"Raven, tara shot tayo mamaya." rinig kong anyaya ni Skyler.
Umiling naman si Raven. "Marami akong case studies na gagawin mamaya pre."
Case study? Hindi siya music student? Pre-law ba?
"Naku ayaw mo lang gumastos eh."
"Gago kala mo wala ka ring case study na gagawin ah."
"Meron, pero pwede naman yan ipagliban." natatawang sabi ni Skyler.
Umiling na tumatawa naman si Raven. "Ewan ko sayo."
Napaisip tuloy ako kung paano niya kaya napagsasabay yun. I mean membro siya ng school officials, at may banda rin sila.
Can't relate.
Nahihirapan na nga ako nung senior high school sa mga subjects ko, paano pa kaya kung may mga extracurricular ako. Hindi talaga ako maalam mag-multitasking.
Natapos kami kumain, at nagpaalam naman sila saamin. Grabe dalawang oras rin kami roon. Mabuti nga, at tatlong oras ang bakante namin bago yung dalawang subject namin.
"Guys groupings muna tayo for today. This serve as your group for the whole semester. Please proceed to your assigned groups magkatapos ko kayong tawagin." sabi ng ethics professor namin.
Tinawag niya na kami isa-isa.
"Next group. Garcia, Martinez, Uy, and Fuentes." pagtatawag ni prof saamin.
Martinez? Si Reanne yun! Mabuti naman at ka-grupo ko siya.
"Reanne grupo tayo." sabi ko sa kanya.
Masaya namang tumango si Reanne sa akin.
"Mabuti naman at ka-grupo kita, mas maganda talaga kapag may kakilala ka sa ka-grupo mo." sabi niya.
Tumango ako upang sumang-ayon. Dati kasi medyo hindi ko kaclose mga ka-grupo ko noon, kaya nahirapan akong makipag-communicate sa kanila dati. Pero nakaraos rin naman.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Reanne.
Nasa powder room kami ngayon, nakaharap sa salamin. Inaantay ko siyang matapos sa pagaayos ng mukha. Kakatapos lang rin ng klase namin, at ngayon ay uwian na.
"Wala naman, siguro ay mag-aaral lang. Bakit?"
"Nagtext kasi si kuya, inimbita tayong kumain. Celebration raw for starting new school year."
Kala ko ba ay mag-iinuman sila?
Nag-alinlangan naman agad ako, nakakahiya kasing sumama.
"Heppp, bawal humindi, oo at yes lang ang sagot diyan." pagpipigil agad ni Reanne sa sasabihin ko.
Ha? Edi wala rin akong pagpipilian kundi sumama?
"Sige." pagpapayag ko nalang.
Tinignan ko naman agad ang mukha sa salamin. Hindi naman ako haggard tignan, kaya okay na ako.
BINABASA MO ANG
Serenade Love
RomanceCaraline Novine Garcia a freshman student, and Raven Keith Walse an upper-class student. Two people that are destined to meet. But can they be each other's future? or just two people that are destined to be each other first love. Start: May 23, 202...