04

12 0 1
                                    

“Hindi! Wala akong crush! ‘Di ako nagkakagusto sa kaklase!” Sigaw ko sa hallway. Napanganga tuloy ang tatlo kong kasama buti nalang at wala na masyadong tao sa classroom pero hindi pa pala tuluyang nakakaalis si Dash, nasa hallway din sya— sa harap pa namin.

Tanginang buhay naman ‘to, hindi na ako nakawala sa kahihiyan. Inunahan ko na sina Ivy at tumakbo na palabas ng school, hindi ko na alam saan ako pupunta pagkalabas ko.

I immediately flinched when someone tapped my shoulder and it was Dash. Sinundan nya ako!

“Ano!? Bakit!?” Singhal ko sakanya nang hindi ko sinasadya kaya napatakip agad ako sa bibig.

“Nakaharang ka sa gate, ‘te.” Sabi nya at may tinuro pa sa likod nya, may mga estudyanteng nakatingin din sa'kin at nag aabang na umalis ako.

“Hinayupak ka, Iris!” Binatukan ako ni Solana at hinila pagilid para makadaan na ang ibang estudyante.

“Mahal kita, sis pero nakakahiya kang gaga ka.” Tumabi sa'kin si Ivy at kinurot ang tagiliran ko.

“Malay ko bang nandon pa yung lalaking ‘yon! Nasan na ba si Tito, uwi na tayo please.”

Tinawanan lang nila ako. Hindi talaga sila nakakatulong sa mga ganito! Biglang pumasok sa utak ko na magka-partner pala kami ni Dash at magkakaharap na naman bukas. Nakaramdam na naman ako ng kaba pero sinubukan kong libangin ang sarili ko.

“Bili muna tayo materials, may mabibilhan lang dyan sa malapit.” Aya ni Ivy kaya nahila na naman nila akong dalawa.

“Wait lang ‘di pa kami nakakapag-usap ni Dash tungkol sa materials.” Sabi ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

“Ay, kailangan talaga mag usap?” Intriga ni Sol.

“Oo nga, bilhin mo nalang lahat. Konti lang naman e!”

“Wala na akong pera.” Sagot ko.

“It's on me, babe. Ambag ka nalang ng keri mo.” Nginitian ako ni Ivy.

“Ayoko, nakakahiya.”

“Ngayon ka pa nahiya, Iris Olarte!? Pagkatapos kong malaman─”

“Oo na, sige na, bumili na kayo!” Putol ko sa mga sasabihin ni Ivy. Mas nakakahiya pag na-bulgar mga nalaman nila sa'kin ‘no.

Lumabas na ako ng tindahan para hintayin sila, mainit sa loob e. Chineck ko ang phone ko at may message na si Dash.

Dash:

ako na bibili ng mga materials

mag ambag ka nalang 20 pesos bukas

Iris:

okay

Dash:

👍🏻

Iris:

ampota, ayaw patalo

“Ay, hala! Na-send ko!” Napasigaw ako dahil na-seen nya na rin agad at hindi ko ma-unsend pa.

Akala ko ay mag rereply pa sya pero sineen nya nalang ako. Hindi naman big deal sa'kin ang ma-last chat pero bakit parang pag sya kausap ko big deal na lahat.

Wala na, Dash. ‘Di na kita crush simula ngayon!

Sinabihan ko na si Ivy na wag na bumili ng extra materials dahil si Dash na ang mag dadala at syempre nakuha pa nilang asarin ako.

Tinulog ko nalang lahat ng inis na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng gising ko kinabukasan.

“Aga-aga, nakabusangot. Ayusin mo yang mukha mo.” Puna ni Ate pagkalabas ko ng kwarto.

Blooming HeartsWhere stories live. Discover now