Part 2: Chapter 7

7 0 0
                                    

Part 2

"Hello?" I said as I picked up the call from my phone. "Yes, yes. Patapos na rin ako. What time will you pick me up ba?" Naghahanap ako ng mangunguya dito sa cabinet ko. Napakamot na lang ako ng ulo ng wala na kong makitang stock sa cabinet of foods ko. Hays, mga kasamahan ko talaga akala ata nagtayo ako dito ng grocery store eh. Buti sana kung may bayad! Edi extra kita ako ditto sa office.

"Oh? Malapit ka na ba?" I asked then I saw him walking papuntang booth, may dala dalang starbies! Just in time. Yung ngiti ko halos abot tenga, ang cute niya kasi. Alam niya kung anong gusto ko. Hindi ko na kailangan sabihin. He was smiling at me din, nung nakalapit na siya. He gave me a quick hug. Then gave me my coffee, pero nagdala din siya ng coffee sa mga tao dito sa booth.

"Oh, thank you... Sir R.A. Nag-abala ka pa, pero paborito ko to eh." Sabi ni Gabi, co-DJ ko.

"You're welcome, Ms. Gabi." R.A smiled and then gave the other coffees to Ms. Krizmoza and kay Papa Bear.

Everytime na pupunta dito si R.A sa office namin, laging di lang ako ang daldalhan niya ng pagkain. Pati na rin yung mga katrabaho ko, kasi naman nakakahiya nga naman na ako lang bibigyan niya. Kahit kami na parang nililigawan niya pa rin ako eh.

Pumasok muna kami sa on-air booth para mas malamig. He sat by my side dun sa may couch na nasa loob nung booth. I still have 15 minutes to air my last adlib na lang naman eh.

"Babe, happy monthsary!" I said then smiled at him.

"Happy Monthsary and I love you!" He kissed my forehead and we hugged a little. Saglit lang yun, kasi ayoko naman ng PDA sa office no. Ang unetiquette nun, plus may mga interns pa kami sa labas. Di pwedeng PDA. Nakakahiya.

"Wala ka na bang work, babe?" I asked while sipping my coffee.

"I cleared my evening for you." Sabi niya.

Isa na ata sa pinaka masipag na taong tong si R.A, kakagraduate niya lang ngayong taon na to pero agad agad nagtrabaho na siya. Mahirap kasing maging taga pagtaguyod ng business ng pamilya.

Hindi naman siya yung panganay sa magkakapatid, in fact siya yung bunso pero dahil siya ang bunso mas pressured siyang pagbutihin ang kanyang trabaho sa company dahil kung tutuusin, ang lalayo na ng narating ng ate at kuya niya sa company nila.

"Baka mapagalitan ka niyan ah?" Tanong ko sakanya. Umiling siya.

"You know naman na pagdating sayo, I'll do the best that I can."

"HAHAHA. Enebeh, kinikilig ako sayo putek." I smiled, tapos natawa ang pabebe ko kasi. "teka anong oras na ba?"

Tiningnan ko yung clock, hala mageere na pala kami ni Gabi.

"GABIIII! 2 minutes to air! HAHAHA" I called Gabi na busy sa pakikipag chikahan kay Ms. Krizmoza.

"Ay, 2 minutes na lang pala. Sige Ms. K. Later na lang hahaha" Then pumasok na si Gabi at nagready na kami for broadcast.

-

After our broadcast... lumabas na kami nila R.A para magpack ng gamit ko

"HAPPY MONTHSARY PO MA'AM ELA KWATSA AT SIR R.A" Bati ng mga interns namin nung, lumabas kami ng booth. Pakana na naman to ni Gabi.

"Thank you guys, ingat kayo sa pag-uwi ha." Sabi ko tapos nagpaalam na kami ni R.A at lumarga na.

"Teka babe ah, tawagan ko lang si Sab." I called Sab. "O kamusta?"

"Buhay pa ate. Haha, madali lang naman to at nageenjoy ako." Sagot niya.

"Okay, ingatan mo si Kaitlyn. Sasapakin kita." Sabi ko tapos binaba ko na yung tawag. Pero kampante naman ako na iingatan ni Sab si Kaitlyn.

"I know, you're worried 'bout Kaitlyn kaya hindi naman tayo magtatagal eh." He said. I smiled, then he drove na papuntang dinner.

We had our dinner sa isang cute na restaurant sa may BGC. Cute kasi, ganun ako magexplain kapag gusto ko yung place. Ang sarap pa ng pagkain, mukhang lalaki na naman ang tiyan ko. Hirap hirap mag-papayat lalo pa't may tahi ka eh.

"Buti na lang may dala kang starbies kanina, gutom na talaga ako kanina eh. Ay hindi pala, nabobored na ko at gusto kong may ngatain. Haha, ikaw ah. May spider sense ka talaga pag dating sakin."

"Syempre, alam ko naming ginagawa mong tubig yung Starbucks babe eh." Sagot niya.

"Tubig talaga? OA na! Nakakahiha baliw." Sabi ko.

"Oo na, nga pala. I'm planning to have a vacation at the end of the month. Okay lang ba sayo? Pag weekend naman wala kang trabaho eh." Sabi niya.

"Hmm... paano si Kaitlyn?" I asked, hesitant kung papayag ba ako sa vacation.

"Nga pala, nakakahiya naman kung paalaga na naman natin kay Sab si Kaitlyn. Nevermind, marami pa naman tayong pwedeng vacation."

"Hope you understand babe na, it's not that simple to have a child."

I held onto his hand at hinigpitan ko yung hawak while smiling at him.

Then we continued eating our very delicious meal ng may biglang nahagip yung mata ko.

OMG.

OMG.

Is that... Klynt?

Napatingin din siya sakin, papasok kasi siya ng restaurant kasama ang isang babaeng malamang sa hindi, girlfriend niya.

"Ate!" He called, then naglakad papunta sakin.

"Klynt." I stood up and gave him a quick warm hug. "Nga pala, Klynt, this is my boyfriend... Raphael, Raphael this is Klynt." I added.

They shook hand tapos nagbatian.

"Omg, ate. Almost di na kita makilala! Sumexy ka na!" Sabi niya, natatawa pa.

"Baliw. Sexy naman talaga ako dati pa. Anyways, girlfriend mo?" I asked.

"Yes, Ashley this is Ate Kaeli nga pala. Ate Kaeli, this is Ashley my fiancée." I was surprised. 20 palang si Klynt, tapos fiancée na?

"Eh??"

"Haha, de ate. Girlfriend palang talaga." Palabiro talaga tong si Klynt eh. Nako, umasa naman tong babae na sila na talaga ang ikakasal at may forever na sila. Talaga tong batang to.

"Joker ka eh noh, anyways. It's so good to see you again my little brother. Na hindi na so little kasi ang laki nan g katawan mo!" I joked.

"Gym lang yan. Haha. Yes, me too. Isang karangalan ang makita ang ate ko na isang sikat na sikat na DJ na. Pa autograph ah. Hahaha."

"Bolero ka pa rin, Klynt ha!"

"Sige, ate. See you around!" Nagbeso siya saken tapos pumunta na sila sa reservation seat niya.

"Kapatid ni Kiel right?" R.A asked.

"Yup. Kamukha eh noh?"

"Mas matangkad at mas good looking lang."

"I so know right."

After our dinner, tumuloy na kami sa bahay para kunin na si Kaitlyn.

"Baby! Mommy's here!" I called as soon as makarating ako ng bahay nila Mama.

"Ate, tulog na si Kaitlyn." Sabi ni Sabrina.

"Phew. Sayang, galing naman ng bebe ko napatulog si Kaitlyn! Oh, eto na babysitting fee." I gave her a thousand peso para lang sa ilang oras na pagbababy sit. Tuwang tuwa naman ang gaga, kinuha ko na si Kaitlyn pati mga gamit niya tapos umuwi na kami ni R.A sa condo.

"Hay, salamat nasa bahay na din." I laid Kaitlyn down sa crib niya tapos nagtanggal ng damit.

"Yah, talagang ditto ka magbibihis?" R.A asked.

"Ayaw mo ata. Sayang naman monthsary..." I said, pabebe pa.

Pumunta siya papunta sakin tapos niyakap ako patalikod.

"How could I not? It's just that, andito si Kaitlyn. Baka magising?" I laughed a little sa sinabi niya.\

"Shower?" I asked, playfully.

"Shower." He said then we made our way to the bathroom.

-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liefdesverdriet.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon