Chapter 1

232K 2.7K 175
                                    

[Louise]

Ikinabit ko sa tainga ko ang earphone ko. Then I maximize my iPod's volume. Nakakasawa na kasing makinig sa mga kwentuhan ng mga barkada ko. Mapa-babae, mapa-bakla, iisa ang topic. Jusko! Yung crush na crush nilang si Azellus Bejo na barkada ng bestfriend kong si Rica.

I have circle of friends. Sila nga, ang nagba-baklaang sina Apple at Berry. Nickname nila 'yan. Mahilig sila masyado sa fruits. Kasama sina Rica, Yen and Grace. We're college friends. Nagkakila-kilala lang kami dahil magkakaklase kami. Iyong Azellus Bejo na pinagkakaguluhan nila, highschool barkada ni Rica na pinakilala lang ni Rica thru facebook. Itong mga 'to kase, nabalitaan na may mga gwapong barkada si Rica. Kaya ayun, ngayon para silang mga baliw na nakatitig sa facebook profile no'ng lalaking wala akong kainteres-interes.

Syempre. Loyal ako kay Brent--yung 'di naman ka-gwapuhan na crush na crush ko. Kaso 'di siya aware. Okay naman na sa'ken na nakakausap ko siya. Classmate namin siya sa dalawang subject. Hindi ko alam ba't ang lakas ng appeal niya sa'ken. Siguro dahil magaling maggitara at kumanta. Wa pakels naman ako sa itsura eh.

"Hoy, Louise! Tingnan mo na'to, dali!" Sigaw sa'ken ni Rica. Pinagmamalaki talaga niya yung mga highschool barkada's niya.

Sumimangot ako saka tinanggal ang earphone sa tainga ko. "Ayoko! Gwapo lang 'yan! 'Di naman 'yan nakakain. Tsaka, loyal ako kay Brent 'no!" Sigaw ko.

"Wooooo! Brent ka d'yan! Sa dami-dami naman ng guys sa earth, 'yun pang chaka ang feslak!" Sabi ni Apple--isa sa bakla.

Akma ko siyang babatuhin ng iPod ko. "May itsura naman si Brent 'no!" Sigaw ko.

Para kaming mga tangang nagsisigawan samantalang magkakalapit lang kami.

Naroon sila sa dining table. Nakapatong kase sa mesa 'yung laptop. Pinagnanasaan nila sa facebook 'yung highschool barkadas ni Rica. Para sa'ken naman, hindi mahalaga ang itsura. Mas malakas ako ma-attract sa mga lalaking may talent. Tulad nga ni Brent. Lagi nga nila akong inaapi. Sa-sama!

Ganda-ganda ng upo ko dito sa sofa sa living room. Kitang-kita lang naman sila since narito kami sa condo unit ko na regalo sa'ken ni Mama. Nasa Laguna ang family ko, well, doon talaga ako. Si Rica, taga Laguna din. Magkaibang lugar lang sa Laguna kaya siya ang pinaka-close ko sa lahat. Kasi nga noong naging friends kami ngayong college, nagkakilanlan. So nung malaman kong taga-Laguna rin siya, kapag weekends, nagsasabay na kami umuwi. Tapos two times na akong nakapunta sa bahay nila sa Laguna. Sina Apple, Berry, Grace at Yen kase, laking Manila na kaya wala silang probinsya.

Noong pasukan noong first sem, naghanap si Rica ng dorm. Since ako lang naman ang nakatira dito sa condo unit ko, niyaya ko nalang siya na dito tumira. Sa maikling panahon na nakilala ko siya ay naka-close ko naman agad siya dahil halos magka-ugali kami. Maghahati nalang kami sa bayad sa bills like kuryente and tubig. Malapit naman sa university na pinapasukan namin ang condo ko. Walking distance lang kaya pumayag na din si Rica. Kaya ay'on tuloy, lalo kaming naging close. Para na kaming bestfriends, tho, barkada talaga tawagan namin.

"Te! Lahat naman may itsura, kaso iyong Brent mo, hindi kaaya-aya ang itsura! Ang ganda ganda mo. 'Di kayo bagay!" Sabi naman ni Berry--isa ring bakla.

"Grabe talaga kayo! Sobra n'yong laitin si Brent! Eh crush ko nga siya eh. Tsaka, head over heels ako do'n!"

"Hay nako, alam namin! Noong first sem pa 'yang nararamdaman mo sa Brent na 'yon! Hindi mamatay-matay 'yang feelings mo do'n! Jusko, walang forever!" Sabi ni Berry.

"Ang sabihin mo, love is blind talaga!" Komento naman ni Yen.

Inirapan ko nalang sila. Ano bang magagawa nila kung na-attract ako kay Brent. Ang lalaking crush na crush ko. Hay! Sana makita ko siya sa campus bukas! Dumaan ang weekend, dalawang araw ko din siyang hindi nakita.

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon