Pasado alas dies na ng gabi ng makarating si Abre at Dominik sa bahay nina Adriana. Lahat ng ilaw sa bahay naka on pa kaya dumiretso na sila sa loob.
Nakita nito ang anak nya sa lamesa na kumakain pero agad din itong tumigil nang makita sya.
"Angel.."
"My name is Autumn not angel and what are you doing here?"
Dati kapag pumupunta sya sa bahay nila Adriana yung mga ngiti ni Autumn ang sumasalubong sa kanya eh, ngayon wala itong nakikitang excitement kundi galit.
"Autumn, hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa kanya!"
Umirap ang anak nya.
"Okay po, then what are you doing here Dad?"
Hindi maipaliwanag ni Abre kung ano yung nararamdaman nya sa oras na yon. Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya at nanatili itong nakatitig sa batang kaharap nya.
"Are you here to hurt my Mommy again?" nagsimulang manubig ang mga mata nito.
And that made his heart crumpled.
"Because of you Mommy yelled at me! Because of you Mommy is mad at me! And because of you Mommy don't love me anymore! I hate you! I hate you! I hate you! I wish you were not my real dad!"
"Autumn!"
Tumakbo pa-akyat ang bata at naiwan syang nakatunganga. Tumulo ang mga luha nya sa narinig nya.
"Ako na bahala sa apo ko." ani ng ina ni Adriana at sinundan ang bata sa itaas ng kwarto.
Masakit para sa kanya marinig ang mga yon lalo na at galing ito sa anak nya. Ngayong alam na ng anak nya na sya ang totoong tatay nito nakaramdam sya ng saya sa puso nya pero doble ang sakit nararamdaman nya nang sabihin sa kanya ni Autumn na sana hindi sya ang totoong ama nito.
"Masakit makarinig ng masasakit na salita kapag galing sa anak mo diba?" sambit ng ama ni Adriana na ikina-agaw ng atensyon nya.
Pinunasan nya ang luha nya at yumuko ito.
"Good to see you again."
Nahihiya syang yumuko at unti-unting lumuhod sa harapan nila. Ayaw nya ng patagalin ang lahat kasi ito naman ang gusto nya. Gusto nya makahingi ng tawad, gusto nya maayos ang lahat.
"Kung may baril ka dyan pwede nyong gamitin sakin pero pakinggan nyo muna ako."
"What's the point of shooting you? Kung papatayin kita mas lalo lang madudumihan ang kamay ko. Tinanggap ko na nga ang pera galing sa pamilya mo tapos papatayin pa kita?"
Lumingo sya.
"Hear me out."
"Go on."
Huminga sya ng malalim bago sya magsalita.
"I-im sorry for what I did. I'm really sorry. Alam ko words are not enough when it comes to sorry pero gusto ko lang malaman mo na pinagsisihan ko ang ginawa ko sa anak nyo and on behalf of my father, I'm sorry."
"Too late." ani ng ama ni Adriana.
"We spoke to Adriana and she doesn't want to see us ever again. Save your apologies to her and sa apo ko but it doesn't mean na pinapatawad kita. You are the root of this bullshit, hindi mangyayari lahat ng ito kung hindi mo binaboy ang anak ko." bumuntong hininga ang kanyang ama at tinapik ang balikat ni Abre saka ito tinulungang tumayo.
"My daughter loves you and I can see how desperate you are to kneel down just to ask forgiveness. Ayoko maging bato lalo na alam natin na may kasalanan din ako, nasaksihan ko ang paghihirap mo sa kamay ng Papa mo and I don't want to do it to you." naguguluhan si Abre sa sinasabi ng ama ni Adriana.
YOU ARE READING
Whispers Of Past
RomanceHe is Duke Abrehem Contreras, the inheritor of Contreras Group; a financial services that provides a lot of sectors. Trading, Real Estate, Reinsurers and etc. He is a brave man when it comes to the woman he loves pero pagdating sa kanyang ama kaya n...