Nagkita kami ni Yanie sa English subject namin sa St. Peter at nung nag settle na kami sa aming mga upuan. May tinanong ako sa kanya.
Katherine: Yanie di ba message mo si Kovie para sa akin?may reply na ba?
Nag hesitate si Yanie kung sasabihin ba niya ito kay Katherine ang totoo dahil alam naman nito na masasaktan si Kath sa reply ng binata.
Yanie: Oo meron pero heto ang sabi niya " I dont like her may gusto na akong iba at si Ash yun tsaka ang lakas ng boses niya parang speaker. I dont like clingy person. "
Nalungkot si Katherine sa nabasa at narinig niya galing kay Yanie at ang tugon ng binata sa kanya. Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman at sasabihin. Ganun pala ang ma reject ng crush mo.
Yanie: Okay ka lang? kaya nga ayaw ko muna ipaalam sayu kase alam ko masasaktan ka.
Katherine: Okay lang. Tanggapin ko na lang.
After ng English class namin susunod na ang Math class, di ko alam kung paano ako pupunta sa class na yun lalo't alam ko na nandun siya at alam niya na may gusto ako sa kanya. Pumasok ako sa klase ng malungkot at ngayun kahit bigyan kami ng teacher ng time gumawa ng assignment ewan ko kung magagawa ko.
Yanie: Kath work time na nakatulala ka pa diyan. wag mo munang isipin yun.
Kath: Ah di ko namalayan tapos na pala si sir mag discuss. Ito na gagawin ko na
Yanie: Di mo namalayan? nacopy mo nga yung notes and examples. Baka tinitignan mo lang yung likod ng nasa harapan mo.
Kath: Wag ka ngang maingay baka marinig tayu niyan. Heto na gagawa na ng work para makakopya ka na.
Yanie: Okay zip ko na ang aking mouth. Grabe ka naman sa nangongopya pwedeng sharing is caring lang.
First Meeting pala ng group namin for Choral this lunch time kaya nagpunta na ako sa music room kung saan may naka set up na big piano sa gitna. Tapos may mga mini rooms sa taas tapos may music room na katamtaman lang ang lake. Tapos may pabilog na stairs set up tapos dun kami pwesto. Since mag isa lang ako umupo na ako sa meron pang space. Habang ako ay nakaupo unti unti kong nakikita ang pagdami ng tao sa room at ang pag ingay ng paligid ko. Di ko namalayan na yung crush ko na nireject ako sumali din pala sa grupo na to. Di ko alam kung kikiligin ako o bahala na lang.
Nameet ko na si Ash dahil nagkita ko silang magkasama sabay pa sila naglalakad papunta ng klase kulang na lang mag holding hands sila. Maganda, matalino, maputi, blue eyes, average height, sexy at non chalant lang. Ano naman panama ko? Morena, di maganda, di matalino, average height lang ng unano, chubby, tsaka OA. Di ba ang laki ng lamang? langit yun lupa ako.
Kath: Nakita ko na yung crush niya si Ash
Yanie: Saan mo nakita?
Kath: Hindi ko sinasadya na pagkatingin ko ng diretcho nakita ko lang sila naglalakad ng sabay.
Yanie: Ano na feel mo nung nakita mo?
Kath: Nakita ko lang yung pagkakaiba namin. kung bakit niya nagustuhan yun. Tsaka mas compatible sila tignan kaysa pag kami ang magkasama.
Yanie: Ikaw naman negative naman tingin mo sa sarili mo. Hindi porket di ka niya gusto eh wala na sayu magkakagusto na iba.
Kath: First time ko ma reject, first time ko lang naman kase magtapat sa crush ko kahit ipinadaan ko sa iyo. Sana hindi na lang pala para di ko na feel to.
Yanie: Okay lang yun atleast nag try ka masakit man pero ganun naman talaga. Love hurts pero masaya din magmahal. Makakamove on ka din sa kanya just give it time.
Kath: Kailangan bang masaktan muna sa love bago makakita ng taong magmamahal sayu? Sana makamove on din ako sa sakit na nararamdaman ko.
Paano nga ba mag move on? Yan din ang tanong ko nuon hanggang ngayon. Anong gagawin lalo na nagkikita kayu sa eskwelahan? Nakikita mo sila tumatambay sa may locker at nakangiti siya. Pag malungkot naman siya di mo naman malapitan baka sabihan ka na ang clingy mo. Kaya habang tinitignan mo siya you are praying that he will be happy again and whatever reason na nag away sila sana magkabati na sila. Pinagpray ko din na sana kahit minsan pansinin naman niya ako at hindi yung sobrang cold niya sa akin.
Lahat ginawa ko; Iniwasan ko di ko dinadaanan yung hall na pwedeng nandun siya kung magkakasalubong man kami di ko siya titignan o lilingon pag katalikod. Pag sa klase naman focus lang ako sa assignment at nakikipagusap lang kay Yanie after naman binibilisan ko lang ang pag alis ng klassroom at pag akyat ng stairs minsan iibahin ko yung daan ko. ibaling ang tingin ko sa iba para mawala na yung feelings ko sa kanya. Pero bat ganun? siya pa din ang hinahanap ko?
Grabe naman makapana si Cupido sa akin sapol hanggang sa esophagus este sapol hanggang large and small intestine ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/347891673-288-k160091.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Teen FictionMost part of this story is based on true story that happened during her high school life and her name is Katrina. This story is mostly Katrina's point of view. She has a best friend name Yanie she is always there to listen to Katrina's thoughts and...