CHAPTER 14

444 9 0
                                    

" Nathan mo? Tapatin mo nga ko Crystal pinapaasa mo lang ba ako?"

" Anong sabi mo? Teka, O-okay ka lang ba?"

Nakakatako yung mukha niya ngayon. Lumapit siya sakin at hinawakan yung magkabila kong braso.

" Sabihin mo nga sakin Chrystal." seryoso niyang sabi.

Dahil sa napakalapit na niya sakin, naamoy ko na amoy alak siya. Kaya siguro siya ganyan. Lasing.

" Myco. Amoy alak ka. Kaya ka ba nagkakaganyan? Bakit ka ba naglasing. Wala naman magagawang maganda yan."

" Ako unang nag tanung kaya sumagot ka!" pasigaw niyang sabi.

Di ko alam gagawin ko. Hindi ko alam kung sasagot ba ko o hindi. Feeling ko nga nanginginig na ko ngayon ee.

" Sagutin mo ko! Bakit ayaw mo sumagot. Kasi totoo. Niloloko mo lang ako."

Lalong humihigpit yung hawak niya sa braso ko. Masakit. Nakakatakot siya.

Bigla niya kong tinulak sa pader at nakatingin parin sakin. Aalis na sana ko kaya lang nung sinubukan kung umalis, tinulak nanaman niya ko.

" M-myco. A-ano ba talaga p-problema mo?"

" Aalis ka? San ka pupunta? Sa mistiso na yun? Lolokohin mo nanaman ba ako?"

" Ano pa pinagsasasabi mo! H-hindi naman kita niloloko aa. At s-sino bang tinutuko-"

" At ngayon magsisinungaling ka? Huh!"

Ang sakit na talaga. Ang sakit ng hawak niya sakin. Ang sakit kasi tunutulak niya ko sa dingding. Pero mas masakit yung ginagawa niyang pagsigaw sakin ngayon.

Magulat na lang ako nung hinawakan niya yung magkabilaan kung kamay at tinaas samagkabilang gilid. Yung tipong surrender pero di tataas sa ulo yung palm mo.

Bigla niya kung hinalikan sa labi na akala mo wala nang bukas. Ramdam ko na galit talaga siya sakin. Maya maya naman, sa leeg na niya ko hinahalikan.

Di pa rin ako makapagalita. Di ko alam kung anong gagawin ko. Sinusubukan kung kumawala pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas. Ang nagawa ko na lang ay umiyak at hinayan siya sa ginagawa niya sakin.

" My labs. Asan ka na. I need you here." yan yung naiisip ko habang hinahayaan ko siyang halikan ako. Habang umiiyak ako.

Nararamdaman ko na parang bumababa yung halik niya sa labi ko. Lalo akong naiyak nung tinaas niya yung dalawa kung kamay at hawak niya gamit yung isa lang niyang kamay. Yung isa naman niyang kamay, sinusubukang alisin sa pagkakasara yung butones ko.

" M-myco. P-please *sob* s-stop."

Di ko na talaga napigilan humagulgol. Buti naman at tumigil na siya sa ginagawa niya. Kahit di ko siya nakikita, alam kong nakatingin siya sakin.

MR. BACHELOR meets MS. PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon