[Louise]
Today is a very fine day. Kinikilig ako sa naiisip ko. Magco-confess na ako kay Brent. Waaaa! Tutal matagal-tagal ko na din naman siyang crush. Malay ko ba kung crush niya din pala ako tapos hinihintay niya lang na ako ang unang mag-confess.
"Hoy, babae! Para kang timang d'yan. Ngumingiti mag-isa." Puna ni Rica.
Narito kami sa room namin. Classmate ko siya sa subject ko ngayon. Mamayang hapon, makikita ko si Brent at doon ko na nga gagawin ang aking balak.
"Hoy, Louise!"
"Anoooo!" Sigaw ko.
"Nababaliw ka na ba? Ngumingiti ka mag-isa d'yan."
Ngiting-ngiti akong nakatingin sa kaniya. "Kasi ta-trabahuhin ko na ang love life ko!"
"Ano? Lovelife? Wala ka niyan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya nga ta-trabahuhin. Ibig sabihin, magkakaroon palang. Yeeee!"
"Kanino? Sino?"
"Si Brent!" Masiglang sagot ko.
Bumaluktot ang mukha ni Rica. "Si Brent? Anong meron? Nililigawan ka niya?"
"Hindi. Balak kong umamin na sa kaniya na crush ko siya at talagang gusto ko siya. Malay natin, gusto niya din ako. E'di may forever na!"
"Gaga ka talaga! Kay Brent talaga? Gusto mong magka-forever kayo? Bahala ka magiging panget anak mo."
Nagpokerface ako. "Aamin pa nga lang tapos anak na agad nasa isip mo. Ikaw talaga, Rica, panira eh."
"Sinasabi ko lang. Ganyan naman eh. Kapag umamin ka, sasabihin niya gusto ka din niya. Tapos ano? Lagi na kayong magkasama tapos yayayain ka sa motel. At doon may mangyayari sa inyo kasi mapupusok na kayo. Tapos mabubuntis ka. Hindi ka niya pananagutan. Iiyak ka at magwawala. Tapos ano? Lalaking walang ama ang anak mo. At sa lahat ng nangyaring iyon, naroon pa din ang katotohanang panget si Brent."
Naniningkit na ang mga mata ko kay Rica. "Yung tataa? Lawak ng imagination ah. Hindi ako gano'ng klase ng babae! Hindi ako mapusok. Tsaka, 'wag ka ngang judgemental. Hindi panget si Brent."
Tumango-tango si Rica. "Ah, oo nga. Hindi panget si Brent. Kayumanggi kulay niya tapos 'yung buhok niya mukhang isang taon ng hindi naliguan tapos 'yung dalawang pisngi niya tadtad ng pimples. Tapos malaki ilong. Medyo malaki ang mata at hindi kissable lips dahil nasobrahan ng kapal ang labi niya. Hindi nga siya panget. Ah, hindi nga." Sarcastic na sabi niya.
"Ehhh! Basta gwapo nga siya! Saka nawawala na kaya ang pimples niya." Naka-pout kong sabi.
"Ang sabihin mo, wala ng space sa bagong pimples."
"Ang sama mo, Rica!"
"Oh? Nagsasabi lang ako ng totoo 'no!"
Inirapan ko nalang siya at tinutok ang tingin ko sa phone ko. Kahit napa-pangetan sila kay Brent, 'di pa din mababago 'yung katotohanang patay na patay ako sa kanya.
Naalala ko tuloy no'ng panahong una ko siyang naging crush. May program no'n sa school tapos naglalakad ako nang mapatigil ako dahil may narinig akong kumakanta sa stage. So tiningnan ko--si Brent. Naggigitara at kumakanta ng paborito kong kanta. That time, parang nalaglag ang puso ko. In instant, bigla ko siyang naging crush. As in crush na crush na para gusto ko siyang abangan lagi.
Nung pagkatapos nga niyang kumanta no'n sa stage, nagpapalakpakan lang ang mga nanonood. Ako lang ang bukod-tanging tumitili na parang fangirl. 'Di ko nga maintindihan kung bakit 'yung iba, iba ang tingin sa'ken. Wala namang masamang tumili. Kinilig ako kay Brent eh. And there, days passed at lage ko ng hinahanap si Brent. Tuwing makikita ko siya, nag-e-echo sa utak ko 'yung noong kumanta siya.
BINABASA MO ANG
The Substitute
Genel KurguNagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?