Chapter 10

91 11 1
                                    

Breathe to Grieve

Halos kalahating minuto ang ginugol ko kanina sa paghahanap kay Prof. Vera pero wala pa rin akong napala. She's just so busy na kahit mga kasama niya sa office ay hindi rin daw alam kung nasaan.

Balak ko sanang sabihin sa kaniya na hindi namin natagpuan ang librong pinapahanap niya. Kaya at the end, I just decided to attend my remaining classes. Kahit naman may memorandum for excuse, sayang naman at baka may matutuhan pa ako. Wala naman na rin akong gagawing iba. 

'Tsaka, hindi naman na raw papasok iyong professor namin sa huling subject kaya napilitan na lang rin talaga akong pumasok. Iyon nga lang, lumulutang pa rin ang isip ko kahit may nagsasalita sa harap. 

What happened earlier, I just couldn't take it off my mind. 

Leonne.

Sigurado naman ako na hindi sila magkahawig ni Kuya Sy. Their personalities are nothing similar, too. Basta bigla ko na lang nakita si Kuya sa kaniya. 

Hindi ko alam. But maybe it's just because of what he said, or the way he said it. He was talking about chameleons so passionately that he reminded me of Kuya.

I hated it. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngayon.

"That's all for today, class. See you when I see you."

Napatingin na lang ako sa professor namin na ngayon ay palabas na ng pinto. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko at naghahandang umalis.

I was so distracted na hindi ko na namalayan ang oras.

"Zephyr."

I looked at Viper who's now walking towards my direction.

"Are you okay?" he asked. "You seem unusually lost."

Tumayo ako mula sa kinauupuan saka mabilis na nag-unat ng katawan. I grabbed my bag and hanged it on my right shoulder.

Tinapik ko ang balikat niya. "I'm good. Thanks."

"Are you sure?" paninigurado nito na siyang tinanguan ko.

"I'm really fine," sagot kong muli. "Oh. Please send me a message if you spot Prof. Vera."

Nakita ko ang kalituhan sa mukha nito pero hindi na siya nagtangkang magtanong ulit. Muli siyang bumalik sa pwesto niya at kinausap si Sylvanne. Since wala na rin namang klase, umalis na agad ako roon.

Puno pa rin ang isip akong naglakad patungo sa carpark ng university. Buti nga at wala masyadong tao dahil alam kong mayroon talaga akong mababangga sa pagiging lutang sa araw na 'to.

I feel quite grateful kasi canceled ang next class. I have the luxury of time to rest.

Ngunit may bumubulong talaga sa akin na huwag muna umuwi. Naiintindihan ko kung bakit. Mas lalo lang akong malulunod sa sariling pag-iisip kung mananatili akong mag-isa sa loob ng isang napakatahimik na bahay.

Pero kung hindi sa bahay, saan naman ako pupunta?

Pagkarating ko sa harap ng sariling sasakyan ay agad na akong pumasok at nag-drive paalis. I just drove straight with no destination in mind and let my playlist at least calm my loud thoughts. But it didn't really work out.

Sa hindi malamang dahilan, paulit-ulit akong ginagambala ng mga salita na nanggagaling kay Leonne. It's echoing inside my head. I need it to stop dahil may kung ano sa dibdib ko na kumikirot and I have zero idea how to make it stop.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na nagmamaneho patungo sa isang pamilyar na daanan. It's nothing close to my crib. But it's a place so familiar.

Hindi ko alam kung ilang araw o ilang linggo ko na itong iniiwasan. It's because I don't think I actually progress here. But I could be wrong, because my feet brought me here.

Pierce Through Chameleons (Tales Of Green Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon