Mariin kong hinawakan ang ulo ko nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko.
"Buti naman nagising na siya, halos mamatay na ako sa kaba at baka hindi na siya gumising tapos tayo pa may kasalanan dahil ang ingay-ingay n'yo," rinig kong sabi ng babae sa gilid ko. Boses ito ni Yesha kaya umayos ako.
Umupo ako sa kama na kinahihigaan ko kanina. Saka ko lang napansin na nasa clinic pala ako. Lalong kumirot ang ulo ko nang umupo—pero mas gugustuhin ko pa ito kaysa makita nila akong naka higa, kahit na mukhang nakita na nila.
"Humiga ka muna kaya." Inis na sabi ni Yesha.
Humarap ako sa kaniya. "Hindi ako pasyente. Nahilo lang ako dahil sa ingay n'yo kanina. 'Yun lang." Sagot ko.
Umirap naman si Carmela na nasa kabilang side. "Wala man lang 'thank you'?"
"Dapat ba akong mag-thank you sa inyo?" tanong ko. Naiwang naka bukas ang bibig niya at akmang may sasabihin pa, pero inunahan ko na siya. "Anong oras na pala?" tanong ko bago tumayo at inayos ang hinigaan.
Umirap si Yesha. Magkaibigan nga sila. "Alas dose pa lang, bakit?" sagot naman niya.
"Alas dose?!" Sigaw ko.
Napahawak sila parehas sa dibdib nila dahil sa gulat. Nanlalaki ang mata ni Yesha habang nakahawak sa dibdib niya bago nagtanong.
"B-bakit? Anong meron?"
Umirap ako at inayos ang suot na uniform bago lumabas sa clinic. Mabuti na lang at wala ang nurse doon dahil sigurado ay hindi ako papalabasin nito.
"Huy!" sigaw ni Carmela habang hinahabol nila ako. "Anong problema mo? Baka pagalitan kami ni Nurse Vic!"
"May klase tayo ng alas dose, okay? Bakit ba hindi n'yo ako ginising ng mas maaga? Paano kung ma-late ako sa klase ni Mrs. Noria?! Alam n'yo bang never in my life akong na-late?!"
"Huh?! Bobo ka ba? Excuse ka na nga sa mga klase dahil dinala ka sa clinic kaya kahit hindi ka pumasok okay lang! Kung ako ikaw hindi na ako papasok!" sigaw ni Yesha.
Tumigil ako sa pagtakbo at hinarap siya. "Bobo?! Ako?" tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Talaga lang, ha? Buong buhay ko hindi ako nawala sa honors list, at take note, lagi akong top 1. Kaya, ‘bobo’? Totoo bang sinasabi mo sa akin 'yan?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ba niya ako kilala? Nagpapatawa ba siya? Sobra akong na-insulto sa sinabi niya sa akin. Kahit na alam kong walang katotohanan ang sinabi niyang iyon ay hinding-hindi ako papayag. Wala pang nakapagsasabi sa akin na bobo ako.
"Sa dami ng sinabi ko 'yon lang ang tumatak sa isip mo?!" sigaw niya. Si Carmela naman sa tabi niya ay tumatawa na parang tuwang-tuwa siya sa pinapanood.
"Aba oo! Alam mo bang wala ni isang tao ang nagsabi sa akin na bobo ako, tapos ikaw—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil may sumigaw sa likuran namin.
"Hoy! Kayo! Nagka-cutting kayo ano!? D'yan lang kayo! Tatanungin ko mga pangalan n'yo at sasabihin ko sa adviser n'yo!" sigaw ni Manong Berto, ang guard sa school na 'to. Kilala siya bilang napaka sungit na guard. Hinding-hindi siya nagpapalabas kahit uwian na, hinihintay pa niya ang tamang oras para magpalabas.
Kinabahan ako sa sinabi niya dahil kapag nakarating ito sa adviser namin ay baka bumaba ang grade ko at baka mapa-office pa ako! Napaka malas naman! Pero kapag sinabi ko naman na may lagnat ako ay sigurado maiintindihan nila. Kaya mas pinili kong maging kalmado.
Humarap ako kay Yesha at Carmela na hindi na mapakali dahil palapit na nang palapit si Manong Berto. Maya-maya ay sabay silang humarap sa akin. Naguluhan ako sa tingin nila. Mukha silang may binabalak na alam kong hindi ko magugustuhan. Ano na naman ba ang iniisip nila?
Maya-maya'y sabay nilang hinawakan ang magkabila kong kamay at hinila ako paalis doon. Nanlalaki ang mata ko habang hila-hila nila na tumatakbo ng mabilis. Wala akong magawa kundi ang tumakbo rin dahil makakaladkad ako kung hindi ako gagalaw.
"Hoy! Talagang tatakbo pa kayo ah! Akala n'yo ba ay hindi ko kayo mahuhuli kahit matanda na ako?! Hintayin n'yo ako kapag nahuli ko kayo malilintikan kayo sa mga guro n'yo!" rinig kong sigaw ni Manong Berto. Medyo malayo na kami sa kaniya dahil ang bilis tumakbo nila Yesha!
Hingal na hingal ako nang tumigil kami malapit sa bakod. Dito dumadaan ang mga estudyante para mag-cutting!
"Bakit dito tayo tumigil?! Anong iniisip n'yo?" mabilis kong tanong habang hinahabol pa rin ang hininga. "Please lang, kung binabalak n'yong mag-under the bakod ay itigil niyo na 'yan!"
"Ay anong gagawin natin? Saka kapag nahuli tayo ni Manong Berto sigurado dadalin tayo no'n sa principal's office, edi maga-guidance tayo! Hindi ka ba nag-iisip?"
Sobrang lakas ng boses ni Yesha. "Yeah, okay. Sige, ikaw ang mag-isip!" sigaw ko pabalik.
"G-guys.." tarantang sabi ni Carmela habang kinakagat ang kuko. "Malapit na si Manong Berto.. A-ayako ma-guidance!" sigaw niya bago umakyat sa bakod.
Nataranta rin ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakapag-isip at sumunod sa kaniya. PERO HINDI AKO MARUNONG UMAKYAT NG BAKOD. Paanong sobrang dali lamang sa kanilang umakyat dito?!
"Dev! Bilis!" sigaw ni Yesha na nasa tuktok ng bakod. Inabot niya ang kamay niya sa akin kaya hinawakan ko iyon. Ang isang kamay naman ay nilagay ko sa tuktok ng bakod, ang kanang paa ko naman ay sinampa ko sa bakod. Ngayon ay nakasampa na ang buong katawan ko sa bakod ay saka nangatog ang tuhod ko. Mataas pala!
"Talon na!" sigaw ni Carmela sa baba. Sinesenyasan niya kaming tumalon na.
Unang tumalon si Yesha na para bang sanay na sanay na siya sa ganito! Nangangatog ang tuhod ko habang nakahawak ang magkabilang kamay sa bakod pang suporta sa katawan ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?! Magka-cutting ka 'no?!" rinig kong sigaw sa likuran ko. Kung hindi ako nagkakamali ay si Mrs. Castro 'yon. Ang masungit naming science teacher.
Hindi ako p'wedeng humarap! Kapag nakita niya kung sino ako, baka bumaba ang grade ko sa kaniya! Mariin akong pumikit at tumayo sa bakod kahit nangangatog ang tuhod. Nag-sign of the cross ako bago tumalon.
B-buhay pa ako...
"Sobrang pabebe mo naman! Kaasar! Sobrang baba lang niyan, e! Kala mo naman kung sayang bangin ka tatalon! Teh, kasing tangkad mo lang 'yang bakod! OA?!" bulyaw ni Yesha bago hinawakan ang kamay ko para tumakbo na naman.
Hinatid nila akong dalawa sa bahay namin at dinahilan na lang na may sakit daw ako at pinahatid ng Nurse pauwi. Hinding-hindi ko malilimutan ang nangyari ngayong araw.
NAG-CUTTING CLASSES AKO.
YOU ARE READING
Ikaw
Roman pour AdolescentsLibro. Papel. Salamin. Ang mga bagay kung saan umiikot ang mundo ni Dev. Aral. Bahay. Aral. Bahay. Paulit-ulit na routine ng buhay ni Dev. Kaya nga tinatawag na siyang 'nerd' ng mga kaibigan. Pero paano kung isang araw.. sa hindi inaasahan, biglan...