Chapter 13
Parted Ways━━━━━━━━━━
RIGUEL MARV EVANS
KANINA pa kami paikot-ikot dito pero hindi pa rin namin mahanap iyong kasama nila. Nakaabot na kami rito sa mall pero hindi talaga namin matagpuan. Isa lang ang nahanap namin na puwedeng isipin na nasa ligtas ang nawawala nilang kasama.
Nakakita kasi ng isang sticky note ang isa nilang kaibigan. Wala itong sulat pero iyon daw talaga ang paraan ng kaibigan nila para hindi sila mag-alala. Kaya iniisip nila ngayon na nasa maayos naman ang kaibigan nila.
“Bakit hindi natin i-check ang mall?” Sam suggested. Um-agree naman kaming lahat.
Pumasok kaming lahat ng mall at naghiwa-hiwalay para maghanap. Sinigaw-sigaw na rin namin ang pangalan ng kasama nilang nawawala.
“Ellie!” sabay-sabay naming tawag sa kaniya. Hanggang sa naikot na namin ang buong mall, wala talaga. We decided to leave the mall and continue searching outside.
Bago ako tuluyang makalabas ng mall ay may narinig akong ingay. Lumingon ako sa pinanggalingan no’n pero nang wala na akong marinig na kasunod ay pinabayaan ko na lang.
May napansin akong dalawang anino pero hindi ko na in-assume na isa ro’n ang hinahanap namin. Babae’t lalaki kasi ang nakikita kong repleksyon mula ro’n sa loob ng drug store.
They’re doing the thing kaya malakas ang kutob kong hindi siya ang lalaki ro’n dahil base sa description ng mga kaibigan niya ay allergic daw sa babae ’yon.
Pero kahit buo ang loob ko sa paniniwala ay sinabi ko pa rin sa mga kaibigan niya. Um-agree sila sa akin na sure rin daw sila na hindi iyon si Ellie pero para mas makasigurado ay binalikan namin para i-check pero wala na kaming naabutan pagbalik.
Mukhang nakatunog sila na may mga tao kaya’t mabilis nilang tinapos. Ang bilis nakaalis, eh. Hindi na lang namin inisip iyon at umalis na. Saglit pa naming sinigaw ang pangalan ni Ellie pero walang nagpakita kaya lumabas na kami ng mall.
Nagpatuloy kami sa paghahanap kay Ellie pero hindi talaga namin siya natagpuan. Malapit na lumubog ang araw kaya sinabihan ko na silang ituloy na lang bukas ang paghahanap.
Pero imbis na sumama sa amin ay pinili ng tatlo na bumukod na. Alam naman na raw nila ang gagawin pero ibinahagi pa rin namin sa kanila ang mga nalalaman namin.
We parted ways after that.
Nang makabalik na kami sa bahay na pinanatilihan namin ay naabutan namin silang naghihintay doon. Sinalubong kami ni Rae.
“I thought we’re gonna find for a new place? Bakit ngayon lang kayo? Magsisimula na ang gabi.” Bungad niya.
Umiling ako. “Bukas na lang. Delikado na rin kung ngayon pa tayo maghahanap.”
Tumango siya. “What about ’yong kasama nila?”
“We didn’t find him.”
Pinasadahan naman niya ng tingin lahat. “Where are they?”
“Bumukod,” sagot ni Sam.
Tumango na lang si Rae. “Come on, guys. Kanina pa malamig ’yong niluto ni Louisette.”
“Louisette cooked?”
“Yeah!”
Pagkatapos naming maghapunan ay naghanda na rin agad kami para sa paparating na gabi. Kagaya kagabi ay nagsama-sama kami sa loob ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
YIRTELUNA: The Mysteries of Bylea Hill [ Complete ]
FantasyA group of young people decided to go have some fun for their short summer vacation, only to find themselves fighting for their lives against monstrous creatures. How can they think of a way to escape the place if that is not all they have to think...