04

16 2 0
                                    

Kyle's POV

“Tara gala sa Sabado?” Yaya bigla ni Felix bago s’ya sumubo ng Carbonara na in-order n’ya.

“Wala naman akong gagawin sa Sabado, ‘ge.” Saglit pa munang pinag-isipan ito ni Amir bago magsalita.

“Sige, gala tayo. Deserve natin ‘to.” Sabat naman ni Gael sa gilid. Napatingin ako kay Matheo na mukang sang-ayon din.

Bakit ba ngayon pa? Nag-agree na ako kay Rowan oh. Nakakahiya naman bawiin, lagi ko naman kasama ‘tong mga asungot na ‘to kaya okay lang siguro na hindi muna ako sumama.

“May gagawin ako sa Sabado.”

Napatingin sa ‘kin silang lahat dahil sa sinabi ko.

“May project ka?” Usisa ni Matheo. Umiling ako sa tanong nito.

“Wala, may iba akong pupuntahan.”

Mabuti at hindi na nila inusisa kung saan ba ‘ko pupunta. At nag-usap na lang kung ano ang pwede nilang gawin sa Sabado.

Hindi na lang ako nakisabat at tahimik na lang na kumain, hindi naman ako sasama e.

Pero deep inside medyo excited ako sa Sabado. Wala lang, hindi ko rin alam baka siguro dahil first time kong makaka-bond si Rowan na kaming dalawa lang.

“Dalian n’yo matatapos na lunch break!” Napatingin ako sa relo ko dahil sa sinabi ni Amir kaya naman nagmadali na akong kumain dahil ayaw ko naman ma-late!

Naglalakad na ako ngayon pauwi at iniisip ko kung i-cha-chat ko pa ba si Rowan para tanungin kung saan kami magkikita sa Sabado pero medyo nahihiya ako pero kung tatanungin ko s’ya ngayon ay mababawasan na ang isipin ko at gusto ko na mabawasan isipin ko ngayon kaya nagtungo na ‘ko sa ig at nagmessage rito.

@kyleortega

Hello!

Parang baliw bakit ba hello lang sinabi ko? Dapat dinagdagan ko pa nagmuka tuloy akong papansin. Reklamo ko pagkatapos ko i-send ang message ko. I-a-unsent ko na sana nang ma-seen n’ya agad, typing na rin s’ya ngayon. Ano ba naman ‘yan.

@rowanvergara

Hello :))

@kyleortega

Pasensya sa abala ha, i-a-ask ko lang sana kung saan tayo magkikita sa Sabado at anong oras?

Wala pang ilang minuto ay agad n’ya itong na-seen kaya nakatitig lang ako sa cellphone ko habang naglalakad kaya hindi ko napansin na may bato pala sa dadaanan ko kaya ang ending ay napasubsob ako.

Iniinda ko ang sakit habang nakahawak ako sa aking braso, tinignan ko agad ang paligid kung may nakakita ba kasi sobrang nakakahiya at mabuti naman at walang tao. Subsob kasi talaga ako.

Napatingin ako sa braso ko na ngayon ay dumudugo, kainis naman!

Pinagpag ko muna ang damit ko bago tumayo at meron din akong sugat pati sa tuhod. Unti-unti pa ‘kong tumayo kasi masakit ang tuhod ko baka bumagsak pa ulit ako pero mabuti naman at nakaya.

Malas talaga.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko pero hindi ko muna pinansin at nagpokus na makauwi at gagamutin ko pa ‘tong mga sugat ko. Nadaanan ko rin si Reki, kaya binigyan ko ito ng cat food.

Nang makauwi ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo para magamot ko na rin ‘tong mga sugat ko.

Matapos kong maligo at linisin ang sugat ko at nahiga ako sa kama nang maalala kong kausap ko nga pala si Rowan kanina.

Can You CATch Me When I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon