Chapter 2

159 15 1
                                    

Sandigan

"Zephyr, pinapatawag ka raw ni Prof. Vera sa faculty office."

Nilingon ko ang nakatayong si Sylvanne sa likod ko. She is our Class President.

"For what?" tanong ko.

She just shrugged.

"Wala siyang sinabi. Just go when you're done fixing your stuff." 

Iyon lang at umalis na siya. 

Naisip ko na baka para sa Sandigan na naman. This is what I was talking about. Ngayon pa lang ay pagod na ako. Hindi man lang ako makahindi.

Since hindi naman daw mag-memeet iyong isa naming professor sa next class, I just decided to go. Para naman matapos na.

What date is it now?

It's mid-January pa lang.

I sighed.

I still have like 3 weeks to suffer before Sandigan. As far as I know, sa kalagitnaan pa ng February iyon ginaganap. Kapagod isipin.

I picked my flask up saka sinuot ang backpack kong maliit at naglakad palabas. I took the stairs at bumaba galing sa ikatatlong palapag ng Gender and Society building. We just had our minor class doon. Ewan ko ba at bakit hindi na lang ang professor ang pumunta sa amin, eh ang lapit-lapit lang naman.

Napagdesisyunan kong lumiko muna pakanan para umihi. Kanina pa ako naiihi. Baka ma-stuck pa ako doon kay Prof. Vera kaya uunahin ko na lang muna 'to. 

Pagkapasok ko ay agad kong natanaw ang mga lalaki na nagtutumpukan sa may sink. Hindi ko sila pinansin masyado at pumasok sa isa sa mga cubicle. I emptied my bladder, naglinis, flushed the toilet, saka lumabas agad.

Naroroon pa rin ang mga lalaki kanina. Tatlo sila sa pagkakabilang ko.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Di ko sila tiningnan at umurong agad paharap nang magbigay sila ng kaunting space. Binuksan ko ang faucet saka naghugas ng kamay. 

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at napansin sa gilid kong nakatingin sa akin ang isa. Tiningnan ko naman siya sa repleksyon ng salamin pero inalis ko rin ito agad. Narinig kong may binubulong-bulong siya roon sa mga kasama niya at mahina silang tumawa. Parang nang-aasar.

Problema ng mga 'to?

Nang hindi natuwa, hinarap ko sila.

"Do I know you?" diretsahan kong tanong sa kanila.

Tumigil sila sa pagtatawanan. Humalukipkip naman ang isa sa kanila. Siya ang nasa harap at siya ang medyo mas matangkad sa kanilang tatlo. 

Siya rin ba pinakagago? I can sense it from afar. 

Teka.

He looks familiar. Pati iyong dalawa sa likuran niya. 

"We're Leonne's friends," sagot ng nasa harap sabay ngiti. "I'm Rayleigh."

I knew it. 

Kaya pala amoy asungot dito. Sila iyong kasama ng tarantadong hindi ako tinantanan kahapon sa cafe. 

"Hi! I'm Vaughn." bati ng isa.

"Tan here." pahabol pa ng isa.

I don't even remember asking.

"Wala akong kilalang Leonne." pagbabaliwala ko sa kanila. 

Well, totoo naman. I know nothing about that fucker. Feeling close nga lang iyon.

Natawa na naman sila sa sinabi ko.

"We saw you together sa Berries. Hila-hila mo pa nga siya," natatawang kwento ng Rayleigh na sinang-ayunan naman ng dalawa pang gago sa likod.

Pierce Through Chameleons (Tales Of Green Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon