Chapter One. KK

18 0 0
                                    

CHAPTER 1.

It's 1 am in the morning, I think? Di ko alam eh, nahihilo na kasi ako at lumalabo na rin paningin ko sa paligid. Shet lang, nandidiri ako sa katawan ko. Yung make up ko, hulas na hulas na. Sure ako yung mascara at eyeliner ko, smudged at runny na.

Yung kaninang ang hot kong pumunta kasama sila Jessica, Kate at Ria sa bar. Ngayon, wasted na wasted na. Daig ko pa tumira ng shabu. Well, weed's not shabu right? Hehe, sarreh.

"Ilan na ba nainom ko, Jess?" Tanong ko kay Jessica na busy sa pakikipag landian sa kakakilala niya lang lalaki dito sa club.

"Sa dami, I lost count already. Bitch, ala una palang at lasing na lasing ka na? Why are you doing this?" Sagot niya saken, yung tingin niya parang naawa na nauumay saken.


Kasalanan mo to eh.

Fuckshit lang.


"Pwede ba, uwi niyo na ko?" Paki usap ko sa kanila. Kahit alam kong ang stupid ng tanong ko na yun. Nagbabaka sakali lang, hilong hilo na kasi ako.


Kala ko pa naman makakatulong paglalasing sa pagpapawala ng nararamdaman ko gaya ng napapanuod ko sa TV. Pero kalokohan lang yun, di ka pala makakalimot. Mas maalala mo pala, yung sakit mas maalala mong mabuti. Thanks, Vodka.


Gusto kong umiyak, actually medyo naluluha na ako.


"Be, ang aga pa. Sayang bayad naten kung aalis na tayo." Bulong sakin ni Ria.

"Why don't you call Kiel na lang to pick her up?" I heard na sinuggest ni Kate kay Jessica.

"Oo nga noh, tawagan ko si Kiel para sunduin ka." Shet? No! As she dials her phone, my heart raced like crazy. Nagpapalpitate ba ako dahil sa dami ng ininom ko or dahil malalaman ni Ezekiel?


Tangina naman. Ininom ko yung natitirang laman ng bote ng Absolut. At iyon, after a moment. I knocked out.

Naramdaman ko na lang na may umaalalay sakin pasakay ng kotse. Hilong hilo na ko, pero sa amoy palang... alam kong si Kiel na yun.


"Kiel, ingat sa pag drive ha!" Paalala ni Kate.

"Di naman ako yung uminom, kayo mag-ingat!" Sabi ni Kiel sakanila.

"Teka, teka. San mo uuwi yan? Sa magulang niya? E alam nasa sleep over yan para sa project!" Pahabol ni Jessica kay Kiel.

"Weh?! 'Tong mga babaeng 'to, B.I talaga kayo dito kay Kaeli eh!"

"Gago. Hindi ah. Iuwi mo muna sayo! Wag mong gagalawin yan, tangina mo. Lagot ka samin."

"As if?" Sagot niya.

Tangina mo. Narinig ko yon ha? Kung di lang ako nanghihina sinapak ko na sa batok to.


"Sige na, bye na. Pumasok na kayo sa loob. At malamig, tingnan niyo mga suot niyo oh. Parang tiraso ng tela. Kainis. Feeling magaganda." Kahit kelan talaga tong si Kiel, basta pag dating saming magbabarkadang babae ang harsh magsalita.

"Pakyu! Umalis ka na nga. Ingatan mo si Kaeli ah. Babye!" Sabi ni Jessica, at yun umalis na kami ni Kiel.


Ako, di na ko nagsalita at nakatulog na.


-

Liefdesverdriet.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon