Awkward feeling for Kitty. It’s already 9:17 in the morning pero nakahiga parin ang dalaga sa sofa.
Nikolai is all better now like the cure is the kiss from her. Wala na ang lagnat niya thanks to Kitty. And a good news to add, she’s already confessed!
“What did you say last night babaita? You liked me?” pang-aasar ni Nikolai kay Kitty na nagtutulog-tulugan.
Maingat ang ginagawang paghinga ni Kitty para kunwari ay tulog pa siya. Hindi man lang siya gumalaw ni isang beses sa pwesto niya.
Nikolai chuckled at her. “I know you’re awake.”
Nakagat nalang ni Kitty ang dila niya. Bakit ba siya ganyan? Akala ko ba tulog na siya kagabe? Narinig niya pa talaga ang mga yun?!
Sa totoo lang, nahihiya siya lalo na ‘yong nangyari.
Biglang uminit ang magkabila niyang pisngi marahil ay numumula na siya sa hiya.
“You also kissed me back, that answered all my questions then, right?” dagdag pa ni Nikolai. Talagang hindi niya tatantanan ang dalaga sa pang-aasar. Palibhasa, wala na siyang lagnat.
Napalunok si Kitty ng palihim. She wanted to scold herself because of that kiss thing. Bakit ba siya nawili sa halik na iyon? Eh ano naman? Mukhang ginusto naman nila yun eh.
God! Mariin siyang napapikit sa naisip.
“Hoy!” bigla siyang kinalabit ni Nikolai. Parang tuloy may kuryenteng dumaloy sa balikat niya hanggang sa paa dahil doon.
“A-Ano ba?” mahinang asik ni Kitty at kunot-noo nitong nilingon si bakla.
Nikolai suppress a dainty laugh, that sound was so feminine. Well all about him, everything he does, makes Kitty left an awe on her face.
“You looks silly. Stand up! Nagluto na ako ng breakfast natin honey.” pabirong anyaya ni Nikolai while offering his hands on her. Emphasizing the word honey.
Nangasim naman ang mukha ni Kitty sa narinig. “H-Honey? Saan mo ba nakuha ‘yang mga pinagsasabi mo?”
“Arte mo, tinawag na ngang honey eh. Gusto mo forever bruha nalang?” napairap si Nikolai. Kunwari ay naiinis.
Is he upset? Why would he?! Kapal naman ng mukha niya?
Kitty clicked her tongue as she stood up by herself, “K-Kumain na nga tayo.” pagsasawalang-bahala ng dalaga sa sinabi niya.
Malapad na napangiti si Nikolai, “Follow me ma’am.” pabirong iminuwestra ni Nikolai ang daan hanggang sa makarating sila sa dinning table.
Gulat at pagkamangha ang unang rumehistro sa mukha ni Kitty nang makitang madami ang nakahandang putahe sa hapag-kainan.
“G-Ginawa mo lahat ‘to?” isa-isa niyang sinipat ang mga iyon.
May menudo, mechado, adobo, afritada, kare-kare, pansit bihon, and lastly sinigang na bangus.
Mauubos ba nila lahat ‘to? OA naman itong si bakla! Parang imbitado lahat ng kapitbahay ah.
“Hindi mo man lang ako tatanungin kung napagod ba ako?” humalukipkip si Nikolai at taas noo’ng ibinibida ang achievement niya sa pagluluto.
“Just wow,” hindi niya inaasahan ang nasabi ni Kitty. “This is too much.”
“Shut up and let me explain.” pakembot-kembot na lumapit si Nikolai kay Kitty. “Lately kase, I’m taking cooking class and that’s what I have learned so far. Madali lang palang magluto. Easy peasy!”
BINABASA MO ANG
How To Act Straight? [COMPLETE]
RomanceNikolai needs to act straight in front of his family in order to inherit all of the properties given by his late grandfather. But how long will it takes? *** Katarina or in short-Kitty, ang babaeng loss virgin--ay este ang babaeng para lamang kay...