Chapter 8- The Big Party

8 1 0
                                    

Chapter 8






MIO'S POV



Saturday na. 6pm. Nandito ako ngayon sa bahay nila Ross. Busy sila ngayon ni Yanna magready para mamaya sa party.

"Ross, anong oras kayo aalis?"-tanong ko.

"8 ang start ng party eh. Siguro mga 7:30 para hindi na kami masyadong mag-antay dun."-sagot ni Ross habang nagkukulot ng buhok.

"Ah okie. Oy uwian niyo ko ah? XD"-biro ko.

"Eh kung sumama ka na kaya?"-sabi ni Yanna habang naglalagay ng pintura sa mukha. XD Dejoke. Foundation ata yun? Basta yun! XD

"Mio tingnan mo tong cocktail dress ko. Ang ganda diba? Black and white."-tuwang sabi ni Ross sabay pakita sakin nung dress niya.

"Oo ang ganda. Ang ganda para sa burol. -_- Black and white ka pa walang kasigla-sigla."-komento ko.

"Mmp! Epal! Ang ganda kaya."-giit ni Ross. Inirapan ko na lang.

"Anong oras nga pala kayo uuwi?"-pagchange topic ko.

"Mmmhh ewan. Hanggang sa magsawa sa party. XD"-sagot ni Ross.

"Naku Yanna sinasabi ko sayo. Kaya ayokong sumama dyan kay Ross eh. Hanggat enjoy yan sa party di ka nyan papauwiin."-pagbabala ko kay Yanna. Tumawa lang naman si Yanna.

"Ayos lang. :)"-sagot ni Yanna.


====



Nung mga 7:15 na lumabas na kami sa bahay nila Ross. Sila Ross para pumunta sa party at ako naman para umuwi na.

"Enjoy."-sabi ko.

"Kahit di mo sabihin mag-eenjoy talaga ako."-sabi ni Ross sabay belat sakin.

"Makabelat ka ah. Hilahin ko yang dila mo eh."-sabi ko sabay amba kay Ross. Natawa naman sila.

"Sige Mio, ingat sa pag-uwi."-sabi ni Yanna sabay kaway sakin. Buti pa si Yanna, mahinhin at mabait eh si Ross kabaligtaran eh! Malasin sana sya sa party. Wahaha. Ang sama ko. XD

"Wag shunga sa daan. Ingat sila sayo. XD"-sabi ni Ross sabay sakay na nila sa taxi. Nagbabye na ko sa kanila at hinintay na makaalis yung taxi saka ako nag-umpisang maglakad na pauwi. Lakad mode tuloy ako mag-isa. T.T Ang layo pa naman ng lalakarin ko simula dito sa bahay nila Ross hanggang sa sakayan ng bus. Huhu.

====


ROSS' POV


"Excited na ko Yanna."-naeexcite na sabi ko kay Yanna.

"Hehe. Oo nga eh."-sagot nya. Napansin ko naman na para syang kinakabahan na ewan.

"Uy Yanna ayos ka lang?"-tanong ko. Nagnod naman sya. Hinawakan ko yung kamay nya.

"Ang lamig ng kamay mo."-sabi ko.

"Hehe. Medyo kabado eh. ^.^"-sagot nya.

"Aish. Kaya mo yan. Sasabihin mo lang naman lahat at hihingi ka lang naman ng tawad kay Zin eh."-sabi ko kay Yanna. Nagnod naman sya.

"Ayan na."-excited kong sabi at dali dali kong hinila palabas ng taxi si Yanna.

"Uy Yanna wag kang kabahan ah? Kaya mo yan! Cheer up!"-pagpapalakas ko ng loob ni Yanna.

"Cheer up! Aja!"-sagot nya.


====


Pagpasok namin...

Ang tugtog ay yung You and Me ng Lifehouse. Wews! JS Prom ba to? Lakas maka-love song. Haha.

*O*

When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon