12

0 0 0
                                    

ANO 'YON??!!!!!!

THAT WAS NOT ME? I GUESS. . .

"Ikaw lang naman ang gusto ko."

"Ikaw lang naman ang gusto ko."

"Ikaw lang naman ang gusto ko."

"Ikaw lang naman ang gusto ko."

"HUY, ATE!" Halos matalon ako sa panggugulat sa'kin ni Dani. "Kanina ka pa nakatulala, 'te. Anong mayro'n?"

"Wala. May iniisip lang," mataray kong tugon.

"Si kuya Camden?" patukso niyang tanong.

I just rolled my eyes and nag decide nang humiga since tapos naman na ako sa'king night routine. Hindi na muna ako humawak ng phone at tumingin lang sa kisame. Iniisip ang sinabi niya sa'kin. I mean, dinadigest ko palang.

It's past 23:00 o'clock already pero hindi pa rin ako makatulog. Nagvvibrate phone ko pero hindi ko lang talaga siya pinapansin. Hindi dahil wala ako sa mood, but because ayaw ko lang muna. Ba't ba. Self-time. Gano'n, pero ilang minute bago mag alas dose ay napagpasyahan ko ring basahin lahat ng mga chats sa gc naming and others.

"Hays, wala namang chismis sa gc puro, tanungan ng about sa mga projects. Kaumay," muni-muni ko.

"Ate, kausap mo?" si Drew from the other side of the wall.

"HEH! Matulog ka na nga diyan."

"Sorry, no class," pagmamayabang niya pero hindi ko nalang pinansin at nagbasa lang ng mga messages ni Camden.

From John Camden: 19:24
hi? wer r u?

From John Camden: 19:30
u doing assignments ba?
u going to visit me ba tomorrow nang ganitong oras?
pasama lang kay drew or dani para di ikaw papagalitan

From John Camden: 20:00
hi? u ignoring me? :(
pls reply ha.
sleep na ako, spring
g'night!

Nireplyan ko lang 'yung mga part na mayro'ng mga questions and natulog na rin. I don't know lang. Parang 'yung sistema ko 'yung wala sa mood ta's nadadala nalang din ako. ARGH! Parang may mali talaga e. I don't know kung sino, saan, ano pero parang mayro'n lang talagang mali. Ramdam ko lang.

A not-so-good-morning for me. Kaya pala wala ako sa mood kasi niregla ako the following day. Baka mamaya pati pagbisita ko kila Camden, madadamay pa. Speaking of which, hindi pa pala ako nakapagpaalam. Fvk et.

"Nay, may ipapaalam pala sana ako," agad kong sabi pagkalapit na pagkalapit kay nanay.

"Ano 'yon, nak?"

Mukha naming hindi siya badtrip today. Papayagan naman ako neto, 'di ba? Sana. Wish ko pero kung hindi, edi walang pilitan huhu.

"Ahh, e, si Camden ho kasi, nay. . ." Lumipat ang tingin niya from laptop to me. "Na ospital po kasi siya kahapon, nay, naadmit pero lalabas na mamaya. E, magpapaalam lang po sana ako kung pwede ko ho ba siyang bisitahin sa bahay nila?"

Kabado bente singko ang Spring. Hindi ako nakatingin kay nanay, kasi busy ako kakatingin sa iniinom kong hot choco.

"Asus, bibisita talaga. Ikaw ba'y nakapagsabi na sa kaniya na kung pupwede na bumisita roon sa bahay nila?" not-so-mataray-kind-of-question.

"Ay, siya naman ho nagsabi, nay na doon ko nalang daw siya bibisitahin sa bahay nila after ko gumawa ng mga gawain."

Tumango-tango lang naman ang nanay at walang sinasabi or minumuni-muni.

"Anong oras ka bibisita roon, nak?"

"Mga 7pm lang siguro, nay. Isasama ko nalang po si Dani or si Drew para may kasama po ako umuwi," sagot ko habang nakayuko pa rin.

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon