Chapter 6- Flashback

6 1 0
                                    

Chapter 6








MIO'S POV



Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay hinuhubad ko na yung sapatos at uniform ko sabay tapon kung saan. Gawain ng mabait na estudyante. XD Mamaya ko na lang liligpitin yan. Tinatamad pa ako eh. Magflashback muna tayo nung nasa Mystic Garden ako bago ko nakasalubong sina Ross at yung Roku na member pala ng HG (HanGen).

*FLASHBACK*

Pagpasok ko ng creepy forest para itapon yung supot, hindi ko talaga matiis na hindi dumiretso ng Mystic Garden. Namiss ko kasi bigla si Ranmaru myloves ih! X)

-Mystic Garden-


"Shoo! Shoo!"-pagtaboy ko dun sa mga siberian. Huhuhu. Nung monday naman wala tong mga to ah? >.< Kala ko tuloy feel free na ko pumasok dito. T3T

"ARF! ARF! GRRRRRRRRR!!!"

MAMA!! HELP! T^T

"Hey! What are you doing here?"-halos gulantang yung tono ng boses niya. Pagtingin ko, si Seyong pala.

"Bago mo ko tanungin paalisin mo muna tong mga to! >___<"-takot kong sigaw.

"Hey guys! Come here."-sabi ni Seyong tapos pinunta nya yung mga aso sa may gilid. "Stay there ok?"-tapos biglang pumirmi na yung mga aso.

"Hoy pusa ayos ka lang?"-tanong nya.

"Sa tingin mo? Muntik na kong lapain ng mga malalaking aso ayos lang? Tss."-inis kong sagot.

"Sorry naman ha? Teka nga lang! Pano ka nga pala nakapasok dito?"-gulat at naguguluhan na naman yung ekspresyon ng mukha nya.

"Pano ako nakapasok dito? Baka may pinto?"-sarcastic kong sabi.

"Gusto mong batok? Pano nga?!"-bulyaw nya na naman. Pikunin alert na naman po sya.

"Teka, napano yang braso mo? Halika nga sa loob"-sabi nya sabay hila sakin papasok.

====

"Lika gamutin natin yang sugat mo."-sabi nya sabay hila sakin papasok sa loob nung mansyon. Weh? Nung monday hanggang bintana lang ako eh.

"T-teka, diba bawal magpapasok dito?"-tanong ko. Bigla ko lang naalala.

"Oo nga! Pero nakapasok ka na naman eh. Ano pa bang magagawa ko? Don't worry wala pa naman sila eh. At tsaka kung iniisip mo na paparusahan ka kapag nalaman na pumasok ka dito, wag ka mag-alala. Ako magsasalo ng parusa mo. Ako nagpapasok sayo eh."-sabi nya. Weh? Asa? Baka ilaglag lang ako neto eh. Eh bwisit na bwisit sakin yan sa pagkakaalam ko. Mmp!

=====


WOW!!! AS IN WOW NA WOW! Ang ganda pala talaga nitong loob ng mansyon. *O* Sobrang nakakaamaze talaga!

"Ay Seyong *nom nom* ano yun?"-tanong ko kay Seyong habang kinakain ko yung cupcake na bigay nya. Binake daw to ni Shin. Si boy blonde na 3in1 ang kapansanan.

"Ah yun ba? Tara."-aya niya. Nga pala, rest house lang pala nila tong mansyon na to. Shala naman pala!

Pinuntahan namin yung mga pictures ng HG na magkakasama na nakadisplay sa pader malapit sa kusina.

"Hahahaha. Ikaw ba to? XD"-pagturo ko sa isang picture.

"Hindi. Ikaw. -___-"-sarcastic nyang sabi. Gumagana na naman pagiging pikunin niya.

"Mukha kang kachupoy! Yung buhok mo parang gupit na hindi natapos. Wahahahahaha."-pagtawa ko. Inirapan niya lang ako. Pero infairness ang cute nya ah. Mga 5 or 6 years old lang siguro sya nito. Ang cucute nila. Grabe! May mga pictures dito nung mga bata pa sila hanggang ngayon na gurang na sila. XD Infairness, ang sweet ng mga picture nila kasi simula talaga pagkabata magkakatropa na yung iba sa kanila. Ang cute lang. Lalo na yung isang baby na nasa gitna yung picture. Sino kaya sya? Parang nagulat lang yung mukha nya sa picture pero cute pa din. ^.^ (A/n: Pictures ng HG nung mga bata pa sila. Ang cucuteeeeeee. ^.^ -------->)

When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon