Prologue

17 1 1
                                    

“Happy Valentine's Day!”

Inabutan kami ni Ivy ng tig-iisang bulaklak na iba't-ibang kulay din. May event nga ang school namin para sa Valentines ngayon at may pa-color coding din base sa status mo.

Nakasuot ako ng kulay red na off-shoulder at white skirt, bakit red?

“Hi,”

Nilingon ko ang lalaking nasa likuran ko na may hawak-hawak rin na pulang-pulang rosas.

They say ‘Red is a powerful colour that elicits powerful emotions and is connected with love, passion, and desire.’ that's why we both decided to wear red today.

Nakangiti nyang binigay sa'kin ang bulaklak “Happy Valentine's Day.”

“Thank you, Happy Valentine's Day.”

Just some cheesy and corny highschool sweethearts but this was a great experience and best explanation of being in love.

“Tagal nyo na ring nag uusap ni Dash ‘no? 2 years na rin ba mahigit?” Tanong ni Solana na nagpahinto sa'kin. Two years. Two years na nga kaming ganto.

“Hindi pa ba sya nanliligaw o ano? Ano yan? Usap-usap lang talaga?” Sunod-sunod na pag lapag ni Ivy ng tanong na hindi ko masagot.

“Saan kayo dadalhin nyan?” Dagdag din ni Crystal.

Ilang segundo bago ako bumalik sa huwisyo at nakapag salita. “Masyado pa naman kaming bata, okay na rin sigurong usap lang muna kami.”

“Hmm.. sabagay pero kasi kung iisipin nating since grade 8 nag uusap na kayo hindi ba dapat nanliligaw na sya sa’yo ngayon before tayo mag senior high?”

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Ivy na ‘yon dahil dumating na ang first subject teacher namin at nag balikan kaming lahat sa mga upuan namin, pero buong klase iniisip ko din kung bakit hanggang ngayon parang wala naman syang balak na kahit ano.

We already did things like real couples. Ramdam ko namang genuine ang feelings nya sa'kin pero hindi ko naman mapigilan isipin na hanggang dito lang ba talaga relasyon namin?

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nag linis ng katawan at humiga sa kama, kahit wala naman kaming masyadong ginawa ngayon ay parang pagod na pagod ang utak at katawan ko.

Napansin ko sa side table ko ang bulaklak na binigay nya sa'kin noong Valentines, nalalanta na ito dahil dyan ko lang sya nilagay at hindi ko na-preserve. Ang ilang petals nito ay tuluyan na ngang nalagas at nakakalat na sa table.

Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang cellphone ko, notification ng message nya agad ang bumungad sa'kin kahit papaano ay napangiti ako

bam
━━━━

Hello, kumain ka na?

Kakagaling ko lang ng court nag laro kaming volleyball nila Axel

Kakain na ko

Kumain ka na rin, bam

helloo

tapos na ko kumain kanina pa

eat well, bam ^^

may tatanong din pala ako

Ano yun?


I stared at his last message sent before typing a message again.

ano ba talaga tayo?

Nag seen agad sya pero ilang minuto bago nakapag reply.

M.u

hanggang m.u lang talaga tayo?

Ano ba gusto mo?

wala hehe good night, bam

Good night

Pinatay ko kaagad ang cellphone ko at napahampas nalang sa noo, bakit pa kasi ako nag tanong? Para namang may katuturan talaga, pero bakit hindi nya madama? Ang manhid nya naman!

Kasalanan ko rin, i settled for this. Nilingon ko ulit ang phone ko nang mag buzz ito, may nag message.

bam
━━━━

Sorry, bam

Hindi ko kayang malagyan ng label to

We're too young

Blooming HeartsWhere stories live. Discover now