Naririnig ko ang tunog ng drums, gitara, at kung ano-anu pang mga instrumento! Hindi naman kasi soundproof itong buong building.
Binalewala ko muna iyon baka titigil rin sila.
Tinagnan ko ang oras, at mag-aalas diyes palang pala bale tatlong oras pa lang ang tulog ko.
Ilang minuto, hindi parin natigil ang ingay. Hindi ba nila alam na nakaka-istorbo sila ng mga kapitbahay. Lalo na ako na katabing unit ko yung mga nag-iingay.
Kaya napag-desisyonan kong puntahan nalang iyun. Kinuha ko ang aking jacket at sinuot iyun, lumabas na para katukin ang nasa kabilang unit.
Tatlong katok palang at bumukas agad yung pinto. Naiwan tuloy ang kamay kong naka-ambang kakatok ulit sana. Binaba ko agad ang kamay ko, at tinignan ang taong nasa harap ko na.
Iyung bokalista kanina ang nasa harap ko! Nakahubad! Walang suot pang-itaas.
Apat!
I mean, hindi niya ba alam yung basic etiquette na kapag tatanggap ng bisita ay dapat presentable tignan, hindi iyung nakahubad siya.
Pero wait hindi nga pala ako bisita, kahit na!
Nagulat man pero hindi ko pinahalata sa mukha ko, at parang nagulat rin siya nang makita ako.
Ngumiti siya sa akin, at sabay tanong " Hi, anong maipaglilingkod ko sayo? "
" Uhm, masyado po kayong maingay, nakakaistorbo po kayo ng mga kapitbahay."
May dumungaw sa tabi niya. " Hala si miss basted. " singit nito.
Ang awkward na rito, gusto ko nang bumalik sa unit ko.
At salamat naman, at hindi niya pinahaba ang usapan.
" Sorry, hihinaan na namin sa susunod."
" Salamat. " umalis agad ako sa harapan niya.
Bago pa ako maka-alis, narinig ko siyang pinuna ang mga kasama.
" Gago kayo ang ingay niyo kasi. "
Mabuti naman at sinunod niya ang sabi niyang hindi na sila mag-iingay.
" Cara Hi! Magandang umaga." bati ni Reanne sa akin pagpasok ko sa silid-aralan.
Binati ko rin siya pabalik.
"So anyone here can define accounting?" tanong ng professor namin.
Walang sumagot sa amin. Ayoko rin umunang sumagot, dati kasi sinabihan akong pabida raw ako kasi taas ako nang taas ng kamay kapag may recitation.
Nang walang may gusto sumagot sa amin. Nagtawag siya ng mga pangalan, kaso mali raw ang mga sagot. Gusto niya yung hindi lang makikita sa textbook, bale own explanation.
Nag-antay nga akong tawagin ang pangalan ko kaso nagalit na ata si prof kaya pina-quiz kami.
Habang nagsasagot ako, mayroong pumasok sa classroom namin. Napansin kong napatigil sa pagsusulat si Reanne, kaya napabaling rin ako sa harap.
Si topless! I mean yung bokalista kausap yung professor namin.
" Excuse me ma'am pinapatawag raw po kayo sa faculty." sabi niya.
Sumagot naman ng " okay " si prof.
Bigla siyang lumingon sa banda namin habang inaantay si ma'am.

YOU ARE READING
Serenade Love
RomansaCaraline Novine Garcia a freshman student, and Raven Keith Walse an upper-class student. Two people that are destined to meet. But can they be each other's future? or just two people that are destined to be each other first love. Start: May 23, 202...