28: Not Much Has Changed

17 1 0
                                    

Chapter 28
Not Much Has Changed

━━━━━━━━━━

DAHLIA LAVENDER CHAVEZ

NOTHING has changed. Nabubuhay pa rin kami sa takot hanggang ngayon. Napa-paranoid pa rin ako tuwing gabi na baka lahat ng ito ay panaginip lang. Walang gabi na hindi ako nag-aalala sa kaligtasan namin... lalo na kina Desirae at Denlee na malayo sa amin.

Kumusta na kaya sila? Ayos lang kaya sila?

Hindi ko alam kung kailan o kung darating pa ba ang araw na makakampante akong mamuhay. Maglakad sa labas na hindi natatakot na baka may hindi magandang mangyari. Kapag nasa shop naman ako ay hindi ko fully mai-focus ang atensyon ko sa ginagawa.

Hindi iyan nawala sa siyam na buwan na lumipas. At habang patagal pa nga ay lumalala. It’s like we’re being haunted forever. Walang takas. Idagdag pa ngayon ang ilang araw ko nang napapansin na may sumusunod sa akin.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko na naman ang nakatatakot na enerhiya na sumusunod sa akin. Nagsimula akong matakot kaya mabilis kong dinukot ang phone ko sa bag at tinawagan si Alister.

“A-Alister...”

Si Alister lang ang puwede kong pagsabihan nito dahil baka may kinalaman ang sumusunod sa akin sa impyernong ’yon.

[ Bakit? Anong nangyari? ]

Napalunok ako. “A-Are you busy? Can you pick me up?”

[ Where are you? ]

Tumakbo ako nang mabilis nang may matanaw akong convenience store. Nararamdam ko pa rin na nakasunod ito kaya hindi ako lumingon. Mahahalata lang ako.

Pumasok ako sa loob at nagkunwaring bibili ng pagkain.

[ Dahlia? ]

“Here sa convenience store tapat ng gas station sa may Santana Drive.”

[ Okay, I’m coming. ]

Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng motorsiklo sa labas kaya mabilis akong sumilip para tingnan. Nang makumpirma kong si Alister na iyon ay kumaripas ako ng takbo palabas.

“Oh, my gosh! Thank you so much!”

“Why? What happened?”

“Someone’s been following me for three nights now.”

“What?! And you’re telling me this just now?! Paano kung may nangyari sa ’yo the first night that someone followed you?!”

Mabilis ko siyang pinakalma. Luminga-linga ako sa paligid pero wala na akong mapansin.

“Let’s talk about this at home. Gusto ko nang umuwi, Alister.”

Bumuntong hininga siya at inabot sa akin ang isang helmet. Mabilis ko iyong isinuot at sumunod sa kaniya pasakay sa motorsiklo niya.

Hindi naman ganoon kabilis ang pagpapatakbo ni Alister pero parang ang bilis namin makarating agad sa bahay. Bumaba ako at inanyayahan ko siyang pumasok muna.

Tulog na sila mama nang makauwi ako. Ini-lock ko muna ang pinto para makasigurado. Sa kusina namin naisipan ni Alister mag-usap.

“Tell me all about it,” saad niya. Tumango ako at inilapag sa harapan niya ang isang tasa ng tsaa.

“The first night he followed me, hanggang doon pa lang sa Santana Drive—”

“From your shop? Also, he?”

Tumango ako. “Yes, the first night kasi nilingon ko pa siya nang paulit-ulit to make sure kung sinusundan ba niya talaga ako. I confirmed that he was a boy dahil sa pigura. I couldn’t see his face dahil palagi siyang nasa madilim na part ng bawat dinadaanan ko.”

Huminga ako nang malalim bago magpatuloy.

“The second night umabot na siya rito sa bahay. I was about to lock the door and close the curtains when I noticed him under the post light. I was so, so scared that night that I couldn’t sleep.”

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko.

“At ngayon... the third time he followed me. Natakot akong makaabot na naman siya rito sa bahay at may gawin sa pamilya ko kaya hindi ko na ipinaabot. I’m sorry to call you this late night.”

“It was nothing. Nandito ako palagi para tulungan kayo.”

“Thank you, Alister.” Pasalamat ko. “Do you think this has something to do with that place?”

Nanlumo ako nang walang makuhang sagot mula sa kaniya. Siguro nga... Siguro may kinalaman ito sa impyernong lugar na ’yon.

“Do... Do we have to go there again?”

“No!”

Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Alister sa upuan.

“No, hindi. Hindi na kayo babalik do’n.”

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya pero natigilan ako nang may ma-realize.

“Kayo? Eh, ikaw? Are you planning something, Alister?”

Tumayo rin ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at ipinagsalikop iyon kasama ng akin.

“Alister, please. Don’t do something crazy.”

“We’ll just check the place. Hi... Hindi kami magtatagal.”

“Who? Sino ang kasama mo?”

“Si Papa,” mabilis niyang sagot. Bumagsak ang balikat ko. “Kailangan namin siguraduhin ni Papa na ligtas na tayo rito.”

“Sasama kami—”

“No, Dahlia! Please... hi... hindi ko na kakayanin na may mangyari pa sa inyo.”

Tuluyan akong naiyak. “Pero sa ’yo ayos lang, Alister? You’re being selfless!”

Natigilan si Alister. And I felt guilty... seems like my last comment hit him on the nerves. Magso-sorry pa sana ako nang marinig ko ang mahina niyang bungisngis.

“R-Right... funny how I dislike Desirae for being a selfless person not knowing that I would be like that, but this is my final decision, Dahlia. No one will get along. Kami lang ni Papa. Sa ’yo ko muna iiwan si Jepjep.”

Mabilis kong pinigilan si Alister nang tumalikod na siya.

“Alister...”

“I told you, Dahlia. It’s final.”

Napayuko ako. Wala na akong nagawa kundi panuorin ang likod niyang papalayo.

“Make sure to lock all the doors and windows. Magdoble ingat ka, Dahlia.”

Tumango ako sa sinabi niya. Tumakbo ako patungo sa pintuan para pagmasdan siyang umalis. Nang hindi ko na matanaw ang motorsiklo niya ay mabilis kong sinunod ang mga sinabi niya.

Pagkaakyat ko sa kuwarto ay saglit lang akong nag-half bath. Lumapit ako sa bintana para sana isara ang kurtina nang makita ko ulit siya. Nagsimulang manginig ang mga kamay at tuhod ko. Bago pa ako tuluyang bumagsak ay nagawa ko pang maisara ang kurtina.

Hindi kayo makatatakas sa akin. Tandaan ninyo iyan!

Rinig kong bulong sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

YIRTELUNA: The Mysteries of Bylea Hill [ Complete ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon