5TH SERENADE

0 0 0
                                    

Lumipas ang dalawang buwan, mas naging malapit ako sa mga kaibigan ng kuya ni Reanne. Paminsan-minsan kaming kumakain sa canteen kapag nagkatagpo ang mga schedule namin. Minsan ay lumalabas upang kumain sa gabi, ang kaso hindi rin ako parating sumasama kapag masyadong maraming aralin at mga gawain sa eskwela.

Hindi rin ako tumuloy sa pagsali ng dance club. Nagpaalam kasi ako kay mama kung puwede akong sumali, kaso hindi ako pinayagan. Kaya wala na akong nagawa kundi sundin ito. Pero sumali naman ako bilang student assistant sa library sa school. Para naman makabawi ako sa hindi pagsali ng mga school clubs. Pumayag naman si mama basta raw in line sa pagaaral.



"Novine, saan ko ito ilalagay?"

Napatingin ako kay Raven ng magsalita ito, may dala itong libro kakatapos niya lang ata magbasa.

"Akin na, ako na maglalagay." sagot ko rito.

Binigay niya agad ang libro sa akin. Nagliligpit rin naman ako ng mga libro rito sa library kaya okay lang na isali ko ang kanya.

Tinignan ko ulit siya, nakahilig ito sa katabing book shelf at sinusundan ng tingin ang mga galaw ko.

Novine.

Parati niya akong tinatawag gamit ang pangalawa kong pangalan. Noong una medyo naiilang pa ako. Hindi naman kasi ako sanay na may tumatawag sa akin gamit ito, yung pamilya ko lang tumatawag sa akin gamit ito. Pero hindi ko nalang pinansin at baka roon siya mas komportableng tawagin ako.

At sa lahat ata ng kaibigan ni kuya kyle, siya ata ang parati kong nakikita. Bukod sa pareho kami ng apartment, parati ko rin siyang nakikita rito. Nagtataka nga ako kung wala ba silang ginagawa sa club nila o sa school officials. Kaso baka gusto niya lang talaga mag-aral kaya hindi ko na tinanong pa.

"Anong gagawin mo bukas ng gabi?" tanong niya.

"Wala naman, bakit?"

"Sasama ka ba manuod ng practice namin? Sasama ata si Reanne."

Next week na pala ang foundation week namin. Ang alam ko may competition silang sasalihan.

"Ah, oo natanong pala yan ni Reanne kanina. Nawala sa isip ko. Pero pupunta ako."

"Okay." nakangiti niyang sabi.

Magkaharap na kaming nakaupo. Tapos ko na rin niligpit ang mga libro. Magpapahinga lang muna ako at uuwi na rin.

Tumingin ako sa bintana, at nakitang maggagabi na. Binaling ko ang tingin sa harapan, ngumiti ako sa kanya nang mapansing nakatingin ito sa akin.

"Sabay na tayong umuwi." anyaya nito.

Tumango ako upang pagpayag.



Ilang minuto rin ay naisipan ko ng tumayo.

"Tara na."

Tumayo ito at kinuha ang mga gamit, at tumahak na papalabas.

"Ate mauna na po ako." paalam ko sa librarian.

Ngumiti ito at kumaway.

Lumabas ako kung saan nag-aantay ang lalaki. At sabay kaming naglakad palabas ng school. Ganito parati ang set-up namin kapag naroon siya sa library.

Noong una binalewala ko ito, at naisip na baka ay gusto niya lang din umuwi na. Pero habang patagal nang patagal ay nabibigyan ko na ito ng malisya. Hindi niya man sabihin alam kung hinihintay niya akong makauwi.

May isang beses na naitanong ko pa sa kanya kung may gusto ba ito sa akin. Hindi ko na napigilan itanong iyun nang biglang maghatid ito ng pagkain sa unit ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serenade LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon