11

0 0 0
                                    

I don't know anymore.

But I guess, I can take risks this time.

Patapos na ang academic year at gano'n na rin ang paper namin. From chapters 1-3, at least. Madami ring term projects na binibigay sa'min which makes our whole day busy. Tapos iilang mga teachers pa ay mahilig magbigay ng mga handwritten works. WTF.

"Kailan kaya tayo ggraduate sa school na 'to?" tanong ni Paige sabay tingin sa kalangitan.

"Malapit na. 'Wag namang magmadali, Paige. Alam mo naming maghihiwa-hiwalay na rin tayo pag college era na," sagot naman ni Brea.

Paige just let out nothing, except for a loud sigh.

"WOW, pagod na pagod talaga siya," si Rose.

"Potek. Tapos na ba kayo? Tagal kasi ng tricycle, akala mo naman e, nagrroadtrip lang kami," hinihingal na pagrereklamo naman ni Faith na nagcause ng gulat sa lahat.

"KALMA. Walang class. May meeting mga teachers. Upo ka na at gumawa ng term project mo," si Zab.

"Ay salamat. Akala ko kasi may class."

Nakaupo lang kami sa benches na malapit na field habang gumagawa ng term projects at mga handwritten works. Bumili na rin ng food sila Faith at Zab sa mga Grade 12 students na nagbebenta ng kanilang mga gawang cupcakes at mga juices which is one of their requirements din bago makapag graduate.

"Bago talaga makagraduate e, papahirapan muna tayo, no?" Si Hanna.

"E, gano'n nga raw 'di ba sabi nila, bago mo makuha gusto mo, paghihirapan mo muna," sagot naman ni Shannon sabay inom ng juice niya.

"Hmm, ganon ka ba kay Camden, Spring? Pinapahirapan mo muna siya bago ka niya makuha?" biglang sumulpot si Maria.

"HOY! Pinagsasasabi mo diyan?!" taray kong tugon.

"SUS AA. 'Pag 'yon nanligaw, for sure, sasagutin mo rin naman pero patatagalin mo muna ang ligaw session nang ilang buwan. Tama, 'di ba?"

"Manahimik ka nga, e, 'di ko nga nakita 'yon mula pa kanina e!"

"AHA! So, hinahanap mo?" malakas na boses ni Paige.

I just rolled my eyes bilang tugon. Syempre kahit nagano'n na ako sa kanila, 'di pa rin talaga ako tatantanan kakatukso kay Camden. Ano pa nga bang bago? Ewan ko lang kung hanggang kailan sila gagan'to. Jusko.

Natapos na kami sa paggawa ng term projects namin and all pero wala pa rin akong nakitang John Camden sa school. Nakita ko ring 'di siya kasama nila Reece sa kabilang bench habang nagawa ng term projects. Chineck ko na rin phone ko at naisipang i on ang data. Baka may message or what.

Sobrang daming notif pagka on ko ng data pero ni isang message galling sa kaniya, wala. Na mention na rin siya sa mga gc pero kahit seen, WALA?

"Ba't wala?" muni-muni ko.

"Huh? Ang alin?" si Rose.

Umiling na lang ako bilang tugon.

Nagdecide na lumapit kila Reece para iask kung ba't wala si Camden. Nag-aalala na rin kasi ako baka napano siya. AS A FRIEND.

Maybe.

"Reece? Excuse me."

Nilingon ako ni Reece nang nakataas ang dalawang kilay. Itinigil niya na rin muna ang pagccut ng colored paper at tumayo sabay lapit sa'kin na mukhang gets na rin niya kung bakit ako lumapit sa kaniya.

"Huwag dito. Canteen tayo."

Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.

Hindi na rin ako umangal pa at sumunod na lang kay Reece nang hindi nagsasalita. Kahit siya ay wala ring imik habang naglalakad kami paputang canteen.

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon