15

0 0 0
                                    

Sometimes, you will have to choose to be selfish even if that means letting go of a person you truly love. Even if that means letting go of a friendship you once truly treasured. Not because they made a mistake once, but because they haven't learned from it.

Just like what Zabryna did way back in 10th grade. She chooses to choose her peace over Paige and over Paige's greatest mistake, Luca.

"Ay chismoso."

"Hindi naman, sinabi lang sa'kin uy tsaka andito naman na si Zab at tatlo lang tayo, why not talk about it? Kesa naman sa ikaw kakausapin ko, edi nagmukha talaga akong chismoso no'n," pagdedepensa naman niya.

"Hayaan na, Spring. Hindi naman na gano'n talaga ka big deal na sa'kin. A little bit nalang," dagdag ni Zab.

"Would you mind ba if I asked what happened?" Camden is so curious na talaga.

Umiling naman si Zab. "I won't mind. Ganito kasi 'yan. . ."

Agad akong kumuha ng handful of chocolates sa bowl at ibinalik sa kay Zab nang magsimula na siyang magkwento.

"Kasi nga 'di ba, kami ni Luca no'n. Edi, so public, alam ng lahat sa high school department na kami talaga tapos legal pa both sides. So, it went so good for 7 months. 'Yong tipong almost perfect. Tapos one time, may activity din no'n. Shooting to be exact, and then, I was so busy kasi nga, ako 'yong asst. director and shit like that. So itong si Paige, ka group ko siya, tapos nagpaalam sa'kin na uuwi na raw siya kasi raw pinapauwi na. Pinayagan namin. . ."

"Saan nga tayo no'n? Kila Wayne, 'no?" pag iinterupt ko.

Tumango naman siya bilang tugon.

"Tapos, so ayon. Tuloy lang trabaho and all. Ngayon, uhmmm. . . may kulang kami sa props which is kukunin sa bahay nila Paige kasi sa kaniya nakatoka ang mga props namin, so, no'ng nando'n na kami, kapatid ang nagsalubong sa'min at nagbigay ng props, edi nagtaka na ako tapos kinabahan na ako bigla nang walang rason. ANG LAKAS TALAGA NG GUTS KO. AS IN."

Kumunot noo naman si Camden sabay tingin sa'kin. Tumango lang naman ako bilang pahiwatig na makinig lang kay Zab.

"Tinanong ko kapatid ni Paige kung saan ate niya, ang sabi, hindi pa naman daw nakauwi kasi nga ang reason is, may shooting pa. Edi, as one of the leaders, tinawagan ko siya. Hindi nasagot. E, sila Rose kasi at Brea, sa group nila Luca. 'Yung instinct ko talaga, nagsasabi na tawagan si Luca, ginawa ko rin and hindi nasagot. Ngayon, nanginginig na ako habang pabalik kami ng school at tinatawagan ko si Rose, tinanong ko kung saan si Luca, wala raw doon."

I saw how Camden's face turned from a poker face into a shocked one. I didn't mind it lang and tumango ulit sa kaniya kasi may mas shooketh pa doon.

"Eto malala, edi nagpaalam na ako kasi nga, natataranta na ako sa kaba e. Sinamahan ako ni Spring no'n tapos sinunod ko lang instinct ko na pumunta ng school sa may library. Then, pagpasok ko, dumiretso ako sa section ng history, kaboom. Laplap. Nakita ko pa ngang bumaba kamay ni Luca sa dibdib ni Paige. Nang makarating si Spring sa'kin, saka lang narealize ng dalawa na ilang minutes na akong nakatitig sa laplapan session nila."

After Zabryna's story ay walang umimik sa'ming dalawa. Nagkatitigan lang kami na parang hindi pa nagsisink in sa kaniya ang lahat ng 'yon. Kung ako rin siguro, knowing na best friends kayo tapos nagano'n.

Others might say, it's all in the past and hindi naman tinuloy ng dalawa ang kung anong mayro'n sa kanila pero if I were on Zab's shoes, hindi ko rin talaga alam kung paano ko haharapin si Paige casually after no'n, para lang hindi mahalata ng mga kakilala or mga magulang namin na hindi kami bati.

"Now I know. That's kinda a long story."

"Tsaka, mas malala. . . pinalagpas ko 'yung una kasi nga, nag aassume ako na hindi na nila uulitin. Ay, waley. Once is not enough. Inulit pa talaga nila. Twice, thrice, I don't know," dagdag pa ni Zab.

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon