Chapter 05: My real feeling

9 1 0
                                    

Pagkababa ko ng tricycle ay bumungad sa akin si mama na palabas ng bahay kaya nagmadali akong pumunta sa kanya dahil bawal siyang mapagod

  “Ma anong ginagawa niyo po dito sa labas” tanong ko sa kanya

  “Anak bibili lang ako ng tinapay at soft drink para ipameryenda kay Kiel” saad niya naman saakin

  “Ma wag na po aalis din naman siya eii, sige na ma pasok na tayo” sabi ko naman

  “Anak hinintay ka niya ng matagal kaya wag mo naman siyang paalisin ng ganun lang hindi kita tinuruan maging ganyan” panenermon naman ni mama saakin

  “Ma hindi naman sa ganun”

  “Puntahan mo na siya sa loob kanina ka pa niya hinihintay, mukhang problemado ang kaibigan mong yun” saad ni mama

  “Ma pasok na po tayo” pangungulit ko sa kanya

  “Anak wag mokong alalahanin ang lapit lang ng tindahan ng ninang tanya mo” sabi naman ni mama

  Kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang pumunta doon pero pinasama ko sa kanya si tonton yung batang naglalaro sa harap ng bahay namin mahirap na kasi baka mapano si mama

  Pumasok narin ako sa bahay at tama nga si mama bumungad sa akin ang problemadong kiel.

  Yung kiel na happy pills ko noon, ngayon siya na yung dahilan ng pag iyak ko

“Ehem” pagpaparinig ko sa kanya

Agad naman siyang lumingon at nagmadaling tumayo para salubungin ako ng yakap

“Luna”Niyakap niya ako ng mahigpit yung parang yakap na hindi niya ako pakakawalan “Luna anong gagawin ko habang palapit ng palapit yung kasal namin parang gusto ko ng tumanggi” dugtong niya

Taksil naman tong luha ko dahil tumutulo nanaman siya

“Luna tulungan mo ko na realize ko na hindi pa akong handa magpatali sa taong hindi ko gusto” sabi niya dahilan para itulak ko siya dahil naiinis ako sa sinabi niya. Kita ko sa mata niya ang pagkagulat ewan ko kung nagulat ba siya dahil itinulak ko ba siya or dahil nakita niyang umiiyak ako “Luna” tawag niya sa akin mukhang lalapitan niya ako pero umatras lang ako

“Alam mo karma mo na yan”

“Anong ibig mong sabihin Luna” tanong niya saakin

“Yun lang ba ako sayo Kiel ang maging taga salo sa problema mo? paano naman ako? yung nararamdaman ko ?” walang pasabing saad ko sa kanya

“Sawa na ako Kiel, sawa na akong maging panakit butas mo lang. All my life yun lang ang ginawa ko ang pagtakpan ka sa mga kalokohan mo”

“Pero diba yun naman dapat ang magkaibigan nagtutulungan?” tanong niya saakin

“Yun na nga eii kaibigan lang   yung tingin mo saakin, hindi mo ba nahahalata Kiel”

“Anong nahahalata sabihin mo” tanong niya

“Na gusto kita, hindi lang pala gusto mahal na pala kita Kiel” prangka kong saad sa kanya dahilan para magulat siya

“Mahal mo ko” nagtatakang tanong niya saakin

“T*nga mo rin eii no, OO mahal kita, wala akong ginawa kundi ang mahalin ka kahit alam ko sa sarili ko na kahit kailan kaibigan lang ang tingin mo saakin”yung luha ko kanina sinabayan na ng pag hikbi ko

“Sana sinabi mo saakin Luna para alam ko”

“Kahit naman sabihin ko sayo hindi mo rin naman kayang ibalik yung pagmamahal na yun kaya mas pinili ko nalang manahimik dahil baka mawala ka sa akin pag nalaman mong may gusto ako sayo”

Perfect Decision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon