03

13 1 0
                                    

Kyle’s POV

Pagkarating ko sa apartment ay agad akong naglinis ng katawan bago humiga sa kama. Naalala ko nga palang ipa-follow ko sa ig si Rowan kaya dali-dali kong binuksan ang ig ko pero may notification na agad na may nag-follow raw sa ‘kin.

Napaupo pa ako sa pagkakahiga ng makitang si Rowan ‘yon. Paano n’ya nalaman ang username ko? Teka totoo ba ‘to? Kaya agad-agad kong pinindot ang profile n’ya at totoo nga! 1 following na s’ya. At ako lang pina-follow n’ya.

Napatakip pa ako sa aking bibig. Kaya pinindot ko na rin ang follow back.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang kan’yang  profile kasi hindi talaga ako makapaniwala. 1 following na talaga s’ya!

Pero matapos ang ilang minuto ay umiling-iling na lang ako dahil napaka-OA ko pala, gan’on lang talaga siguro n’ya kailangan ng tulong sa kan’yang bagong pusa.

Kinuha ko na lang laptop ko para sa gagawin kong project dahil mukang magpu-puyat ako ngayon.

Nagising ako sa alarm ko medyo puyat ako pero natapos ko naman ang dapat kong matapos kagabi kaya ayos na rin. Bumangon na ako para maligo, at kumain. Nang tignan ko ang oras ay maaga pa kaya naisipan kong mag-cellphone muna, pumunta ako sa messenger dahil napakaraming chat na naman pala ni Felix.

Naka-dnd kasi ako kagabi at may project akong tatapusin ayaw ko ng distraction. Binuksan ko agad ang gc naming lima.

felixswabe: @kyleortigas anong ginawa mo’t nag-follow sa’yo si Vergara sa ig?

felixswabe: Ulol! Tinapos na n’ya ang laban 1 following na si Vergara. Ilang taon na ‘yang 0 following.

gaelmatsunaga: Sheesh, iba talaga ‘pag @kyleortigas.

amirdisappear: How to be you po?

matheomabango: Tinanong din ako ni Jay kagabi. Gulat na gulat at kahit sila hindi pina-follow n’yang tropa nila, panira lang daw sila.

felixswabe: Sheesh naman @kyleortigas

gaelmatsunaga: Ikaw pala si “my only exception” ni Vergara e.

Hindi na lang ako nagreply sa mga ungas dahil alam kong tatanongin pa rin nila ako sa personal kaya sa personal ko na lang sasabihin.

Gan’on ba talaga ka-big deal ‘yon? Pero sabagay si Rowan na ‘yon e, anong magagawa ko kung cat lover naman pala si Rowan at gagawin ang lahat para sa bago n’yang cat ‘di ba? Kahit masira pa ‘yang iniingatan n’yang following.

Green flag agad ‘yun.

Binuksan ko ang ig ko at nagulat ako sa dami ring nag-follow sa akin bigla. Ang dami! Puro fans yata ito ni Rowan, nagulat siguro’t bigla akong pi-nallow sa ig, ‘andito rin si Joaquin at si Jay. Silang dalawa lang ang aking ipi-nallow back kasi sila lang naman ang kilala ko.

Matapos ‘yon ay pumasok na ako. Nadaan ko pa si Reki sa daan kaya binigyan ko ng cat food at tubig.

Nang makarating ako ay nasa bungad na agad sina Felix, hi-nead lock pa ako nang makalapit ako.

“Ano ‘yong sa ig ha?” Tanong nito agad.

“Bakit ba ako tinatanong n’yo? Ako ba ‘yung nagfollow?” Sagot ko rito matapos kaalis sa head lock n’ya.

“Oo nga naman.” Sang-ayon ni Amir.

“Hindi! May ginawa ka ‘no?” Usisa pa rin ni Felix kaya sumuko na ‘ko.

“Oo na!”

“Sheesh! Anong ginawa mo ha?”

“Nakita ko kasi s’yang nang-adopt ng stray cat kahapon at nag-offer ako ng help pagkailangan n’ya ng tulong sa pag-aalaga ng pusa. Kaya in-ask ko na kung pwede ko s’yang follow sa ig. And oo raw. Oh ayan okay na? Cat lover lang talaga ‘yung tao!” Pagpapaliwanag ko sa mga ito.

Can You CATch Me When I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon