Let Me Escape
Kung saan kami papunta ngayon, iyan ang hindi ko alam.
Kasalukuyan akong kinakaladkad palabas ng campus habang akbay-akbay ni Vaughn. Ang tatlo naman, nakabuntot sa aming dalawa.
Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam bakit ko hinahayaang kaladkarin ng mga asungot na 'to. We're not even that close.
Tumigil ako sa paglalakad at inalis ang nakaakbay na braso sa akin. Hinarap ko silang apat saka ko tiningnan nang diretso si Leonne.
"Where are you taking me?" I asked calmly.
Nilagay naman nito ang mga daliri sa baba niya na animo'y nag-iisip.
"Food park?" hilaw na sagot nito.
At ano namang gagawin ko roon?
"Wala akong oras sa inyo." sabi ko nang may diin.
"Wala kang oras para sa Sandigan?" balik nitong tanong na ikinalito ko.
"What?"
"We need to build our team dynamics. We can only do that if we know each other. That or we'll lose." pang-uuto nito na inaprubahan naman ng mga alipores niya.
Team dynamics, my ass.
Ginugulo lang nila ang buhay ko.
"Come on, saglit lang naman tayo." dagdag nito na sinabayan pa ng pinagsaklob na palad niya na animo'y nagmamakaawa.
Dog.
Para siyang aso na nagpapacute. Hindi bagay. If I were to rate it, it's gonna be a zero.
"I'm taking my car." sabi ko na siyang ikinangiti ni Leonne, pati na rin ng tatlong mga ungas sa tabi niya.
Aalis na sana ako para kunin ang sasakyan ko nang hatakin na naman akong muli ni Vaughn sa braso. Sumunod na rin iyong tatlo sa likod. Umabot kami sa car park pero nilagpasan lang namin ang kotse kong naka-park sa ilalim ng malaking acacia. Nagpatuloy siya sa paghila sa akin hanggang sa umabot kami sa harap ng isang sasakyan. It's a Suzuki Jimny in ivory white.
Dito ba kami sasakay? Kaso parang hindi kasya ang lima.
"This is Leonne's," ani Vaughn sabay bitaw sa braso ko. "Sa kaniya ka muna sumabay."
Tumango na lang ako. Kapagod nang makipag-argue.
"Kayo?" I asked out of curiosity.
"Sa Sedan na lang kaming tatlo. Rayleigh's." diretsong sagot nito.
For the second time, tinanguan ko lang ito at sinuklian naman niya ng ngiti.
Iniwan niya na ako roon at naglakad patungo sa sasakyan na naka-park sa tabi nito. Sumunod sa kaniya si Rayleigh at Tan habang si Leonne ay nasa likuran ko na pala.
"Get in," nginuso nito ang sasakyan. "Or do you want me to open the door for you?"
Napaismid ako sa pandidiri. Natawa naman siya.
Umikot na siya papuntang driver's seat kaya pumasok na rin ako sa katabing upuan nito. I fastened my seatbelt at inayos ang pagkakaupo. I rolled down the window on my side saka binaling ang tingin sa labas.
"Sungit." rinig kong bulong ng asungot saka mahinang natawa.
Pinaandar na nito ang sasakyan. Silence dominated the space at wala akong balak putulin iyon para lang kausapin siya. Mas mabuti na 'tong tahimik because the moment he speaks, I'll be annoyed na naman.
Limang minuto ang lumipas at naabutan kami ng red light sa intersection. Mula sa peripheral vision ko, kita kong lumingon ito sa direksyon ko. Sumisipol-sipol pa siya para magpapansin.
BINABASA MO ANG
Pierce Through Chameleons (Tales Of Green Series #1)
RomanceCamouflage is best as a weapon. But Zephyr Aki Leraune could always see the darkest seeds through their vibrant cloaks. There's nothing you can hide from him. The status quo punched him. It choked him, put him in blindfolds, and severed his throat...