7 pm na nung time out namin kaya naman napagdisisyonan naming kumain nalang sa isang restaurant
“Grabe sa dami ng inorder mo Sandra mauubos mo ba lahat yan?” curious na tanong ni Kevin sa kaibigan namin
“Pak* mo gutom ako eii” sagot lang ni Sandra at ipinagpatuloy ang pagsubo sa kinakain niya
“Gosh parang hindi babae nakakahiya ka” pagtataray naman ng katabi ko
“Hayaan mo na mukhang gutom na gutom talaga siya, kumain ka nalang diyan lalamigin na yang pagkain mo” sabat ko naman sa kanya
Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya ay padabog niyang kinuha yung kutsara at nilantakan na nga niya yun pagkain na inorder niya at nag umpisa narin akong kumain dahil gutom narin talaga ako
Pero sa kalagitnaan ay napatigil kami pare pareho ng biglang lumitaw ang dalawang bulto ng tao at ang dalawang yun ay yung taong ayaw kong makita panghabang buhay
“Ohh nandito din kayo” ani ng lalaki at walang iba kundi si Kiel ang taong minahal ko ng ilang taon pero ngayon estranghero nalang siya saakin
“Oo eii hehe” sumulyap pa saakin si Chisa para bang tinitignan niya yung reaction ko pero hindi ko pinakita na effective parin ako sa kanya
“Kung ganun pwede ba kaming maki join sa inyo” pabebeng turan ni Veron saamin
“Hindi pwe- sige upo kayo may space namin” putol ko sa sasabihin sana ni Chisa gulat man ito ng tumingin saakin pero kalaunan ay tumango tango rin ito
Umupo narin si Veron sa harapan ko habang si Kiel naman ay pumunta sa counter para mag order ng kakainin nila. Napasulyap naman ako sa tyan niya at mukhang halata na yung tumbok sa tyan niya bigla nalang akong nakaramdam ng selos yung tipong pinangarap mo yun pero sa iba ibinigay yung pangarap mong yun
“Anong feeling ng hindi pinili Luna?” nakangising saad ni Veron sa akin
“Hoy ikaw babae porket ikaw yung pinakasalan gaganyanin mo na tong bff ko” galit na sumbat ni Kevin kay Veron samantalang ako ay walang imik habang mahigpit na hawak ko yung kutsara
“Pabagal bagal kasi yang kaibigan niyo naunahan tuloy” pang iinsulto niya saakin
Akmang susugurin ni Kevin si Veron ay hinawakan ko na yung braso niya para pigilan “Wag mo na siyang patulan buntis siya”saad ko kaya naman bumalik na siya sa kinauupuan niya
“Pasalamat ka dahil buntis ka kung hindi lang kalbo kana saakin” pagbabanta naman ni Kevin sa kanya
“Natakot naman ako sa sinabi mo bakla”nagkunwari pasiyang takot sa sinabi ni Kevin pero kalaunan ay tumawa siya, yung tipong tawa ng m*ngkuk*lam sa mga movies
“arghh nakakainis talaga itong babaeng ito” galit na turan ni Kevin
Saktong papalapit si Kiel sa table namin ng biglang umiyak si Veron 'awtss ang drama' agad namang nilapitan ni Kiel ang kanyang asawa halatang nag aalala ito sa kanya bigla tuloy akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahil sa nakikita ko
“Bakit” nag aalalang tanong ni Kiel sa asawa niya
“Awitss drama queen” bulong ni Kevin
“Kasi, kasi panagkakaisahan nila ako dahil ako ang pinakasalan mo at hindi ang bestfriend nilang si Luna, hon marami silang sinasabing masasakit na salita” sambit ni Veron habang umiiyak ito ng peke habang kami naman ay gulat sa sinabi niya
Wtf binaliktad pa niya talaga siya na nga tong nag umpisa eii tapos ngayon magmumukha na siyang inosente gosh i can't believe this
Galit na tumingin saakin si Kiel bigla nalang akong nakaramdam ng takot dahil first time kong makita siyang ganun
“Ako nalang ang saktan niyo wag ang mag ina ko” ani nito
“Wala kaming ginagawang masama sa asawa mo Kiel, nagulat na nga lang kami ng biglang umiyak yan eii madrama masiyado” sumbat naman ni Kevin
“Sinungaling pinagsabihan niyo nga ako ng masasakit na salita lalo kana Luna” nabigla ako ng bigla. niya akong ituro “Bakit galit ka ang akala ko ok na tayo dahil yun ang sabi ni Kiel saakin pero bakit ganun ka ako nalang ang pagsabihan mo ng anong masasakit na salita wag pang ang baby namin please” dagdag pa niya habang may luhang lumalabas sa mata
“Wow just wow” napangiti ako ng mapakla dahil sa sinabi niya
“Luna hindi ko alam na ganyan ka pala, pati bata dinadamay mo sa galit mo saamin” galit na turan ni Kiel at talagang naniwala pa siya sa drama ng asawa niya
“Napasingunaling mong babae ka” sambit ni Sandra at balak pa sana niyang sugurin ang dalawa buti nalang at hinawakan ni Chisa ang kamay niya
“Veron sana makunsensiya ka sa sinasabi mo eii no, pinakikitunguhan kita ng mabuti dito, tapos ako ngayon yung pagmumukhain mong masama. Wala akong maalalang ginawang masama sayo Veron, ang nagawa ko lang naman ay umibig” binalingan ko muna ng tingin si Kiel at saktong lumingon siya saakin kaya nagtama yung mata namin pero agad din naman akong umiwas “Umibig sa taong alam kong kahit anong gawin ko hindi niya akong kayang mahalin dahil ang tingin niya lang saakin ay kaibigan hindi lang yun dahil ginawa niya rin akong panakit butas” nag umpisa na akong umiyak dahil hindi ko na talaga mapigilan
“So sinasabi mong ako yung sinungaling dito?” sumbat si Veron saakin
“Alam mo yung sagot sa tanong Veron wag kang maging pavictim dito” sagot ko sa kanya
“Kiel sinungaling siya singungaling siya” Pagsusumbong ni Veron kay Kiel kaya agad naman siyang dinaluhan ng yakap ni Kiel
“Hash now! baka mapano ang baby natin” pagtatahan niya
Hindi ko alam sa sarili ko parang nagseselos ako sa nakikita ko kaya di ko na namalayan na tumayo na pala ako at lumabas na sa restaurant
“Bakit mo nalang akong ginaganito Kiel” napaluhod nalang ako sa tabi ng kaldasa ng mabangga ko ang mga taong naglalakad sa daan hindi ko kayang tumayo sa kinaroroonan ko
Mananatili pa sana akong ganun pero may isang kamay na nagpunas ng luha ko kaya naman nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang taong yun at laking gulat ko dahil ang taong yun ay walang iba kundi si Theo
“T-th-theo” napiyok pa ako ng bigkasin ko yung pangalan niya
“Sinong g*go ang nagpaiyak sayo” malalim ang pagkakasabi niyang yun pero kita parin sa mukha niya ang pag aalala
Umiling ako dahil baka magkagulo kung sasabihin ko sa kanya ayaw ko namang madamay siya sa problema ko dahil mabait siyang tao
“Please tell me who's that b*stard” he said
“Ilayo mo nalang ako dito” pag iiba ko ng topic
“Pero hindi pa kita naipaghihiganti sa nagpaiyak sayo” sambit niya
“Hayaan mo nalang yun please ilayo mo nalang ako dito paki usap” hinawakan ko yung kwelyo niya habang nakiki usap sa kanya
Napabuntong hininga nalang siya sabay nun ang pagtango niya “Fine let's go” he said at inilalayan pa akong tumayo
BINABASA MO ANG
Perfect Decision
RomanceW A R N I N G : Smut 18 will it contain spg scene such as bedscene or s*x scene it's not for kids but if you will read this well I will not force you go ahead and enjoy!!