“I want to run a DNA test.” Nikolai requested to his private investigator.
Agad na pumayag ang lalaki. “You need to get a hair or saliva of that person sir.”
“Thank you. I will just inform you as soon as I get those.” then he ended the call.
He let out a deep sigh. Kailangan niya parin ng matibay na ebidensiya na anak niya talaga si Ryker. Hindi na siya makapaghihintay pa sa magiging resulta nito. He needs a strong evidence to that claim.
Hindi niya namalayan ang kaniyang sarili na nakangiti na pala siya. He’s getting so emotional and happy at the same time.
He can’t believe that he’s a daddy now.
But before he confirm that Ryker is really his child, kailangan niya munang bumalik doon sa condo para kuhanan ito ng hibla ng buhok.
Hindi na siya nagsayang pa ng oras at pinaandar na kaagad ang kotse nito papunta roon.
“I’m coming my son.” he whispered.
~•~•~
“Hi, I’m Alora by the way, I forgot to introduce myself earlier.” masiglang bungad niya habang may hawak na tray ng muffins.
Bigla tuloy nakaramdam ng gutom si Kitty dahil dito.
“Pasok ka.” pagpapatuloy niya kay Alora sa loob. Umupo siya sa sala at maingat na inilapag ang tray sa round table.
Namilog ang mga mata ni Alora nang makita na niya si Ryker na bitbit ang laruan nitong robot. Sadyang napaka-cute ng bata at hindi niya maiwasang lapitan ito at kurutin ang mataba niyang pisngi.
“Hello. Your name is Ryker, right?” Alora smiled.
Tumango ang bata. “Yes po. How about you po?”
“My name is Alora, you can call me tita para mas classy.”
Puminta ang pagtataka sa mukha ng bata, “Fine po.” ang tipid-tipid ng mga sagot nito.
She chuckled, “Let’s be friends then. Come here.” inakay niya si Ryker papunta sa sofa at umupo roon.
Sakto naman ang pagdating ni Kitty na may dalang juice galing sa kusina. “Behave sweetie.” sabi nito sa kaniyang anak.
Ryker just smiled at her mom, “She is my Tita Alora. We’re friends mommy.” masayang balita ng maliit na paslit.
Bakas naman ang pagkagalak ni Kitty sa kaniyang narinig. “Wow that’s nice.”
Alora laughed at them, “Kung ampunin ko nalang kaya siya?” biro pa nito.
Napahalakhak nalang si Kitty, napasulyap siya kay Ryker na abala nang naglalaro ng mga robots niya katabi ang kararating lamang na bisita nila, si Alora.
~•~•~
Malapit nang marating ni Nikolai ang condo unit nila Kitty. Naghanap siya ng pwesto para iparada ang sasakyan niya. He carefully parked his car on the safe and spacious area. Umibis siya kaagad mula sa kotse at umakyat sa taas hanggang sa makarating siya doon.
Bigla namang umatras ang mga paa niya at saglit na napatigil. Dumoble ang kaniyang kaba sa dibdib at nawala ang tapang niya kanina.
“What am I doing?” he asked himself, eyeing the door of the condo.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napayuko. Bakit siya natatakot? Bakit niya pa kailangang magtago kung pwede naman na niyang tanungin ng diretsahan kay Kitty ang tungkol sa bata?
Mabilis siyang naging balisa at pinanghinaan ng loob.
“Get a grip, Nikolai. You can do this!” pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim.
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomanceNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...