Lumipas ang ilang araw ay unti unti nang bumabalik yung sigla ko at unti unti ko narin nakakalimutan ang nararamdaman ko kay Kiel dahil yun naman ang dapat tungkol naman kay Theo ay naging matalik ko na siyang kaibigan. Hindi naman siya yung lalaking snubber at masungit actually hanga nga ako sa kanya dahil sa ugali niyang yun
“Theo may toothpaste kaba?” bungad na tanong ko sa kanya nang buksan niya yung pintuan ng apartment niya
“Meron, just wait me here kukunin ko lang” he said
“Hay salamat hulog talaga ng langit itong si Theo hindi na ako mag aabalang bibili sa labas malayo pa naman tindahan dito” napabuntong hininga nalang ako nang bigkasin ko yun
“Oh heto toothpaste” iniabot niya saakin yung toothpaste kaya agad ko naman kinuha yun pagkatapos ay nilagyan ko na yung toothbrush ko ng toothpaste
“Salamat talaga Theo ahh naubusan kasi ako pero don't worry papalitan ko to mamaya” ani ko sa kanya pero umiling lang siya
“Wag mo nang palitan yan tutal marami naman akong stock dito” he said
“Pero pinaghirapan mo yung pinagpambili mo dito Theo” nahihiya kong saad sa kanya pero itong lalaking ito tumawa lang
“Walong piso lang yan kaya ayos lang” he said
“Maski piso galing parin to sa bulsa mo” pamimilit ko sa kanya
“Pero gusto kong ibigay sayo yan ng libre kaya wag kanang umangal pa”sabi niya kaya napailing nalang ako sa kawalan dahil kahit anong gawin ko mananalo parin siya saakin
“Nga pala Theo pansin ko lang wala ka ng dalawang araw san kaba nagpunta” tanong ko sa kanya
“Naging busy lang sa trabaho ang dami kasing problema na nangyari in two days kaya kinailangan kong matulog dun ng dalawang araw, pero na ayos na” explain niya saakin
“Ay same 2 days din kaming nag rash nang mga papers na ipapasa namin sa CEO namin eii buti success yung ginawang plano nang team work namin” sabi ko naman sa kanya
“San kaba nagtratrabaho” tanong niya saakin
“Hmm sa H.T BORNIVES COMPANY dun sa kabilang kanto yung pinaka malaking building dun” kwento ko sa kanya bigla naman niya akong binigyan ng pagtatakang looks “Bakit may problema ba Theo?” tanong ko ulit sa kanya
“Wala, wala nagulat lang ako na dun ka nagtratrabaho diba sikat yun?”tanong niya saakin
“True ka dyan Theo sa lahat ng kumpanya dito sa pinas yung H.T Bornives lang ang lumalakas kaya nga ayaw kong umalis dun dahil ang ganda ganda ng pasweldo nila dun” pagmamalaki ko sa kanya
“Maganda bang magtrabaho dun?” he ask me
“Oo naman lalo na kasama ko yung mga frenny ko kaso” biglang bumusangot ako dahil naalala ko nanaman yung mga gurang sa kumpanyang yun
“Kaso?”
“Kaso yung Manager namin parang masama ang tingin saakin, alam mo bang inaangkin niya lahat ng mga suggest kong proposal noon paman, noong una ang akala ko hindi magaganda yung kinalabasan ng mga ginawa kong proposal,pero yun pala naipublish na pala yun masaya sana ako pero nang makita kong hindi saakin naicredit saakin.Nasaktan ako syempre dahil pinagpuyatan ko yun nang ilang araw tapos ganun lang iba ang nakikinabang at iba ang napropromote saklap noh?” pagkwekwento ko sa kanya
“Bakit hindi mo nireklamo para matanggal sa trabaho” ani niya saakin
“Nako wag na dahil kahit naman magreklamo ako kung mas malakas naman yung kapit niya sa CEO namin talo parin ako, kaya mas gugustuhin ko nalang manahimik kaysa mawalan ng trabaho” malungkot kong saad sa kanya
BINABASA MO ANG
Perfect Decision
RomanceW A R N I N G : Smut 18 will it contain spg scene such as bedscene or s*x scene it's not for kids but if you will read this well I will not force you go ahead and enjoy!!