01

22 2 0
                                    

Kyle's POV

"Dito lang ba muna tayo tatambay?" Tanong ni Felix habang s'ya ay kumakain ng fries.

Nandito kami ngayon sa park para magpahangin dahil wala naman ngayong pasok at isa pa ay marami ritong pagala galang pusa, pinapakain ko.

Ano mang bag ang gamit ko ay hindi iyon mawawalan ng cat food. Mahilig talaga ako sa mga pusa kaya naman ay ang kinuha kong kurso sa college ay vet med. At ito 3rd year na rin, pero 'tong dalawang ungas na kasama ko ngayon ay architecture ang course.

"May iba pa ba tayong pwedeng tambayan?" Tanong naman ni Gael kay Felix habang nagscro-scroll sa kan'yang cellphone.

"Okay, wala."

Napailing na lang ako sa dalawa at umayos na nang upo matapos kong bigyan ng cat food itong puting pusa sa paahan ko.

Kanina pa yata kaming tatlo rito mga makapananghali, hindi naman ganoong mainit dahil maraming puno, nasisilungan kami. Himala nga't magkasundo itong si Gael at Felix ngayon e lagi 'to silang magkababag.

"Hoy! Sinong may sabing ubusin mo 'tong fries ko?" Si Gael matapos n'yang tignan ang binili n'yang fries na ngayon ay ubos na.

Oh ayan, nagsisimula na sila.

"Oops, sorreh." Pang-aasar pa lalo ni Felix dito kaya binatukan na niya ito.

Natanaw ko sa malayo sina Amir at Matheo papalapit sa aming pwesto, hindi ko na lang pinapansin itong dalawa sa aking likuran dahil nagwre-wrestling na. Sanay naman na ako sa kanila, kasi pati itong dalawang lalapit e lagi rin magkaaway, sa totoo lang silang apat talaga laging magkakaaway ako lang yata ang matino sa aming lima. Hindi ko rin alam kung bakit naging tropa ko 'to sila.

"Saan kayo galing at ang tagal n'yo?" Mabilis kong tanong kina Amir at Matheo nang makalapit na silang dalawa sa amin.

Kita ko na kasi ang kunot ng noo nitong si Amir malayo pa lang.

"Ito kasing si Matheo nakipagchismis-an pa. Ang dami daming kinakausap kaya hindi na bago kung tatawaging chick boy." Naiinis na saad ni Amir at naupo sa tabi ko.

"Magkaiba ang chick boy sa friendly, Amir." Gatong naman nitong isa.

Umupo na rin si Matheo sa isa pang upuan.

"Kapag talaga nahablot kita Felix lagot ka sa 'kin." Pagbabanta naman nitong si Gael na hindi pa rin natatapos.

"Nakausap ko pala kanina si Jay." Napatingin ako kay Matheo nang magsalita ito.

"Sinong Jay? 'Yung tropa ba nung heart throb sa Engineering Department? " Singit bigla ni Felix sa usapan. Mukang nakaganti na sa kan'ya si Gael at nakalapit na.

"Oo, si Vergara." Sang-ayon naman nitong si Matheo.

"Oo, kaya rin kami natagalan." Sabat naman ni Amir.

"Oh e ano raw?" Usisa pa ni Felix.

Sikat kasi si Vergara kaliwa't kanang department. Rich kid na nga, matalino, matangkad, pogi pa ay saan ka pa boss.

"Inaakit tayo e, birthday raw n'ya e tatlo lang daw silang tropa." Sagot naman ni Matheo.

"Bakit kasama kami?Ikaw lang naman close nu'ng may birthday?" Takang tanong ko rito.

Magkaklase kasi dati nung highschool sina Jay at Matheo kaya close sila kahit magkaiba ng Department ngayon. Bakit naman kami isasama 'di ba? E hindi naman n'ya kami kilala at si Matheo nga lang din close n'on.

"Gusto n'ya raw kasi maraming kasama, ewan ko ro'n. Dami daming fans 'di na lang sila ang akitin." Pailing iling na sagot ni Matheo.

"Aysus, baka crush n'ya lang ako kamo." Natatawang sambit ni Felix.

Can You CATch Me When I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon