Chapter 5

7 0 0
                                    

Papunta ako ng Engineering Building para sa klase ko ngayong 1:30, maaga aga pa naman ako pero I'll go inside our classroom anyway.

One o' clock na naman kaya siguro may tao na sa classroom nun, and as expected meron nga. Naroon na yung mga tiga 2F dati, na hindi ko naging kaklase throughout college, ngayon lang.

Then dun sa may upuan namin nila Ria, may mga nakasit in na lower year samen kasi naka PE pa.

Di ko na lang sila pinansin muna at umupo sa likod ng row namin. Nagcellphone muna ako at nagtwitter, buti na lang may mobile net ako ngayon.

I saw tweets from Jessica again.

Bakit hindi ko pa kasi to iblock? Tutal, nakakaimbyerna naman siya.

Alam kong gusto mo siya. Kaya ako nasasaktan.

Anong kinaganda mo? E ang taba taba mo naman.

What? How sure is she na gusto ko si Kiel?

Pero on second thought, may tama naman siya. Pero still, imbyerna talaga. Ang lakas niya magalit, e hindi naman siya ang nauna kay Kiel!

Nairita ako lalo dun sa isang tweet, lagi na lang ba talagang lalaitin itsura ko? Porke ba mataba ako e hindi na ko pwede magkagusto sa taong napaka gwapo kagaya ni Kiel?

Okay ang OA ko naman sa napaka gwapo pero still gwapo talaga siya at hot ang katawan at mabango at matalino at...

Tangina nakakainsulto talaga tong si Jessica! Nasira tong araw ko, kabwiset.

Mag 1:25 na nung dumating iba kong seatmates, di pa ren umaalis yung mga nakaupo sa upuan namen. Nakakaimbyerna ah, mga di makaramdam to ah.

So tinapik ko yung balikat nung lalaking nakaupo sa upuan ko.

"Ah, bakit po?" Sabi niya pagkalingon niya saken.

"Excuse me? May klase ba kayo dito? Diba wala naman. Kasi may mga nakaupo diyan oh, klase kasi namin." Sabi ko habang nakacross arms at nakasarcastic smile.

"Ah sorry po... tara na huy!" Tawag niya sa barkada niya. He looked at me again nung papalabas na siya, ako naman naka poker face lang.

"Whooooo, taray ni Kaeli." Sabi nung mga kaklase ko. E kasi naman walang nagiinitiate. Sinabayan pa ko ng inis ko kay Jessica, wag nila akong maano diyan. Mga lower year naman sila.

-

Pagkatapos ng klase, wala pa ko sa mood umuwi. Kasi naman, isa't kalahating oras lang klase ko ngayon. Sayang ang gayak at make up kung di naman ako aalis. Tutal, wala rin naman ako sa mood. Might as well treat myself to starbies.

Di ko kaklase ngayon si Kiel eh, kaya wala akong taga libre at hatid sa SM. Sayang!

Umorder ako sa Starbucks ng Venti Iced Caramel Macchiato tapos isang banoffee pie.

Naupo lang ako dun, nagsoundtrip ng koreanovela OST while reading a book called, The Catastrophic History Of You And Me.

Somehow, yung title nangungusap saken. Although di ako relate sa story, kasi di pa ko patay. Relate naman ko sa hugot nung author sa mga lintanya niya. Umpisa palang ng Chapter 1, tamang tama na ako at gusto kong i-highlight.

Ang sabi dun, "There's always that one guy who gets a hold on you."

Hmmm... ang ganda talaga kaya somehow, nawawala inis ko sa life ng dahil sa pagbabasa.

Sa sobrang engaged ko dito sa binabasa ko, di ko namalayang sinisipsip ko ung kape ko na wala na palang laman. Tunaw na yelo na lang pala iniinom ko. Ugh, I need more coffee cause coffee is bae. So I just continued reading at inunti unti yung kinain ko.

Liefdesverdriet.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon