1ST SERENADE

8 0 0
                                        

Matapos ang isang linggo at pasukan na. Habang naghahanda ng mga gamit sa school, biglang umilaw ang aking cellphone at nakitang may mensahe galing kay mama.


Mama:
Anak magiingat ka ah, alagaan mo ang sarili mo.


Napangiti ako sa nabasa, agad ko namang nireplyan si mama.


Ako:
Opo mama, kayo rin po.


First time ko ring mahiwalay sa aking mga magulang, nakakalungkot man pero napag desisyonan ko rin na umupa ng apartment malapit sa school ko. Malayo rin naman ang Quezon Province rito sa Maynila kaya no choice ako kundi mag-isa.


Pinagpatuloy ko ang pag-aayos, at nang matapos niligpit ko rin ang mga ginamit ko sa hapagkainan.


Matapos lahat, tinignan ko muna ang sarili sa salamin at nilagyan ng powder ang mukha, at lip balm naman para sa labi. Sabi ni mama hindi ko raw kailangan ng lipstick kasi mapula na ang labi ko.


Sa palagay ko naman ay okay na ako, kaya nagtungo ako sa labas, at ni-lock muna ang pintuan bago nag tuloy-tuloy maglakad papuntang school.


Sa totoo lang kinakabahan ako, iniisip ko kung paano ako magpapakilala sa klase. Ito yung pinaka-ayaw ko sa first day, ang introduced yourself, pero sabi nila naka-depende rin iyon sa mga professor ang ganiyan. Pero confident naman ako sa sarili ko kaya walang problema.


Habang nag-iisip nang kung anu-ano. Hindi ko na malayaan na nasa tapat ako ng gate. Nagtuloy-tuloy ako papasok at hindi na pinansin ang kabang nararamdaman.


Nagpapasalamat rin ako na hindi ako nahirapang hanapin ang block room ko, kaya nang makita iyon agad akong pumasok at nilibot ang tingin para maghanap ng mauupuan.


Umupo ako sa panggitnang hilera ng mga upuan. Ayoko kasi sa likod, at ayoko rin naman sa harap kaya sa gitna nalang.


Kakaunti rin pa pala yung mga estudyante, napaaga ata ako.



Habang nag-aantay sa professor namin may biglang tumabi sakin. Hindi ko lang nilingon, at ayoko rin maunang kumausap sa isang tao, baka kasi hindi ako pansinin.



Naputol ang pagmuni-muni ko nang pumasok ang professor namin. Tatayo sana ako upang bumati kaso wala namang tumayo, siguro walang greetings na ginagawa katulad sa high school kapag college na.


Laking pasasalamat ko at hindi kami tinawag isa-isa't para magpakilala, sabi'y nasa records niya rin naman yung mga pangalan namin. Galingan nalang raw sa quizzes at recitation para matandaan niya agad ang pangalan namin.


Natapos ang klase na siguro'y panis ang laway ko, kahit isang beses hindi ako nagsalita.


Habang nagliligpit ng mga gamit, napansin ko ang mga kaklase kong nagmamadaling umalis, nung una nagtaka pa ako kung ano meron, pero kalaunan naalala ko may welcoming pala para sa amin.


Bago paman ako makalabas, may humigit na sa akin.


"Hi pupunta ka ba sa auditorium? tara sabay na tayo." Nakilala ko agad yung nagsalita, katabi ko siya sa upuan.


Gusto kong umangal kaso dire-diretso ang higit niya sa akin patungong auditorium.


"Alam mo ba kanina pa kita gusto kausapin, kaso medyo naiintimidate ako sayo."


Serenade LoveWhere stories live. Discover now