Thomas
Newt
Frypan
Nagpakilala sila isa-isa except don sa chinito kaya napatingin kami sakanya. Parang walang gusto lumabas na salita sa mga bibig n'ya.
Nakatulala lang s'ya at nakatingin sa'kin habang naluluha yung mga mata n'ya
"Bro, okay ka lang?" Tanong sakanya ng kaibigan n'ya
Wala kaming nakuhang sagot at nag walk out lang s'ya.
Sungit naman no'n
"Si Minho 'yon, pag pasensyahan mo na may jetlag pa ata 'yon" nakangiting sabi ni Newt.
I smiled assuring Newt na it's okay
Pinaupo nila ako at sinimulan nila explain yung plano na pinag uusapan nila kanina, planong umalis dito.
Hindi ko maintindihan, bakit kailangan pa namin umalis? Now that we're safe?
Ang sa'kin lang ayokong balikan yung naging buhay ko sa Maze, ayoko na ulit maranasan 'yon. Baka this time hindi na ako makaligtas pa.
"Sigurado ka ba d'yan Aris?" Tanong ko
"Alam mo naman kung anong nangyari sa'tin bago tayo nakaalis sa Maze na 'yon 'di ba?" Halata yung takot sa boses ko habang nagsasalita
I lost my friends...si Aris nalang natitira sa'kin
Wala nagsasalita sakanila, kahit si Aris ay hindi kayang sagutin ang tanong ko, ramdam ko na naluluha na yung mga mata ko kaya tumayo ako at umalis
Habang naglalakad ay nararamdaman kong tumutulo ang mga luha ko even though i tried so hard not to cry.
Nang makarating ako sa kwarto ko
Ay doon ako mas humagulgol ng iyak. Ayoko makita ni Aris kung gaano ako kahina as much as possible gusto ko s'yang protektahan dahil kapatid na ang turing ko sakanya.
YOU ARE READING
Take A Chance With Me | TMR MINHO
Fanfic"I'll be your safety net, So why not raise the stakes?" In which Subject A8 (Julia) met Subject A7 (Minho), who has an inconsolable past from the Maze. Will Julia and Minho take a risk? Otherwise, they will lose this chance.