“Ayos ka lang ba dito hija?” tanong ng kaniyang biyenan sa kaniya. Sumilay ang munting ngiti ni Kitty at sabay ang pagtango nito bilang tugon.
“Ayos na ayos po. Saka malaki na po ‘to para ituring na tahanan.” patukoy niya sa laki ng bahay. Mansion ba naman at dalawa lang silang nakatira. Grabe!
“I’m very glad hija,” mas lumawak ang ngiti at bakas sa mukha ng ginang ang tuwa. “And you Nikolai, huwag na huwag mong sasaktan itong si Kitty—”
“Mom? Of course, why would I hurt my wife?” Nikolai scoffed as if that’s the stupidest thing he heard from his mother.
“I’m just reminding you.” depensa naman ng ina niya.
Natawa nalang si Kitty sa bangayan ng dalawa.
“I love her mom,” Nikolai said at napatitig naman sa kaniya ang dalaga. Her heart starts to pound again because of his words. Hindi makasagot si Kitty. Hindi niya alam kung anong ire-react. She feels embarrassed and her cheeks are burning up.
“And that thing will never gonna happen.” nagulat pa siya ng biglang hawakan ni Nikolai ang kamay niya.
“Head over heels anak.” natawa ang mommy niya sa kaniya.
Naiilang si Kitty. Nahihiya siya sa harapan ng kaniyang mother-in-law.
Hindi man lang maramdaman ni Nikolai iyon? May pa eksena pa siyang ganito, baklush na ‘to! Sigaw ni Kitty sa loob-loob niya.
“Kailan ka pala babalik sa company anak? Madami ng pending works doon.”
“My secretary is still on the move. I assigned him already, I want to focus on my married life mom. Don’t pressure me. Naka-leave naman ako.” reklamo ni Nikolai habang kunot na kunot ang noo.
Her mom frowned. “And your duties being a husband, alagaan mo itong si Katarina—”
“What about me? Ako ‘yong anak niyo rito tapos puro kayo Katarina. Kitty doon, Kitty dyan… life’s so unfair, really.”
Natawa nalang ang ginang sa kaniyang anak. That’s Nikolai, his son. Madalas magreklamo at mawalan ng pasensiya. Palibhasa, nag-iisang anak lang siya. Such a spoiled brat!
“Because I like her for you anak.”
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Kitty. Namumula ba siya?
“Naku po…” nahihiyang komento ng dalaga.
Napangiwi si Nikolai. “Huwag kang masyadong matuwa.” bulong niya kay Kitty habang kunwari ay nakangiti.
“Oh I gotta go, may pupuntahan pa pala kami ng Dad mo ngayon.” tumayo ang mommy niya at napasabay rin ang dalawa.
“Ihahatid ko na po kayo sa labas.” presinta ni Kitty at inakay niya ang biyenan nito palabas.
Pinandilatan ng dalaga ng mga mata si Nikolai pero napailing-iling lang siya.
“Ikumusta mo nalang ako kay Dad, Mom.” habilin niya sa kaniyang mommy.
“Of course anak. Bibisita nalang ako sa ibang araw. Take care you two ha? Una na ako.”
Hinatid nalang niya ng tingin ang kaniyang ina habang si Kitty ay hanggang sa pagsakay nito sa sasakyan ay nakabuntot siya.
Kumaway-kaway pa sa ere ang dalaga hanggang sa tuluyan nang maglaho sa paningin niya ang papalayong kotse. Nakasandal naman sa hamba ng pintuan si Nikolai habang nakahalukipkip.
“Ang sama mo sa mommy mo. Salbahe.” napasimangot si Kitty nang makalapit siya sa kinatatayuan niya.
“Mommy’s used to it.”
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomanceNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...