3

10 0 0
                                    

Maybe a big day.

Be kind. Be nice.

I just finished taking a shower. While looking at my cabinet, I chose to wear the pambahay outfit muna kasi mamaya pa naman kami magmemeet up ng mga kaklase ko. Simple shorts and a shirt lang naman, nothing's new.

"Inom muna akong milk," sabi ko kay self.

I immediately went to the kitchen para nga magtimpla ng milk, umupo akong dining table and doon ko pala mararanasan ang isa sa mga magleleave ng mark sa'kin, physically, emotionally, huhu.

As I sat down, inabot ko 'yung pandesal from the other side of this table and then 'yung mug ko na may milk, there is a spoon doon, malamang. Pag-upo ko, chibugan session na ang Spring with her pandesal pero nu'ng nagface na ako sa right side ko, nasagi ng elbow ko 'yung kutsara na nakalagay sa mug and my milk with hot water on it, spilled at the right side of my shorts and a little bit on my shirt.

"Aray, aray! Ang init. Nay, ang init! Nay!" sigaw ako nang sigaw at agad din namang tumakbo si nanay papunta sa'kin.

"Hala, ano ano?! Bakit mainit? Napano ka?!!" tarantang tanong ni nanay.

"Natapon 'yung gatas ko kasi nasagi ko tapos ano. . ." hindi na ako makapag explain pa gawa ng sobrang init na talaga ng hita ko.

Tumakbo ako papuntang banyo at itinaas ang shorts ko sabay on ng gripo at pinwesto ang hita ko roon para hayaan itong mabasa ng tubig.

"Spring, sobrang init ba? Ano? Masakit?" 

Gusto kong magsalita pero parang hindi makalabas 'tong mga salitang nais kong sabihin kung kaya't puro lang tango ang tugon ko. Sobrang sakit na parang mainit na hindi ko maintindihan basta mainit na mainit.

"Nay. . ." parang iiyak na talaga ako.

"Ano, anak? Iiyak mo lang 'yan. Punta tayong kwarto mo, lagyan nating aloe vera 'yan." Alam kong nagsearch siya sa chrome kung anong first aid or kung anong pwedeng aid sa ganoon.

"Nay. . Sobrang init po." Umiiyak na ako habang shinishake shake ang right leg ko sa kama. "Init init."

Tinawag ni nanay si Drew para humingi ng aloe vera sa kapitbahay. Si tatay naman ay agad na nilagyan ng ice ang part kung saan ako napaso.

"Spring naman, ba't kasi hindi nag-iingat," sermon ni tatay.

"Hindi ko nga ho nakita. Ang iniitttt!!! Nayy!!" sigaw ako nang sigaw habang si tatay naman ay inaasikaso ako.

Dumating bigla 'yung tita kong dating nurse na ngayo'y nagnenegosyo na siyang kapatid ni tatay. Pagdating niya ay agad niyang tinulungan ang tatay. Kararating lang din ni Drew at nakita niyang punong-puno na ng luha ang mukha ko.

"Ate, ito na oh. Ikaw na maglagay ng aloe vera kasi hita mo 'yan."

Tumango lang talaga ako nang tumango. Siguro, kung mayro'ng medal doon, itabi niyo, ako na 'to.

Madami ang hininging aloe vera ni Drew at ang lalaki para kaya okay na okay talaga pero bumalik ulit siya para humingi na naman. Sumilip din si kuya na kararating lang galing dance training.

"Spring, napano ka? Napaso? Hala, tay si Spring!" sigaw ni kuya sabay takbo papuntang kusina.

"Kuya, 'wag mataranta! Alam na nila," pasigaw kong pagshare kay kuya."

Tanong nang tanong si nanay kung anong nararamdaman ko at wala akong ibang sagot kundi, mainit na ewan na parang masakit pero mainit talaga. Dumating na rin si Drew at nilatag sa tabi ko lahat ng nakuhang aloe vera pati na rin si Dani.

When Spring ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon