[Louise]
Dahil nasira ang moment namin ni Brent kanina, nakasimangot akong dumating dito sa condo ko.
Naabutan ko sina Rica, Berry at Yen.
"Oh, nakabusangot ang feslak?" Tanong ni Berry.
"Kasi itong si Rica eh. Moment na namin ni Brent kanina, sinira pa! Ano ba 'yung sub sub na 'yun na sinasabi mo?" Tanong ko.
Talaga naman eh. Ganda ganda na nga ng bonding namin ni Brent. Nangongopya ako sa assignment niya habang siya ay nasa tabi ko. Napaka-sweet sana!
"Naku, girl! Si Papa Azellus kasi eh.."
"Ano?" Tanong ko. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa saka naupo. Nakakapagod ang araw na ito tapos 'di ko na ulit nasilayan si crush.
"Ganito kase.." Panimula ni Rica. "Diba aware naman tayong lahat na si Berry ay bakla."
Nag-pokerface ako. "Hindi lang naman tayo ang aware. Kahit naman sinong makakita d'yan, malalaman na bakla. Tingnan mo nga, isang buong lipstick yata inubos sa nguso." Sabi ko.
"Aray ko be!" Sabi ni Berry.
Nagtawanan lang sina Rica at Yen. Ako, eto nakasimangot. Ano ba kasing pinasok na gulo ng mga 'to? Tapos dinadamay ako.
"Ayun nga. Tapos boses babae siya 'di ba? Eh, kinuha din niya ang number ni Azel. Tapos ayun, tinext niya. Text text sila tapos nagtatawagan na rin sila minsan. Hindi alam ni Azel na bakla siya since parang babae ang boses niya. Ayun."
Okay. Si Berry ay bakla pero boses babae siya dahil pinanganak na siyang bakla. Haha! Ang tunay niyang pangalan ay Robert kaya naging Berry. Lalaking-lalaki kasi pangalan.
"Oh ano namang kinalaman ko doon?"
Napakamot sa ulo ang tatlo. Para namang mga ewan ang mga 'to. Aba, malay ko ba sa pinagsasasabi nila.
"Tinatanong na kasi ni Azel kung anong pangalan ni Berry. Hindi naman masabi ni Berry." Sabi ni Rica.
"E'di sabihin niya, siya si Robert na malapad ang noo!" Sigaw ko.
Humagalpak sila ng tawa. Mga baliw. 'Yang si Robert, gustong gusto pa niya na sinasabihan siyang malapad ang noo eh.
"Hindi kasi 'yun, Louise. Nagpapanggap nga siyang babae eh! Alangan na ang ibigay niyang pangalan ay panlalaki." Sabi ni Yen.
"E'di sabihin niya, Berry. Oh pambabae 'yon." Sabi ko.
"I-se-search nga kasi sa facebook ni Azel eh. Nangungulit na nga. Kaya 'tong si Berry problemado. Love pa naman niya si Azel." Sabi ni Rica.
Huminga ako ng malalim. "Oh, eh ba't ako? Andyan naman si Yen. Si Grace?"
"Hindi pwede kasi nakatext na din nila si Azel eh. Friends na sila sa facebook. Ikaw nalang ang hindi kaya ikaw nalang ang pag-asa namin." 'Yung mukha ni Rica para pang nagmamaka-awa.
Umiling ako. "Ayoko! Ayoko ng mga ganyan eh." Tanggi ko.
Hindi naman sa ayaw ko silang tulungan pero jusko, ayokong maging substitute ni Berry 'no! Siya ang nakakausap tapos ako ang mai-imagine nung Azel na 'yon kapag ako pinakilala nila? Ayoko nga talaga. Tsaka, baka masira ang diskarte ko kay Brent! 'Di pwede.
"Sige na, Louise. One year supply ng starbucks coffee!" Alok ni Berry.
"Hindi ako nagka-kape." Sagot ko agad.
"Grabe girl! Kaya pala napakarami mo ng planner na tatak starbucks!" Sigaw ni Berry.
Eh, kasi naman! "Ayoko nga kasi."
BINABASA MO ANG
The Substitute
General FictionNagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?