Chapter 2- 1st and 2nd (Ranmaru and Shin)

16 2 0
                                    

Chapter 2


MIO'S POV



Nakatitig lang sya sakin...

Patay! Nahuli na ko!

Hindi ko gaanong naaaninag yung mukha niya dahil may manipis na kurtina ang nakaharang. Kurtina sya na design sa kama. Yun bang sa mga mayayaman na may kurtina pa yung kama nila? Basta ganun.

Nakatitig lang sya pero hindi sya kumukurap. Hanggang sa parang may hanging humipan sa mata niya at mukhang nagising sya.

Putek! Tulala lang pala! Kala ko naman! Aish! Kaya naman mabilis akong umupo para magtago. Hawak ko pa rin yung kuneho. At dahil sa pinanganak akong chismosa ng nanay ko, sumilip ako ng bahagya dito sa may bintana. In fairness tong bintana, ang laki masyado. Kasyang kasya nga ko eh kahit magsama pa ko ng buong tropapips ko dito. XD

Nakita ko yung lalake na biglang tumayo nung magising sya sa pagkatulala. Tinungo nya ang isang piano. Pinagmasdan at hinawakan nya ito na para bang may inaalala. Maya-maya pa ay umupo na sya sa tapat ng piano at inilapat ang mga kamay niya at saka tumugtog.

Ang sarap pakinggan nung tinutugtog nya. Isang malungkot pero masarap pakinggan ang tinutugtog niya. (A/n: River flows in you by Yiruma yung tinutugtog nung lalake. Try nyo isearch. Maganda yun. Promise!)

Nagulat na lang ako nung biglang gumawa ng ingay itong kuneho dahilan para mapatigil sa pagtugtog yung lalake.

Naku naman oh!

Napatago tuloy ako ulit.

Unti-unti ko nang naririnig yung bawat marahang yabag nung lalake palapit sa direksyon ko.

"Who's there?"-rinig kong tanong nya. Sheettttt!!! Ampogi nung boses! Hoy Mio! Magtigil ka! Wag maharot! Wag kang mainlove sa boses! Baka mamaya mukhang kokey yan! Baka maging reyna pa ko ng kokey planet. Haha. Kurikurikuk. Haha XD (Wow! Assumera much Mio? Baka pati si Kokey hindi ka patulan eh! XD)

Biglang tumalon yung kuneho papasok sa bintana. Narinig ko pa yung gulat na reaksyon nung lalake.

"Tss. Kuneho lang pala."-sambit nya.

"Hey! Where's your blood come from?"-rinig kong tanong nung lalake sa kuneho. As if sagutin ka nyan? Tsaka 'where's your blood come from' daw? Malamang sa katawan nya galing yung dugo niya. Enebeyen! Isip isip koya! Mmp!

Teka, sakin yata galing yung dugo? Luh? Natuluan ko yata yung kuneho? Naman kasi! Parang nagmemenstruation yung braso ko! Overflowing yung dugo! >.<

Sumilip ulit ako ng konti. Nakatalikod na sya habang buhat nya yung kuneho.

"I remember her to you."-kasabay ng sinabi nyang yun ang pagharap nya sa direksyon ko at ang pagngiti niya.

*dugdugdugdugdug*

Luh? Nagpapalpitate ng mabilis yung puso ko! Anyare? Nakakita lang ng gwapo naabnormal na yung pagtibok? Haishhhhhhh!!! >.<

"Let's go! Let's heal your injury."-sabi nya sa kuneho at tumungo sila sa pintuan nitong malaking kwarto.


====

Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalabas sa mansyon na yun at sa creepy forest. Basta ang alam ko, hindi ako makaget-over sa ngiti ng lalakeng yun! Shomay lang! True love na ba ituuuu? Hahaha. Pero wala pa ring forever -.- XD

Ano nga ulit pangalan ng magandang lugar na yun? Mystic Garden? Ang astig lang kasi parang sikretong lugar yung Mystic Garden kasi dadaan ka muna sa nakakatakot na gubat at pag nakita mo yung malaking pinto na nakakatakot ay mapapadalawang isip ka kung papasok ka ba o hindi. Pero kung hindi ka papasok, hindi mo malalaman na may isang napakagandang lugar ang nakatago sa likod ng nakakatakot na pintuang yun. Feeling ko, may nagmamay-ari nung MG (Mystic Garden) eh. Feeling ko, hindi yung school yung nagmamay-ari. Kasi kung ang Ashford ang nagmamay-ari, edi sana open to all students yung MG. Pero parang sikretong lugar kasi yung MG. Haish! Bakit ko ba pinoproblema yun? Basta ako, wala akong pake kung sikretong lugar yung MG. Hanggat alam ko ang papunta dun, walang makakapigil sakin na puntahan yung lalakeng yun! Wahahahaha! Ako ang pabebe girl! At walang makakapigil sakin!!! Wahahahaha XD I love that line of pabebe warriors XD

=====

Kakalabas ko lang ng creepy forest...

"ARAY HA!!!!"-sigaw ko. Sanggiin daw ba yung sugat kong overflowing yung dugo? Tiningnan lang ako nung lalakeng matangkad na nakashade at nakakasilaw ang pagkablonde ng buhok! Nakashade pa nga! Umagang umaga eh! Siguro duling to o kaya naman banlag!

Pagtapos nya kong tingnan ay binirahan niya ng alis. Aba namang!

"USO MAGSORRY!!!"-sigaw ko. Nyetang yun! Parang walang narinig. Walangya! Aish! Bulag na nga bingi pa! Siguro pipi din yun kaya hindi makapagsorry. Aish! Kawawa naman. 3in1 ang kapansanan. Mmp! Maigi nga sa kanya kung ganon! Wag nyang sabihing malaki sya! Naku!

===

"Sayang! Kakarating lang daw ni Prince Shin eh. Di natin naabutan. Amp! Di ko tuloy nakita yung new blonde hair niya."-rinig kong sabi ng isang babae. Teka, blonde? Hindi kaya ayun si 3in1 ang kapansanan? Shin pala pangalan nung ungas na yun.

"Yeah right! Sayang naman ang pagpasok ko ng maaga kung hindi ko man lang makikita si Prince Ranmaru. Amp. Ang gwapo gwapo nya pa naman. Silent type tapos ang galing galing pang magpiano. Ahihihi."-sabi pa ng isang babae. Isang grupo pala sila dun ng nagkukumpulang babae. Teka, anu daw? Magaling magpiano? Yun yata yung nasa MG eh? So Ranmaru pala pangalan ni myloves XD ayuyuy! Hahaha. Teka bakit ba Prince ang tawag nila sa mga yun?

"Mmp! If they trying to escape from us then its better kung tayo ang maghahanap sa kanila. For sure na nasa Mystic Garden lang naman nagtatago ang mga yun!"-sabi pa ng isang babae. Parang desperada yung tono niya.

"Pero mas excited ako kapag nakita ko na sila ng kumpleto! Kyaaahhh!"-tapos nagtilian sila. Ang sakit sa tenga! Kala mong mga sisiw na nirerape eh! -.- Tss.

"Makukumpleto lang sila pag dumating na yung leader. For now, habang hindi pa nadating si Prince Takumi, ay hindi muna gagala ang HG sa school."-sabi ng isang babae. Hanudaw? PG? As in Patay Gutom? (Boplaks ka Ayu! HG yun! HG! As in Handsome Generation! Yung sikat na grupo dito sa Ashford.) Ah ok!

"Hey! You! Are you eavesdropping us?!!"-sigaw ng isang babae sakin.

O.o

"Ako? Hindi kaya! Hindi ko naman narinig yung pinag uusapan niyo tungkol sa HG eh! Yung makukumpleto na sila pag dating ng leader? Hindi! Hindi ko narinig yun! Promise! Hehe."-sabi ko sabay takbo paalis. Pero teka, kala ko ba hinuhuli kapag nakakalat ang mga estudyante tuwing school hour? Anyare?

Haish!!!! Makapunta na nga lang ng canteen este sa cafeteria. Naks! XD Cafeteria na. Hahahaha. Natural private na eh. Hohoho. Saan ba ang caf dito? Ang laki laki naman kasi netong school na to eh! Bwisit!

==============

A/n: Picture ni Ranmaru at Shin----->

Got7's Mark Tuan as Ranmaru Kang

Got7's Kim Yugyeom as Shin Tiu



Vote! ^^

When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon