06

10 0 0
                                    

“Aalis ka raw, Ivy?”

Napatingin kaming lahat kay Ivy nang marinig ang sinabi ni Tala. Wala syang binabanggit sa aming aalis sya.

“Sa’n punta mo, sis?” Tanong ni Sol sa di pa nakakasagot na si Ivy.

“Girls, sorry hindi nasabi agad sainyo. Lilipat na kasi akong school.” Mapait na ngiti ang sumilay sa labi nya.

Kumunot nag noo ko at pinoproseso pa ang sinabi nya sa utak ko. Ngayon nga lang kami naging close, aalis pa sya— agad-agad.

“Huh? Bakit, hoy! May nangyari ba?” Pag react ni Sol.

“Ang hirap kasi i-explain e, so uhm.. dahil kasi sa business ni Daddy kailangan na rin namin muna! Pang samantala lang naman, girls. Kailangan muna namin lumipat, i think mag lalast lang ‘to ng 1 year. Babalik ako sa grade 10!” Sabi nya pangpapagaan ng mga loob namin, pero ‘di ko pa rin maisip na ngayong school year hindi na agad kami kumpletong apat.

“Mag u-update ka palagi sa gc natin, mamaya kalimutan mo na kami agad.” Paalala ko sakanya.

“OA! Kayo pa ba, ang lalakas nyo sa'kin e. It won't take too long, swear. Babalik at babalik ako dito, hometown ko ‘to ‘no.”

Nag yakapan na kaming apat na akala mo wala nang bukas sa higpit. Sadyang medyo naging emosyonal lang kami, kahit si Tala na akala mo unbothered ay kitang-kita na sobrang lungkot din.

“Tatapusin ko pa naman ‘tong 1st quarter, after exam, batsi na kami nila mother and father.” Sabi ni Ivy nang papaakyat na kami sa room.

“Exam na next next week tapos aalis ka na rin agad.” Nalulungkot na sabi ni Sol, iniisip ang pag alis ni Ivy.

“Kahit nasa malayo ako, ako pa rin one-call-away friend nyo! Always here, there and everywhere.” Ivy reminding us.

Nag tawanan nalang kami hanggang sa makapasok na ulit sa room. Mabilis na nag bago ang expression ko sa bumungad sa'kin, nakaupo si Dash sa armchair ng upuan ko. Palibhasa ay lunch time pa rin kaya malaya silang kung saan-saan pumuwesto.

“Crush mo, mima, oh. Nasa upuan mo.” Bulong ni Ivy at nag pakawala ng mapang asar na tawa.

“Si Iris, tol. Ayos upo, ayos upo.” Kinalabit ni Jaxon ang kaibigan nya na nasa upuan ko, mukhang masarap talaga ang upo nya sa armchair ko. Sakto pag ‘yan bumigay, sya talaga sisisihin ko.

“Kailan pa naging salumpuwit ang armchair ko? Arm nga diba, hindi naman buttchair.” Pag papalayas ko sakanya pero hindi sya natinag.

“Kailan kaya aaliwalas mukha mo?” Bawi nya.

“Hindi ka talaga nauubusan ng pang sabat, ano?” Tinaasan ko na sya ng kilay at hindi pa rin sya umaalis sa armchair.

“Bakit ba galit na galit ka sa'kin? Sa isang gwapong katulad ko dapat hindi ka nagagalit, nahuhumaling pwede pa.” Mahanging sabi nya.

“‘Wag mo ako itulad sa mga bakla mo sa volleyball, Galves, ha. Akala mo madadaan mo ako sa ka-hanginan mo.” Pwes, medyo!

“Hindi ba?” Nilapit nya ang mukha nya sa'kin. Rinig na rinig ang nakakabinging sigawan ng mga kaklase namin “Talaga?” Tinitigan nya nang maigi ang mga mata ko bago nilayo ang mukha nya sa'kin.

“Talaga! Tarantadong, mamboboso!” Sigaw ko na ikinatawa nya at umalis na sa upuan ko.

“Ano ba pinapakain nyo sa kaibigan nyo? Extra Strong Hot Chilli Sauce?” Natatawa nyang tanong kila Ivy, hinampas lang sya ng mga ito at dumiretsyo sa tabi ko.

“Strong and Hot ka raw pala ih.” Pang aasar ni Sol. Tumawa din ang dalawa kaya iniripan ko lang sila.

“Pahirap talaga sa buhay ko si Ma'am Magdangal, wala ba syang love life kaya sya ganyan ka-strikto!?” Reklamo ni Sol.

Nakatambay kami ngayon sa may labas ng bahay nila Ivy, nag labas lang ng apat na upuan si Ivy para komportable kaming manira ng teacher. Syempre, biro lang, nag sasabi lang kaming totoo.

“What if hanapan natin sya ng lover nya?” Suggest ni Ivy.

“Si Sir Fedil, matandang binata din ‘yon di ba?” Paninigurado ni Tala at tumango kaming tatlo.

“Ayun nalang pala si Sir Fedil, medyo close din sila ni Ma'am e nahahalata ko” Sabi ko naman. Totoo naman kasi, may time na nakita ko silang magkausap sa may ground— doon pa talaga banda sa mga walang tao, tumatawa-tawa pa si Ma'am!

“Set up natin sila.” Namuno na nga si Ivy sa pag paplano kung paano madidistract si Ma'am Magdangal at magkaka-lovelife pa in instant.

“Tayo na ang susi sa ka-torpehan ni Sir Fedil, lowkey lang ‘yan e gustong-gusto nyan si Ma'am.” Determinadong sabi ni Sol.

Ang seryoso naming lahat, para kaming nasa malaking mission talaga.

Kinabukasan ay nag simula na ang plano namin, lalagyan namin ng mga sticky notes ang desk ni Ma'am every class hours nya sa amin at ngayon ang first day.

Lumabas na ang huli naming subject teacher bago si Ma'am Magdangal, nag sulat na sa sticky note si Ivy ng ‘Wag ka paka stress masyado, mag pahinga ka agad pag uwi,  pwede din namang sa akin ka mag pahinga :)  – F’

Unang beses palang ay tawang-tawa na kami sa mga pakulo namin, para naman ito sa ikakabuti nilang dalawa.

Umayos na kami ng upo pagkapasok ni Ma'am Magdangal, hinintay naming mapansin nya ang yellow sticky note sa desk nya. Napansin nya rin kaagad.

Kumunot ang noo nya saglit at siguro nang mabasa ang initials sa huli ay nag iba ang timpla ng mukha nya. Nag hihintay din kaming mag tanong sya sa amin pero tinupi nya lang ang maliit na papel at nilagay sa bag.

Napa-ngiti kaming apat nang mapansing parang ang good mood nya na para mag turo— pero syempre hindi talaga pwedeng hindi sirain agad ng isang estudyante ang mood ko dahil pagkatapos na pagkatapos ng klase ni Ma'am ay lumapit sa akin si Dash.

Bago pa sya mag salita ay naunahan sya ni Ivy.

“Ay, kayong dalawa. Umamin nga kayo, tumakas kayo nung isang araw ‘no? Sabay kayo umuwi. Anong meron sainyo, huh? Akala nyo ba nakalimutan ko na ‘yon.” Pinanliitan nya kami ng mata.

“Sabi nya mag m-mall ra─” Tinakpan ni Dash ang bibig ko kaya pilit ko agad itong tinanggal pero ayaw.

“Akaka ko kasi nag momomol sina Jaxon at Sol kaya inaya ko na pauwi kaibigan nyong inosente.” Sagot nya bago ko makagat ang kamay nya na dahilan ng pag tanggal no’n sa bibig ko.

“Momol!? Kami ni Jax!? May sira ka pala sa utak, Dash e ‘no! Tarantado ka! Bastos!” Sigaw ni Sol.

“Dugyot ka, pre!” Binatukan ni Jaxon si Dash na iniinda pa ang sakit ng kagat ko sa kamay nya at nadagdagan pa.

Nag walk out na ako sa kaguluhang iyon dahil naiirita ako sa ingay, sumunod din kaagad sa akin sila Ivy. Pagkarating ko sa bahay ay humilata ako kaagad at naisipang bara-barahin si Dash dahil sinungaling sya.

Iris:

sinungaling ka 👎🏻

di naman pala sila nag mall eh

gusto mo lang ako makasama yun ang sabihin mo

Dash:

oo nga

Iris:

sabihin mo, ano ba talagang gusto mo !!???

Dash:

ikaw

gusto kita

Blooming HeartsWhere stories live. Discover now