02

14 0 1
                                    

“Grade 9? Second floor na room nyo, sundan mo nalang yang naka-pink na bag grade 9 din yan.” Tinuro ng guard ang matangkad na babaeng halos kasunuran ko lang pumasok ng gate.

Tumango nalang ako at nag pasalamat, iniisip ko pa kung paano ko susundan ‘tong babae nang hindi sya nakakahalata. Mahirap na, baka sabihan nya akong creepy na stalker nya!

“Hello, bat mo ‘ko sinusundan?” Nakangiting tanong nung babae na nasa tabi ko na pala sya. Hindi ko ata namalayan sa dami ng nasa isip ko.

“Huh? Ay, uh.. kasi..”

Tinitingnan nya lang ako at parang interesadong interesado sya sa sasabihin ko.

“Transferee ako hindi ko alam saan yung room ng grade 9 tapos sabi nung guard alam mo daw at sundan nalang daw kita sorry kung iniisip mong stalker mo pero hindi talaga mabait ako!” Dire-diretsyong sabi ko na nagpakawala sa malakas nyang tawa.

“Wag ka kabahan, tyaka di ko iniisip na stalker kita ‘no. Ang ganda naman ng stalker ko. Tara, sabay na tayong umakyat.” Nakangiting sabi nya. Mukha syang masungit na spoiled brat sa unang tingin pero hindi naman pala sya ganoon ka-sama.

Nag simula na kami mag lakad pataas at parang halos ma-kwento nya na sa'kin buong buhay nya sa sobrang daldal nya, tuwang-tuwa pa nga sya dahil pareho kami ng initial.

“Iris? Wow, my name's Ivy naman! same tayong initials! Full name ko is Ivianna Rianne pero too complicated ‘no? Tawag naman nila sa'kin Ivy kaya ‘yon nalang din itawag mo sa'kin pero pwede ding Ria, cousins ko lang tumatawag non sa'kin─”

“Ivy nalang.” Sabi ko para maputol na ang sinasabi nya at makapag pahinga saglit ang bunganga nya.

“Okay! Iisa lang naman ang section ng grade 9 dito kaya magkaklase tayo. Ang liit lang ng school namin ‘no? Buti nga wala na Senior High dito kasi kung sakali baka mabulok na ‘ko dito dahil simula elementary dito na ‘ko nag aaral. Sawang-sawa na nga ako sa mga mukha ng mga tao dito e pero di sila pwede mag sawa sa mukha ko.”

Tumatango at ngumingiti nalang ako habang nakikinig sa mga kwento nya. Minsan ay tinatanong nya ako at mag kwento daw ako ng buhay ko pero ang ending buhay nya pa rin ang topic namin.

Pagkapasok namin ng classroom ay maingay na at halos napuno na lahat ng mga upuan, nag uusap na silang lahat dahil siguradong kilalang-kilala na nila isa't-isa.

Hinila ako ni Ivy sa may apat na bakante pang upuan. Lima ang upuan by row pero may naka-upo na sa isang upuan sa row na ito.

“Hoy, paupo kami ah. Bago nating classmate, nandito na sya last school year pero diba modular lang tapos sa kabilang section sya no'n napunta. Dadalawa nangalang section natin dito sa grade 8, napunta pa sya sa mga masasamang elemento last s.y buti nalang nalagas na sila ngayon. Ay, alam mo ba─” May kinukwento na naman sya, ang ilan sa mga sinasabi nyang pangalan ay hindi ko pa kilala pero pinapakilala nya.

“Ang ingay, Ivy. Kailan ka ba mag babago?” Tumayo na sa upuan nya yung lalaking naka-upo sa kabilang gilid ni Ivy.

“Never!”

Nag ambahan pa silang dalawa bago lumipat ng upuan yung lalaki. Namukhaan ko na rin ito nang lingunin nya na ako. Napayuko ako sa hiya dahil sya yung ini-stalk kong lalaki sa fb! Pero parang sya din yung lalaking nakatingin sa'kin na kasama sa grupo ng mga binata na dumaan sa may ihawan. Iisa lang ba sila!?

Hindi ko na naririnig kung ano-ano ang mga kinukwento ni Ivy dahil ang dami na namang pumapasok sa utak ko. Na-realize ko nalang nang tumahimik na ang paligid, nasa harap na pala yung adviser namin.

“Good morning, Ma'am Yves!” Bati naming lahat, ginaya ko lang pangalan na binanggit nila.

“Good morning,” May katandaan na sya, inayos nya ang salamin nya bago nag sulat sa blackboard. Buong pangalan nya ata iyon.

Austria Yves I. Magdangal
Adviser of Grade 9 - Pearl / science subject teacher

Mabilis lang din ang oras at puro introduction lang ng lessons at mga sarili ang ginawa each subject. Sa Wednesday na raw ang official na simula ng mga lessons kaya may araw pa kami para mag advance study pero hindi naman uso ‘yon samin.

Recess na kaya nahila na naman ako ni Ivy. Kahit pala maliit ang school ay hindi pa rin makakatakas sa haba ng pila sa canteen.

Umakyat na rin kami agad pagkatapos makabili, mamaya nalang daw nya ako ililibot sa school kahit sobrang liit lang naman daw dito ay marami pa ring matatambayan.

“Ivy! Uy, hi! Ikaw yung transferee na maganda.” Bati ng babaeng umupo na rin sa kabilang gilid ko. Kung hindi ako nagkakamali, sya si Solana na close friend ni Ivy.

May pinag usapan sila ni Ivy, mag kaibigan talaga silang dalawa dahil pareho silang sobrang daldal. Sinasama pa nga nila ako sa pinag uusapan nila pero tumatango lang ako at ngumingiti ‘gaya ng kanina, pag tinatanong naman sumasagot lang din ako.

“Alam mo, para kang si Crystal! Mahiyain din ‘yon at transferee din kaso nasa baba pa ata. Nakasundo nya na yung mga lalaki sa row namin e. Baliko ata sya kasi mga pang lalaki hilig nya pero that's okay diba? I love lgbt peeps.” Pag kwento ni Solana na parang si Ivy lang din. Siguro pag magkaharap sila parang nananalamin lang sila sa mga personalities nila.

Not complaining naman, i love their chikas pero hindi lang talaga ako makasabay, pag tumagal na siguro ako masasanay na rin ako at baka magaya ko na sila.

“Ayan na, Crystal! tara dito.” Tawag ni Solana sa babaeng naka ponytail at imbes na naka-black shoes, naka rubbershoes sya. Sobrang puti pa nya parang walang bahid ng peklat kahit parang wala syang pake sa kinikilos nya na para talagang lalaki.

“Bakit?” Tanong nya tyaka umupo sa tabi ni Solana.

“Ay, kunin mo na nga mga bag natin. Dito na tayo umupo.” Tumayo din naman ulit si Crystal para kunin ang mga bag nila.

“Ayan, thank you. You're the best!” Nag heart sign pa si Sol gamit ang kamay nya.

Magkakatabi na ng kami sa mga sumunod na klase, ganoon pa rin na puro introduction lang ng lessons. Nang mag uwian na ay hindi pa rin nila ako nilubayan, nag alok pa si Sol na sumabay na raw ako sakanila dahil lahat naman kami sa Palavez nakatira at syempre hindi na ako tumanggi kesa naman mamasahe pa. Sabi nga nila i-take na raw lahat ng opportunities kaya sumabay na ako.

Natapos ang araw na parang sobrang haba dahil sa dami ng introductions pero nabawasan na ang kabang nararamdaman ko dahil may mga kaibigan na ‘ko kahit papaano. May mga nicknames na nga kami sa isa't-isa.

Iris, Ivy, Sol, Tala.

Pagkabukas ko ng phone ko ay may notification na ng bagong gawang gc naming apat, na-add na rin ako sa gc ng section namin.

Agad kong tiningnan ang mga members ng gc para i-check kung tama ang hinala ko sa lalaking ‘yon─ at sya nga! Dalawa pala ang account nya, isang buo ang name nya at isang parang pinaiksing name nya lang.

Dan Shiro Galves
Dash Ves

After no'n ay nag message lang ako sa gc naming apat para alam nilang tamang account ang na-iadd nila. Nang makaramdam na ng antok napag desisyunan konang i-off ang phone ko pero biglang may nag notif.

Dan Shiro Galves sent you a friend request.

Blooming HeartsWhere stories live. Discover now