Chapter 3- 3rd and 4th (Seyong and Kensian)

15 2 0
                                    

Chapter 3


MIO'S POV







Naglalakad ako papuntang di ko alam. Haha. Malay ko ba kung saan ang classroom namin. Aish!!! Hindi na nga ako nakakain eh! Di ko kasi alam kung saan ang cafeteria.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, naramdaman kong bumigat yung bag ko na may parang humihila at biglang may lumagutok.

Paglingon ko, hawak nung lalake yung keychain ko na pusa. Nakangising aso sya.

"Hoy! Bakit mo pinilas yung keychain ko? Magnanakaw ka no?!"-sigaw ko at akmang kukunin sa kanya yung keychain ko. Ako pa ninakawan mo ha! Miski piso hindi ko sinasanto! Grrr!

"Eh ano? Akin na tong keychain mo! Ayos ba yun sayo mingming?"-mapang-asar nyang sabi sabay belat. Anu daw mingming? Ano ko? Pusa?

"Sabi nang akin na eh! Gusto mong mabigwasan?"-sigaw ko. Tumawa lang sya.

"Abutin mo~ Abutin mo mingming pandak~"-sabi niya pa habang tinataas lalo yung kamay niya para hindi ko maabot yung keychain. Mingming na nga pandak pa!

"Wag mong sabihing matangkad ka. Baka bigwasan kita ng di oras dyan!!!"-sigaw ko ulit. Akmang sisikmuraan ko na sana siya ng biglang...

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!! GIRLS!!!! SI PRINCE SEYONG!!!!"-sigaw ng isang babae. Ouch lang ate ha! Tanong ko lang. Ano almusal mo kanina? Megaphone? Anong desert? Speaker? Aish! Inam yung boses eh!

"Oh shoot! There they goes again."-sabi nung lalakeng kumuha ng keychain ko sabay hawak sa kamay ko at hila sakin.

"Hoy! Bitawan mo nga ko!"-sigaw ko sa kanya.

"Sige. Gusto mo bitawan kita ngayon na? Ewan ko lang kung di ka dumugin lalo na't nakita ka nilang kausap ko."-banta niya. Napahigpit naman lalo yung hawak ko sa kamay niya dahilan para ngumisi siya. Manyak ata tong isang to eh! Aish! Tiis tiis Mio! Kesa naman maabutan ka ng mga babaeng yun. Mga kala mong possess na ewan. Para silang mga zombies na takaw na takaw kunin ang mga utak namin. >_________< (Hoy Mio! Wag assumera! Wala ka kayang utak! XD)

"Oh sh*t! We're corner now."-sambit niya. Pero biglang may humila samin sa isang maliit na eskinita.

"Ssshhhh."-sabi nung humila samin habang pinagmamasdan namin yung mga babaeng parang tangang naghahanap samin. Pero mga ilang minuto pa ay umalis na rin sila agad. Ano bang meron? Bakit kala mo mga sinabihan ang mga yun? :/

"Thank you miss sa pagtulong ah?"-sabi ko dun sa nagligtas samin.

"What? Me? Miss?"-medyo irita nyang tanong. "As usual."-dagdag niya pa sabay roll eyes. Bigla namang tumawa ng malakas yung lalakeng nandekwat ng keychain ko.

"Tinatawa mo? Bigwasan kita dyan eh!"-sigaw ko ulit sa kanya.

"Ang bobo mo kasi eh! Wahahahaha."-pagtawa niya pa rin. Nasabihan pa nga ko ng bobo -.- Talino mo ah?

"At bakit?"-pagalit kong tanong.

"Shunga ka! Lalake yan!"-sabi niya at tinuro nya yung nagligtas samin sabay walang humpay sa kakatawa.

"I'm not a lady! I'm a man!"-inis na sabi sakin nung lalakeng sinabihan ko ng 'miss'.

"Weh? Niloloko niyo ba ko? Ang ganda mo kaya. Ang tangkad mo. Pwede kang pangmodel. Sakto flat chested ka. Hahahaha---"-napatigil ako sa kakatawa nung marealize kong lalake nga talaga sya dahil hindi sya flat chested, wala talaga syang boobs!!!! Arrrghhhhh!!! Why so stupid Mio!? Lalo lang tuloy nag-upgrade yung level ng pagtawa netong lalakeng dumekwat ng keychain ko.

"Stop laughing Seyong!!!"-sabi niya sabay sama ng tingin dun kay Seyong which is yung lalakeng dumekwat ng keychain ko.

"Sorry!!! Sorry talaga. >.<"-sabi ko. Nakakainis!!!

When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon