26: Everyone is Trying

17 1 0
                                    

Chapter 26
Everyone is Trying

━━━━━━━━━━

THIRD PERSON

IT’S been nine months since the group’s nightmare happened. Everyone is living their normal life. Everyone is trying to forget. Everyone is trying to move on. Everyone is trying to live their life to the fullest. Everyone is trying to enjoy the life na talagang ginawa nila ang lahat, kahit ang makipaghabulan sa patalim, para lang maranasan ulit.

Wala kahit isa sa kanila ang bumalik sa pag-aaral. Wala pang handa sa kanila na bumalik ulit dahil aware silang magulo pa talaga ang kanilang isip at puno pa rin sila ng takot at pangamba.

Dahil pare-parehas nilang pinili ang huwag munang bumalik sa pag-aaral, naghanap sila ngayon ng puwedeng pagtuonan ng kanilang atensyon upang hindi nila ganoon maalala ang masalimuot na naranasan.

Si Louisiana at Cairo ay nagtatrabaho ngayon bilang waitress at waiter sa parehas na restaurant. Si Alleina ay tumutulong sa business ng Papa niya. Si Dahlia naman ay nagtayo ng maliit na negosyo kung saan gumagawa siya ng shakes, pancakes and waffles.

Si Louisette naman ay nagtayo rin ng maliit niyang negosyo gamit ang kaniyang naipon noon na nadagdagan pa sa lumipas na tatlong buwan. Isang buwan pa lamang ang karinderya niya na medyo pumapatok naman na ngayon sa masa dahil talagang masarap magluto si Louisette ng mga ulam.

Si Yves naman ay tumutulong paminsan kay Louisette sa karinderya niya pero may trabaho talaga si Yves sa isang restaurant. Isa siya sa mga delivery riders ng mismong restaurant na iyon.

Si Alister naman ay kasama nang mamuhay ang kaniyang ama na si Cornelius. Isang buwan matapos nilang magkita-kitang magpamilya ay masayang sumakabilang buhay ang kanilang ina.

Satisfied naman si Alister dahil bago nawala ang kaniyang ina ay nasaksihan niya pa ang saya at matatamis na ngiti ng kaniyang ina. Walang sinayang na oras at panahon sina Alister at Cornelius para iparamdam kay Therese na siya ay kamahal-mahal.

Bago rin mawala si Therese ay ipinakilala ni Alister ang kaniyang mga kaibigan na sina Desirae. Kaya ganoon na lamang ang tuwa ni Therese nang malaman na mayroon na ring mga kaibigan ang kaniyang anak. Kaya siguro naisipan na rin niyang magpahinga dahil sa tingin niya ay maaalagaan na ang kaniyang anak kahit mawala siya.

Samantalang sina Desirae at Denlee naman ay nagsama paalis sa lugar kung nasaan ang lahat. Labag man sa loob dahil masakit para sa kay Desirae na mawalay muli sa kaniyang pamilya, wala siyang magagawa dahil mas pipiliin niya ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Nang makalabas sina Desirae sa YirteLuna ay talagang nagulat sila nang mapagtanto na sobrang tagal pala ng kanilang pagkawala sa labas nito.

Halos three months silang nakulong sa loob ng Bylea Hill pero isang taon na ang lumipas sa labas nito. Nagulat si Desirae nang malaman na nag-birthday na pala ang kaniyang mga kapatid at ngayon ay fourteen years old na sila.

“Naging bente anyos ako na hindi ko alam,” ayan ang komento ni Desirae nang malaman niya iyon.

Ngayon ay sinusubukan nilang lahat ang mamuhay nang normal katulad ng dati. Hindi mawala-wala sa kanilang dibdib ang takot ngunit sinusubukan naman nilang lagpasan lahat.

Isang maulan na hapon ay naglalakad si Dahlia pauwi ng kanilang bahay nang matanaw niya mula sa gate ng isang eskuwelahan si Alister na prenteng nakatayo at nakasandal.

Ngumiti siya at nilapitan ang lalaki. Nagulat naman si Alister nang makaramdam ng tapik sa balikat niya. Napalingon siya at nakita si Dahlia kaya nagtawanan sila.

YIRTELUNA: The Mysteries of Bylea Hill [ Complete ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon