The moving-up ceremony is fast approaching.

Sort of.

Well, just make the most of it.

*notification*

From John Camden: 22:22
i mean, sa gate ng bahay niyo. night!

Whatda f. Bakit sa gate ng bahay?! What do you mean by that, Mr. Gallego? I mean, oo, alam kong sa gate ng bahay pero. . bakit dito? bakit hindi na lang sa school?! Lentek talaga 'tong Camden e.

Sent 22:25
huh? bakit sa gate ng bahay. ang ibig kong sabihin, sa gate ng school. maghad!

*John Camden reacted (haha) to your message.*

*Typing...*

*Seen.*

Ay huWaoOoo. W.O.W! Arghhh! Bahala siya bukas, aagahan ko pang pumasok para wala siyang madadatnan, 'kala niya ha.

*"Gising ka na, 'te Spring! Umaga na!!!!!! UMAGA NAAA!!!"*

Nakakabadtrip naman 'tong alarm ko. Sino ba kasi may sabing  palitan ko, 'di ba?

Agad akong nag unat-unat para naman magising ang aking diwasizination at since, 5:00 AM pa lang, naisipan kong mag zumba sa sala kahit isang buong song lang.

"Naks naman. Zumba time."

Nagulat ako kay Drew na kalalabas lang ng kwarto niya. Akala niya siguro, may mga akyat-bahay at aba naman, walang tulog ang hari ng sablay. Magkukunwari pang mabigat-bigat ang eyes niya, oo pero baka nakakalimutan niyang expert din ako.

"Naks naman, walang tulog kakabebetime," saad ko sabay irap.

"Huy grabe siya. Ediwao."

Bumalik naman agad sa kwarto since alam naman na niyang hindi pala akyat-bahay ang tao rito.

Makalipas ang mahigit limang minuto ay agad akong nagpahinga saglit bago maligo. Pagkatapos, akin na ring hinanda ang mga pang almusal since ako rin naman ang unang nagising pluusss, maaga pa akong papasok.

Kumain lang din akong mag-isa nang bigla akong tinabihan ng nanay. Kanina pa pala talaga siya gising kaso baka hinayaan lang akong magprepare ng mga pang almusal para matututo na rin ako kahit papano.

"Nay, kain na po. Ako na lang po nagluto since maaga akong papasok for today," bibo kong pagshare.

"Sipag naman ng anak ko pero bakit ang aga aga mo naman yatang pupunta today, e, 8:00 AM pa magsstart ang meeting? Ako nga, wala pang kaano-ano e."

Kinamot-kamot ko lang ang batok ko habang nag-iisip ng mga bonggang irarason. Hindi kasi ako makakapagrason nang madalian kay nanay kasi syempre, doon ako nag-aaral sa kung saan siya nagtuturo. Huhu.

"Ahh. .  Para naman maexperience ko ring mauuna sa classroom, nay. Excited lang talaga ako."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ng nanay ko. Talaga namang gagano'n 'yung reaksyon niya. Sino ba namamg hindi? Sa limang taong pag-aaral ko sa eskwelahang 'yan, ngayon lang naexcite? Ngayon lang gustong mauna sa classroom? Hayst. Hindi ko na pinansin 'yun at hinalikan ko lang siya sa noo sabay paalam at naglarga na papuntang school.

Sarap kaya sa feeling ng naglalakad nang maaga pa lalo na kapag nasa dagat ka naglalakad-lakad. 'Yung hindi pa nalabas si haring araw, nandoon ka na tapos 'pag lumabas na siya, edi uwian na. Namiss ko rin 'yung mga gano'ng series ng buhay naming magkakapatid nu'ng mga bata pa kami.

"Good morning, Ms. Fabroa! Forda early tayo ngayon aa. Anong mayro'n?" pabungad ni lady guard.

"Ay, tinry ko lang talagang pumasok nang maaga, 'te guard. 'Yung tipong wala talagang mga estudyante."

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon