17: First and Second Step, Completed!

51 4 0
                                    

Chapter 17
First and Second Step, Completed!

━━━━━━━━━━

SELENE DESIRAE SOLERIO

NAGHAHANDA na kami para sa paparating na gabi. Nakalipat na rin kami ng pananatilihan ngayong gabi. Masiyadong maliit para sa amin ’yong bahay na inalisan namin.

Medyo malaki naman ang nilipatan namin ngayon, kasya rin sa amin. Hindi naman na kami ganoon karami.

Pinagmamasdan ko lang ang itsura ng bahay habang salita nang salita itong nasa harapan ko tapos hawak-hawak pa niya ang kamay ko.

“Rae, please hear me out.”

“Ano pa bang dapat kong pakinggan, Cairo? Nakita ko na, eh. Malinaw na malinaw pa nga. Ano pa bang dapat kong marinig? Your reasons to justify your mistake?!”

Agad kong pinakalma ang sarili ko nang mapagtaasan ko siya ng boses. Dahil sa pag-aalala na marinig kami ng mga kasama namin na nasa loob ay hinila ko si Cairo patungo sa gilid ng katabing bahay ng pananatilihan namin ngayong gabi.

“I’m sorry, Rae. I’m so sorry.”

Nagsimulang umikot sa loob ko ang mga halo-halong emosyon na hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman.

“Sorry because you had sex with other girl while I was still considered missing? Did you even search for me, Cairo?”

“Rae... wa.. wala ako sa tamang pag-iisip no’n. P-Please... I can’t lose you.” He begged.

Pero hindi ako nagpatinag. “Sana naisip mo ’yan bago mo ginawa kaso hindi eh, naisip mo no’ng tapos na. Nagawa mo na. Nasaktan mo na ako.”

“C-Can we still talk about this? Please?”

I scoffed. “Kaya ba hindi mo pa inaamin kina Riguel at Sam ang ginawa mo sa ’kin? Kasi akala mo maaayos pa ’tong ginawa mo? Stop this shit now, Cairo. I’m done talking.”

“Desirae—”

Marahas kong iwinakli ang kamay niyang humawak sa akin para pigilan ako sa pag-alis.

“Wala ng dapat ayusin pa!”

Cairo stood straight. “Can we talk about my side now?”

Napangiwi ako. “Really?” Seryoso ba siya? Sa ganitong sitwasyon? Hindi ba puwedeng pahupain muna niya ’yong sakit na nararamdaman ko?

Pero bago pa man ako makapagsalita ulit ay nauna na siyang magsalita. Wala na akong nagawa kundi pakinggan na lang ang side niya.

Hindi rin naman ako sigurado kung mapag-uusapan pa ba namin ’to dahil it’s either matatapos itong lahat o kami ang matatapos.

“My friends told me that I ain’t only the one at blame here.”

I scoffed sarcastically. “What?” Is he serious? Is he going to blame me for cheating on me?

“Unbelievable. So you’re telling me na may kasalanan din ako? At sinong mga kaibigan ’yan? Iyong mga kaibigan mo noon na ipinagtutulakan ka sa ibang babae knowing na girlfriend mo na ako?!”

Ang kakapal naman pala ng mga mukha nila.

Cairo walked near me and was about to touch my wrist but I stepped back. He sighed.

“It’s just an inside joke sa circle namin, Rae. You didn’t just get it. And I know this isn’t so nice to say but I told them once that there were times before that you made me overthink... about your relationship with Riguel.”

YIRTELUNA: The Mysteries of Bylea Hill [ Complete ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon