Nakakahiya nahuli pa akong nakatingin. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-kain, at hindi pinansin ang mga ito.
Aalis sana ako, kaso biglang may humarang sa dinadaanan ko. Nakakairita naman.
Hindi ko man gustong tignan kung sino iyon pero wala akong choice.
" Miss, can I get your number?" ani nang nakaharang sa daan.
Ang cringe pakinggan sa totoo lang.
Magsasalita sana ako, ngunit natigil iyon nang mapabaling sa bokalista nila ang tingin ko. Nagulat ako nang malaman na nakatingin siya sa akin. Pero agad ding binawi ang tingin, at nilipat sa kaibigan iyon.
Muntik ko nang makalimutang may kumakausap pala sa akin.
" Sorry, hindi ako interesado." tumalikod agad ako.
Assuming mang pakinggan ngunit ang ganoong linyahan ng mga lalaki ay kabisado ko na, at alam ko kung saan patungo iyon.
Rinig ko ang tawa ng iba niyang mga kasama, sabay sabing "Shit, basted ka pre?"
Hindi ko mawari kung saan ang basted roon, hindi naman siya nangliligaw.
Akala ko wala nang manggugulo sa akin kung umalis ako roon. May sumunod pa!
" Miss! " natigil ako sa paglalakad, at lumingon.
Yung bokalista naman nila ang nasa harap ko.
" May kailangan ka?" tanong ko rito.
Nagtaka ako nang may inabot siyang panyo sa akin.
Akin ba to? Hindi ko kasi maalalang may dala akong panyo.
Kinuha ko parin yung panyo sa kamay niya, at napatingin ako sa braso niya, parang familiar. Maugat. Hindi ko maalala kaya binalewala ko nalang iyon.
"Salamat."
Akala ko aalis na siya, ngunit nakatayo parin siya sa harap ko. Nagtaka ako kung bakit hindi pa siya umaalis.
" May kailangan ka pa?"
" Your number." napakunot ang noo ko sa sagot niya.
" I mean, I'm sorry for my friend's behavior earlier."
Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad, pero kung sincere man siya ay sana pinigilan niya ang kanyang kaibigan kanina.
"Ayos lang."
Ayoko naman mag-mukhang bini-big deal ang nangyari kaya sinabi kong ayos lang.
" Sorry, masyado ba kaming maingay kanina?"
Ayoko rin magmukhang bastos kaya sinagot ko ang tanong niya.
" Oo, pero ayos lang."
Tumawa naman ang lalaki.
" May nakakatawa ba?" hindi ko mapigilang itanong.
Natigil naman siya pagtawa, pero may naiiwang ngiti sa labi.
" You're cute."
Napakunot lalo ang noo ko.
Malandi.
Ayan agad pumasok sa utak ko, at ang mga ganyang lalaki ay delikado kaya dapat iwasan.
Bago paman ako makasagot, nahagilap ko si Reanne malapit sa amin.
Aalis na sana ako, kaso nakalimutan kong magpasalamat.
" Salamat, ang ganda ng boses mo kanina." at umalis na.
Totoo namang maganda ang boses niya, deserved niya ang papuri.
" Si Raven yun ah." salubong agad ni Reanne.
Raven?
" Yung lalaki ba?"
" Oo, sikat siya dito."
" Anong year?"
" Ang alam ko 3rd year na."
" Ah."
" Bakit? Ikaw ha..." tudyo niya sa akin.
" Wala lang, naitanong ko lang."
Nagpatuloy kami sa paglilibot, at nang mapagod ay napag-desisyonan naming umuwi na.
Habang nagbibihis, nakita ko yung panyong binalik niya sa akin.
Ngayon ko lang rin naalalang may isiniksik pala akong panyo sa bulsa ko kaninang umaga.
Pagkatapos kumain, ay nag-aral muna ako saglit.
Hindi naman kami nag-lesson kanina, bale orientation palang ng bawat subject ang ginawa namin.
Nilabas ko ang mga highlighter at libro, at sinimulan nang mag-aral.
Biglang sumagi sa isip ko ang kanta kanina. Gusto ko ulit mapakinggan ang kantang iyon.
" Rewrite the stars." pagtitipa ko sa search bar.
Lumipat ako sa higaan upang pakinggang mabuti ang musika.
" You know I want you
It's not a secret I try to hide
You know you want me
So don't keep saying our hands are tied "Sa totoo lang, ang sarap gawing ring tone yung boses nung lalaki kanina. Maganda ang boses nito. Nakakabilib! Dati pa man ay humahanga na ako sa mga may magagandang boses, nakakarelax kasi pakinggan ang ganun.
Habang nakikinig ay hindi ko namalayang nakatulog ako, at nagising dahil sa ingay ng kapitbahay!
🎤🎤
Thank you, see you next chapter...

YOU ARE READING
Serenade Love
RomanceCaraline Novine Garcia a freshman student, and Raven Keith Walse an upper-class student. Two people that are destined to meet. But can they be each other's future? or just two people that are destined to be each other first love. Start: May 23, 202...