Hi👋 This will be my first story published, I always wanted to create stories like this but my time didn't allow me to do so. But now I have a lot of leisure time, that's why I decided to do this. I'm hoping you guys will like this, and I will really appreciate your support, patience, and respect for my story. Thank you. Enjoy!
Disclaimer ⚠️
This story is fictional. All scenes, names, places, and events were made by my imagination only. This story is not affiliated to anything.
🎤
Naniniwala ba kayo sa love at first sight?
Ako kasi hindi eh, naniniwala ako na pagmahal mo ang isang tao hindi lang dapat sa panlabas ka tumitingin kundi sa panloob rin. Kaya hindi ko mawari kung bakit yung iba sinasabi agad na mahal nila yung isang tao kahit na isang beses lang nila nakita at hindi rin nila lubusang kilala.
Siguro maniniwala pa akong attracted lang sila sa isang tao kung ganun man.
Malalim rin ang pagkakaunawa ko sa pagmamahal, gusto ko yung pagmamahal na binibigay ng magulang ko sa isa't-isa. Hindi man perpekto pero masasabi mong matibay.
Lumaki akong nakikita at nararamdaman ang pagmamahalan ng magulang ko, kaya hanggang ngayon pangarap ko ang ganoong pagmamahal.
Kaya siguro kahit isa wala akong naging boyfriend, meron mang manliligaw pero hindi naman deserving sa oo ko.
Naalala ko pa yung isa kong manliligaw na kaklase ko noon. Nagalit kasi hindi ko sinagot, sabi pa hard-to-get raw ako. Kaso hindi ko naman siya pinayagang manligaw, siya naman nagpumilit na ligawan ako kaya hindi ko alam bakit siya nagalit nung binasted ko siya. Pinakita ko rin naman na hindi ako interesado sakanya.
Hindi ko naman kasalanan na hindi ko siya gusto, at hindi rin siya pasok sa standard ko.
Since then, hindi na ako nagpaligaw kasi parang wala ring patutunguhan. Feeling ko rin kaya nila gusto maging boyfriend ko kasi gusto nila na sila ang maging first boyfriend ko kumbaga isang trophy lang ako para sa kanila, siguro nakakataas ng ego nila na maging girlfriend ang isang NBSB na kagaya ko.
Narinig ko rin na pinagpupustahan nila kung sino magiging first boyfriend ko, kaya sinumbong ko sa guro namin na binubully nila ako dahil sa maganda ang record ko saakin mas naniwala ang mga guro namin. Deserve naman nila yun kaya bat ako maaawa?
Natapos man na ganoon yung senior days ko still NBSB but academically honor. And now here I am trying to enroll accountancy in RTU.
Habang nagsusulat ako ng enrollment form may biglang kumalabit sa balikat ko.
"Miss, nahulog mo."
Tinignan ko ang kamay niyang hawak yung papel, at kinuha iyon. Hindi man sinasadya pero kapansin-pansin talaga ang maugat niyang braso.
"Sala—" Bago paman ako makapag-pasalamat bigla itong tumalikod, tila ba'y nagmamadali.
Napabaling ako sa harapan ngunit nakita ko siyang nakatalikod na, kapansin-pansin ang gitara na nakasukbit sa kanyang likod. Siguro ay Music student?
Pinagsawalang bahala ko nalang at pinagpatuloy ang pagsusulat saking papel.
Sa totoo lang gusto ko nang umuwi at magpahinga.
Bigla kong naalala na mayroon palang freshman welcoming sa first day of school, at pinagiisipan ko pa kung dadalo ako o hindi.
Pero naisip ko rin na baka makahanap ako ng bagong kaibigan roon kaya mas mabuting dumalo nalang. Bahala na next week kung ano mang mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/369502873-288-k383540.jpg)
BINABASA MO ANG
Serenade Love
RomanceCaraline Novine Garcia a freshman student, and Raven Keith Walse an upper-class student. Two people that are destined to meet. But can they be each other's future? or just two people that are destined to be each other first love. Start: May 23, 202...