KABANATA 15

140 12 1
                                    

“Good morning.” nakangiting bati ni Kitty kay Nikolai na pababa mula sa hagdanan.

He notice her hyper mood today. Madalas namang ganiyan ang dalaga pero parang may kakaiba, masyado itong masaya ngayon.

Hindi ba siya nangangalay kangingiti? Iyan ang katanungan sa isipan ni Nikolai.

“Blooming ka ngayon bruha. Anong nangyari?” mahinang natawa si Nikolai at dinaluhan si Kitty sa lamesita.

She shook her head without breaking her smile on the lips. “Ganito na ako dati ‘no? At saka masyadong maaga para bumusangot.” pagdadahilan niya.

Bahagyang napanguso si Nikolai. “Hindi maganda ang tulog ko—”

Napangiwi si Kitty at pinasadahan niya ito ng tingin. “Bakit? Dahil ba hindi kita sinamahan kagabe?”

Halatang kulang nga sa tulog si Nikolai. Kapansin-pansin ang nangingitim na eye bags niya. He can’t sleep well because of Kitty. Magdamag niyang binabagabag ang isipan ni Nikolai.

Napailing-iling nalang si Nikolai sa kaniya. “Nothing, sa akin na lang iyon.” he sighed.

Mas lalo namang nabuhay ang kuryusidad ni Kitty.

Bakit naman kaya? She thought.

She tilted her head like she can figure it out by just observing his moves and facial expression. Napaupo siya at hinarap si Nikolai.

“Hmm… baka naman may lagnat ka?” bahagyang lumapit si Kitty habang nanigas naman si Nikolai kinauupuan nito. She unconsciously touches his forehead to check his body temperature.

Parehong namula ang tenga ni Nikolai dahil sa lapit nila isa’t-isa. So close to see all the details of her face. They’re both fanning their faces. His heart flutters and averted his eyes from her.

Napamulagat si Kitty. “May sinat ka nga! Ano bang pinaggagawa mo?” kunot-noong tanong niya sa kaniya.

He fake a cough. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan nang lumayo at magkaroon ng malaking distansiya ang mga mukha nila.

“I-I don’t know.” nagkibit-balikat si Nikolai at pilit na pinapakalma ang sarili nito.

“Namumula ka.” she exclaimed in a high pitch tone.

Hindi naman maitago ni Nikolai ang pagkagulat nito. He tapped his cheeks, they are burning up.

Damn! My cheeks are flushing! Or it’s because I’m not feeling well? Am I really fucking blushing in front of her? The hell?! Get a grip! Sabi nito sa isipan niya.

“Kumain na tayo para makapagpahinga ka na. Baka lumala pa ‘yang lagnat mo.” bilin naman ng dalaga dahilan para magising siya sa huwisyo.

Nikolai ignored all his silly thoughts as he started to eat.

Maya-maya pa ay napansin niyang masama na talaga ang pakiramdam niya. He needs a rest.

“Okay ka pa?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kitty. “Hintayin mo ako rito. Huwag ka munang tumayo baka mahilo ka.”

“Where are you going?”

“Kukunin ko lang iyong gamot sa cabinet.”

Napabuntong hininga si Nikolai. Uminom siya ng tubig at sinundan ng tingin si Kitty. Palihim siyang nangiti at mas lumawak pa iyon.

Tinamaan na talaga siya. Iba ‘to kay Denver, masyadong mabilis ang pangyayari pero sigurado na siya sa nararamdaman niya para sa dalaga.

Ilang minuto ang lumipas, may dala-dala ng medicine kit si Kitty. She put the digital thermometer on him.

How To Act Straight? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon