Chapter 01: Kiel needs me

73 1 0
                                    

Hi I'm Luna Aguirre, I'm 25 years old employee ako sa isang sikat na campany dito sa Pilipinas at alam niyo ba na mysterious ang boss namin walang nakakaalam kung ano ang mukha niya diba ang lupit

Actually hindi naman boring doon sa pinapasukan kong kumpanya kasi kasama ko naman roon ang mga childhood friends ko lalo na si Kiel na crushiecake ko palang noong bata pa ako.

Kahit na si Kiel ay kilala bilang babaero araw araw paiba iba ng girlfriend, Madalas nga ay saken siya lumalapit kung may sabet siyang nagawa pinagpapanggap niya kasi akong gf niya para lang makatakas sa mga niloko niya, sa madaling salita ginagawa niya akong panakip butas lamang

Pero ayos lang saken yun dahil mabait naman siya saken kahit na minam*ny*k niya ako paminsan minsan, pero never ko pang binigay kay Kiel ang buo kong pagkababae oo naghahalikan kami pero hanggang halik lang talaga as in dahil nilalaan ko ang vcard ko sa magiging husband ko pero wish ko siya sana ang magiging asawa ko in the future

Start the conversation.....

“Luna!! Luna!!...gising na girl umaga na malalate na tayo sa work” ani ni kevin habang ginigising ako sa pagkakahimbing kong tulog

“Ano ba bakla ang aga aga pa para pumasok 5 minutes pa please inaantok pa talaga ako”sagot ko dito at muling nagkumot upang ipagpatuloy ang aking pagkakatulog.

“g*ga 7 o'clock na may one hour nalang tayong natitira para pumasok ..hey girl nakikinig kaba??”tanong niya saken pero hindi ko ito sinagot dahil antok na antok pako paano kasi nagyaya si Kiel na magcine kami kagabi

“ haish natulog talaga ulit itong babaeng to bahala ka na nga sa buhay mo basta ako magpapaganda para fresh ako makita ang papa ko” tugon naman ni Keven

Lumabas na nga si Kevin sa kwarto ko pero nagising ulit ako dahil sa tunog ng cellphone ko agad ko naman inabot at tinignan kong sino yung tumawag at walang iba si Kiel nga yung tumawag saken

“Bakit kaya napaaga tawag ng taong aish!! ang aga aga eii sagutin ko na nga lang” agad ko naman sinagot yung tawag ni Kiel at sinigawan.

(At call)

“Ano...... bat ang aga mo naman tumawag inaantok pa yung tao eii ”gal*t na bungad ko sa kanya

“Sorry Luna sa istorbo, napatawag lang ako kasi tatanungin kulang sana kung libre kaba ngayon araw nato”ani ni to saken.

“Hindi may pasok pako”mabilis ko naman sagot sa kanya

“Mag absent ka muna ohh... magkita naman tayo dito sa cafeteria na pinupuntahan natin may importante sana akong sasabihin sayo” seryosong tugon ni Kiel saken.

“ disisyon ka boy, alam mo na ngang mahal ko ang trabaho ko at tapos gusto mo lang mag absent ako dahil may sasabihin kalang aba g*go kaba” sagot ko kay Kiel.

“Sige na Luna please kailangan ko lang ng pagsasabihan ng sitwasyon ko ngayon hindi mo ba ako kayang pagbigyan ngayon Luna” pagmamakaawa niya saken

“ Hindi nga pwede kasi nga may pasok... lagi naman kita pinagbibigyan Kiel alam mo yan pero ang gusto mong mag absent ako ay hindi pwede” ani ko dito

“Ok sabi mo ehh!! akala ko maaasahan kita sa ganitong problema pasensiya nalang sa abala” saad neto at pinatay na yung tawag ko

Bakas sa boses niya na may problema si Kiel at mukhang kailangan na kailangan niya ng masasandalan ngayon.

Para tuloy nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa inasta ko sa kanya dito nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya

Nang dahil sa konsensiya ko ay agad ko siyang tinawagan

“Sabihin mo na yung sasabihin mo Luna dahil may pupuntahan ako” bungad niya saken

“8:30 hintayin mo ako dun sa cafeteria” ani ko sa kanya

“Yun ohh sige hintayin nalang kita dito bilisan mo ha ingat Luna” masayang ani nito saken

“Oo na bye na ligo nako” at agad ko namang binabaan ng tawag si Kiel.

“Asus Kiel nanaman” panggugulat na saad ni Kevin saken na agad ko naman nilingon

“Kanina kapa diyan” tanong ko sa kanya

“Hindi naman pero bakas sa mukha mo na si Kiel yang katawag mo” saad naman ni kevin saken

“Kailangan niya kasi ako ngayon kaya pupuntahan kolang siya, ikaw na bahalang rumason kay boss kung bakit absent ako sabihin mo nalang masaket yung ulo or tyan basta gawan mo na ng paraan para di ako mapagalitan bukas” pan susuyo ko sa kanya habang binubuksan yung aparador ko para mamili ng idadamit ko sa meet up namin ni Kiel.

“Ewan ko ba kung bakit nainlove ka sa lalaking yun wala ng ginawa kundi guluhin ang buhay mo alam mo kailangan mo ng ibahin yung lalaking gugustuhin mo nakaka bad influence na kaya si Kiel sayo imbes na nagfofocus ka sa pag aalaga kay tita pero ayan ka inaayos mo yang gulo ng lalaking iyon,” reply ni Kevin saken habang nakatayo parin sa labas ng kwarto ko.

“Mabait naman si Kie friendly naman siya ano naman masama kung magkagusto ako sa kanya” sabay tingin kay Kevin at nginitian ko nalang ito.

“Mabait daw b*ba babaero iyon tapos ang dami na ng ikinama, hindi kaba nandidiri or something na dapat mong marealize na di siya bagay sa maladyosa mong ganda at ugali” dagdag nitong payo saken.

“Maliligo nako” pag iiba ko ng topic namin sabay pasok sa banyo

Matagal na niya akong pinapayuhan na layuan ko na si Kiel pero ako lang talaga iyong desperada dahil kahit alam kong walang wala ako sa mga babae niya ay heto parin ao umaasa na magkakagusto siya saken

“Bahala ka Luna sinasabi ko na sayo habang maaga pa hindi ka dapat mainlove sa taong yun” ani ni Kevin pero naging bingibingihan nalang ako para tumigil na itong dumaldal at nag umpisa narin akong maligo.

Perfect Decision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon