The Offer

4 1 0
                                    

The Offer


I'm on my way home from work with my friends, Michaela and Sai. "Ang tagal mo 'te ah? Pagong ka ba?" Sai said jokingly with Michaela so she hit her.


"Eh kung tinulungan niyo sana ako magbuhat ng mga 'to? Grabe naman kasi si boss sa'tin. Sabi ko sa'yo Riri eh, gumawa na lang tayo ng sarili nating firm. Let's call it ano, Atrium Firma." Michaela smiled as she spoke to Sai and me. Riri is one of my nicknames. They also made this, and this is what they've been calling me since high school.


"Eh kung dalian na natin papunta sa car para makauwi na? Anong oras na, Ela." I said to Michaela


Nagtatawanan kami habang nilalagay ang mga gamit sa kotse. Normal na chikahan after work at mga chismis galing sa clients at mga katrabaho. Habang nilalagay nila ang mga gamit at projects nila, inistart ko na ang kotse para lumamig na bago sila pumasok.


"Okay na ba? Do you need some help ba jan?" I asked them because they were taking a long time to put the things but they just smiled and showed a thumbs up so I didn't go down and used my cellphone first.


Umupo na si Sai sa harap habang si Michaela naman ang nasa likod dahil natalo siya sa bato bato pick nila. "Jusko, ang daming gagawin. Binibigay ata sa'tin lahat. Parang mamamatay na ako sa pagod." Michaela complained.


"Bakit kasi hindi ka na lang nag work sa business niyo? Edi sana konti na lang ginagawa mo tapos boss ka pa." Sai was joking with her while looking at me so I just glared at her.


"Alam niyo kesa magreklamo jan, magpatugtog na lang kayo or kaya magkwento pa ng mga nangyari ngayon since pinaglayo layo tayo." Singit ko sa kanila


"Teh, nakita mo ba yung post ng 'The Chatterbox' sa ig? Yung last month?" Sai asked me. I'm not even active sa mga socmeds ko.


"Hindi, hindi naman ako mahilig sa mga gan'yan. More on work ako Sai, waste of my time lang 'yan." Sagot ko sa kaniya kaya umacting siya na parang nasasaktan at may pahawak pa siya sa dibdib niya.


"Hay nako talaga 'tong si Riri, so kj. Anyways, yung post last month was about sa kumukuha sila ng mga participants na pwedeng ma-interview for their 3rd year anniversary. Gusto nilang kumuha ng contestant na fit sa suprise topic nila." Pageexplain ni Michaela sa'kin habang ako naman ay tango lang nang tango sa kan'ya.


"Isa pa, ang famous nila. Kung nanonood ka lang sana edi tatlo tayong nakakarelate kaso masyadong 'busy' sa work." Inemphasize niya pa ang busy kaya't natawa si Michaela.


"Sana maging fav kayo ni boss para hindi niyo 'ko ibully. Hindi ko kayo iuwi eh." Pagbabanta ko sa kanila habang nakangiti dahil biglang napaamo sila.


Tumahimik ng ilang saglit kaya tinry ni Sai na ibluetooth yung phone niya sa car para makapagmusic kahit konti ngunit nung magc-connect na siya, may tumawag sakin.


"Girl, check mo nga if sino 'yan?" Sabi ko kay Michaela kasi nasa likod ang bag ko.


"Unknown number teh, sagutin ko ba?" Tanong niya kaya tumango ako at sinabing speaker 'yon.


Lumapit ang dalawa sa cellphone ko para malaman kung sino ang tumatawag at makakuha ng chismis kung sino man iyon. "Hello po, Sino po sila?" Tanong ko sa tumatawag habang nakangiti dahil sa sobrang lapit ng dalawa.


"Hello po, ma'am. Ako po si Avery Reyes from The Chatterbox o ang kilalang talk show po ngayon. Kayo po ba si ma'am Asharri Via Gabriel?" Sagot nung tumawag sa akin.


Love Lost, Lessons LearnedWhere stories live. Discover now